Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kurudi Nyuma
Kurudi Nyuma
Kurudi Nyuma
Ebook123 pages1 hour

Kurudi Nyuma

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Japo sio somo la kawaida, kurudi nyuma kunashughulikia hali ya kawaida inayojitokeza miongoni mwa Wakristo. Wengi wanaanza lakini si wengi ndo wanadumu hadi mwisho. Katika kitabu hiki, Askofu Dag Heward-Mills anatutahadharisha ishara, na kubainisha wazi kwa nini kila Mkristo anapaswa kufanikisha kufika Mbinguni!

LanguageKiswahili
Release dateJul 26, 2016
ISBN9781613954195
Kurudi Nyuma
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Kurudi Nyuma

Related ebooks

Reviews for Kurudi Nyuma

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kurudi Nyuma - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ano ang Pagtalikod sa Pananampalataya?

    Itinaas ng Diyos ang Propetang si Jeremias noong panahon na ang Israel at Juda ay malapit nang mabihag sa Babilonya. Ginamit Niya si Jeremias upang ipakita sa mga tao ng Israel ang kalagayan ng kanilang mga puso sa pagtalikod sa pananampalataya .

    Jeremias, Bakit Ka Umiiyak?

    Ang kuwento ni Jeremias ay nagbibigay ng ilang malinaw na paglalarawan ng pagtalikod sa pananampalataya. Si Jeremias, na kilala rin bilang umiiyak na propeta, ay nagkaroon ng mga mensahe na karamihan ay nakasentro sa temang pagtalikod sa pananampalataya. Siya ay madalas makipagdigmaan sa mga tao ng Israel, na sa tuwina ay binibigyan ng babala na magsisi at magbago sa kanilang masamang kaparaanan. Ang umiiyak na propeta ay nag-aalala sa mga naliligaw na saloobin ng kaniyang bayan. Paulit-ulit siyang nagbigay sa kanila ng babala, Tumalikod kayo sa inyong masamang kaparaanan. Ihinto ang paggawa ng kasamaan! Magsisi at bumalik sa Diyos.

    Ginawa niyang ipakita sa kanila sa iba’t ibang kaparaanan kung ano ang ibig sabihin ng pagtalikod sa pananampalataya.Ngunit ang bayan ng Israel at Judah ay tumangging magbago.

    Sa maraming taong nakalipas, natutunan ko sa pamamagitan ng karanasan na ang pagtalikod sa pananampalataya ay maaaring ikumpara sa paglalakad sa kalsada na walang mga karatula o babala. Sa ating pamumuhay-Kristiyano walang mga karatula upang balaan na tayo ay tumatalikod sa pananampalataya. Walang babala na nagsasabing, IMPIYERNO AT KAPAHAMAKAN- 200 metro ANG LAYO. Walang ganoong babala! Ang pagtalikod sa pananampalataya ay nangyayari ng unti-unti, hanggang sa ikaw ay mapunta sa kung saan na hindi mo inaasahan.Dahan-dahan ngunit tiyak, ikaw ay DADAUSDOS doon.

    Ang pagtalikod sa pananampalataya ay tunay at maaaring suriin sa pamamagitan ng pag-aaral ng iba’t ibang anyo ng pagtalikod sa pananampalataya na inilarawan ni Jeremias. Ginamit ng propeta ang mga sitwasyon sa totoong buhay upang ilarawan ang napaka-pangkaraniwang espirituwal na kababalaghan. Ito ay isang pangkaraniwang pangyayari sa mundo ng Kristiyano.Sinasabi ng Bibliya,

    …marami ang tinawag, subalit kaunti ang napili.

    Mateo 20:16

    Ang ibig sabihin nito ay marami ang nagsimula kasama ni Cristo subalit marami ang nahiwalay . Sinasabi rin ng Bibliya,

    ... ang magtitiis HANGGANG WAKAS ay siyang maliligtas.

    Mateo 10: 22

    Marami sa mga lumalapit kay Kristo ay humihiwalay pagkatapos.

    Kahit IKAW ay Maaaring Tumalikod Sa Pananampalataya!

    Ang ilang mga tao ay maaaring tumuya sa paksang ito at sabihin, Hindi ko nakikinita ang aking sarili na tatalikod sa pananampalataya. Ang ganitong saloobin ay nagpapakita na ikaw ay.maaaring tumalikod sa iyong pananampalataya. Ang Biblia ay nagsabi sa 1 Mga Taga-Corinto 10:12, Kaya’t ang may akalang siya’y nakatayo, magingat na baka mabuwal

    Ang aklat na ito ay makakatulong sa iyo upang pagtibayin ang kapangyarihang nananatili sa mga Kristiyano. Ang may maraming kaalaman ay mas ligtas ang kalagayan - at mas mananatili ang kapangyarihan sa kanya. Sinasabi ng Bibliya,

    ...sapagka’t kami ay hindi hangal sa kanyang mga lalang.

    2 Mga Taga-Corinto 2:11

    Ang itinuturo ng aklat na ito ay magtataboy ng salot ng kamangmangan. Tandaan na ang mga taong hindi nagbabasa ay hindi mas mahusay kaysa sa mga taong hindi marunong bumasa. Ang ibig sabihin ay ang mga taong ayaw hanapin ang karunungan ay hindi mas mahusay kaysa sa mga taong hindi nagkaroon ng tunay kakayahan .

    Sa susunod na kabanata, ipapakita ko ang iba’t ibang kaparaanan kung saan makikita mo ang pagtalikod sa pananampalataya.

    Kabanata 2

    Paglalarawan ng Bibliya sa Pagtalikod sa Pananampalataya

    Pagpapalit ng Bukal para sa SIRANG TIPUNAN NG TUBIG

    …kanilang iniwan ako na bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.

    Jeremias 2:13

    Noong ako ay nag-aaral pa lamang ng medisina , ako ay ipinadala sa Danfa upang bisitahin ang isang lungsod ng dalawang linggo.Minsan, habang kami ay naglalakbay- aral napadaan kami isa isang malayong lungsod na walang agos ng tubig. Dahil walang tubig sa lungsod na iyon, sila ay humukay ng malaking butas sa lupa kung saan naiipon ang tubig at kadalasan ang tubig na ito ay marumi at kulay kayumanggi.

    Ininom Nila ang Maduming Tubig!

    Ang mga tao sa nayong iyon ay naligo, dumumi at umihi doon. Sila rin ay uminom doon at ginamit ang tubig sa pagluluto. Ang tubig na ito ay nagdulot sa kanila ng iba’t ibang uri ng mga sakit at mga karamdaman.

    Sa Bibliya, ang pagtalikod sa pananampalataya ay inihahalintulad sa mga taong may kakayanan na gumamit ng malinis na tubig subalit kanila itong ipinagpalit sa isang may amoy at maduming tubig — kagaya na lamang ng aking nakita sa nayon na iyon.

    Sigurado ako na kayo ay mag-iisip kung bakit ang isang tao ay iiwanan ang isang malinis, matamis at ligtas sa sakit na tubig sa isang madumi at pinamumugaran ng sakit na tubig. May mga tao na may kakayanan na mamuhay ng banal at maka-Diyos subalit kanila itong tinalikuran at pinili nilang mabuhay sa kasalanan at kontrolado ng demonyo.

    Binigyan ka ng Diyos ng pagpipilian bukod sa maduming kayumangging tubig. Sinasabi gn Diyos na kapag tumalikod ka sa pananampalataya ikaw ay babalik sa isang kahindik hindik na bagay na maari mong ikamatay. Sinasabi Niya sa iyo na huwag mong gawin ang tiwaling bagay na gaya ng muling pag-inom sa maputik na tubig na iyon.

    Naging Bansot na Puno ng Ubas

    …bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

    Jeremias 2:21

    Ang susunod na paglalarawan ng Bibliya tungkol sa pagtalikod sa pananampalataya ay tulad ng isang magandang halaman na kung saan ito ay naging matinik at naging kakaibang puno ng ubas.

    Ipinakita sa atin dito ng Diyos kung paano ang bukirin ng magsasaka kung saan siya ay umaasa ng magandang ani ay naging matinik at naging walang silbing mga damo. Ikaw na mananampalataya ang magandang tanim ng Panginoon. Bakit mo hahayaan na ang buhay mo ay maging matinik at walang silbing palumpong? Ganito ka nakikita ng Panginoon kapag ikaw ay tumalikod sa iyong pananampalataya.

    Ang problema ng Panginoon sa Israel ay ang pag-aalay NIya ng Kanyang pagmamahal, pag-unawa at panahon sa kanilang buhay. Subali’t sila ay naging masuwayin, matitigas ang puso at naging masasamang tao. Hahayaan mo bang maging isang walang kabuluhang nilalang sa harap ng Diyos? Ang dapat na kasagutan ay tiyak na Hindi!

    Nagiging Isang Mailap na Kamelyo

    …ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad.

    Jeremias 2:23

    Ang Kristiyanong tumatalatikod sa pananampalataya ay inilarawan na isang maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad. Ang dromedario ay isa pang tawag sa kamelyo. Ito ay mailap at maliksing nilalang na napapadpad kung saan saan.

    Ang puso ng taong tumatalikod sa pananampalataya ay gaya ng kamelyong mailap at hindi mapigil. Hindi ito nagpapapigil sa kahit na ano o sino man. Ito ay umaalpas at mailap. Naalalla ko ilang taon na nakalipas nang aking binisita ang isang Kristiyanong tumalikod sa pananampalataya sa London.

    Ang Aking Kaibigan ay Naging Mailap

    Ang pinakamahusay na paglalarawan sa taong ito ay umaalpas at mailap. Sinubukan ko siyang pabalikin sa Panginoon. Nagtagal ako sa paghahanap ng kanyang lugar at narating ko din ito makalipas ang hatinggabi. Siya ay nagulat nang makita ako at ako ay pinapasok niya sa loob ng kanyang tahanan. Habang kami ay nag-uusap, naisip niya kung bakit ako dumalaw sa kanya. Bilang isang matagal nang Kristiyano na tumalikod sa kanyang pananampalataya, alam na niya ang mga Salita sa Bibliya na nais kong sabihin.

    Napahinto ako sa pagsasalita nang sinabi niya sa akin na Makinig ka, alam ko na ang sasabihin mo, at alam ko na ang mga Salita sa Bibliya na inihanda mong sabihin ngayong gabi. Ganoon pa man, gusto kong malaman mo na wala na akong pakialam.

    Naglabas siya ng sigarilyo at nanigarilyo sa aking harapan. Sinabi niya, Gusto kong makita mo akong naninigarilyo dahil walang makakapigil sa akin.

    Kumuha siya ng isang album at ipinakita ang mga larawan ng kanyang kasintahan na kuha niya. Ang mga larawang iyon ay nagpapahiwatig ng kahalayan at kalaswaan.

    Ang sabi niya, Nais kong makita mo ang tunay kong pagkatao. Ito na ako ngayon. Ito ang aking ginagawa. At walang sinoman na makapipigil sa aking mga ginagawa.

    Muli niyang idiniin na maari na niyang gawin ang mga bagay na nais niyang gawin, at walang makapipigil sa kanya. Ganyan ang mga taong tumalikod sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1