Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman
Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman
Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman
Ebook230 pages3 hours

Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

Maraming mga tao ang nahihirapan sa konsepto ng pagbibigay ng ikasampung bahagi kahit na ang makalumang kaugaiang ito ang nagdulot ng makasaysayang yaman ng mga Hudyo. Sa aklat na ito, si Obispo Dan Heward Mills ang magtuturo sa atin kung paanong ang pagbibigay ang kinakatawan sa mga prinsipyo ng paggawa ng kayamanan at ang himala ng kasaganaan. Masiyahan sa isa sa mga klasikong serye ni Dag Heward-Mills.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986706
Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman

Related ebooks

Reviews for Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman

Rating: 4.333333333333333 out of 5 stars
4.5/5

3 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap ...Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman - Dag Heward-Mills

    Malibang hindi naisaad, lahat ng sipi sa Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Dating Biblia 1905.

    Karapatan sa Pagmamay-ari © 2017 Dag Heward-Mills

    Unang inilathala 2017 ng Parchment House

    Orihinal na inilathala sa Ingles sa ilalim ng pamagat na: Why Non - Tithing Christians Become Poor and How Tithing Christians Can Become Rich.

    Bakit ang Mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap …Papaano ang mga Kristiyano ma Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mayaman

    Alamin ang higit pa tungkol kay Dag Heward-Mills sa:

    Healing Jesus Crusade

    Email: evangelist@daghewardmills.org

    Website: www.daghewardmills.org

    Facebook: Dag Heward-Mills

    Twitter: @EvangelistDag

    ISBN: 978-1-68398-670-6

    Angkin ang lahat ng karapatan sa ilalim ng internasyonal na batas ng karapatang sipi. Dapat matiyak na may nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala upang magamit o makopya ang anumang bahagi ng aklat na ito.

    Mga Nilalaman

    Unang Bahagi: Bakit ang mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap

    Kabanata 1: Anim na Dahilan Kung Bakit ang Mga Taong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung ay Nagiging Mahirap

    Kabanata 2: Ang Mga Sumpa na Sumusunod sa mga Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi

    Kabanata 3: Ano ang Kahulugan ng Pagnanakaw sa Diyos

    Kabanata 4: Dalawampung Espiritwal na Suliranin ng mga Tao na Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi

    Kabanata 5: Pitong Hakbang sa Pagiging Pinansiyal na Walang Kapakinabangan

    Kabanata 6: Ang Mga Masasamang Pag-iisip ng nga Hindi Nagbabayad ng Ikasampung Bahagi

    Kabanata 7: Mga Babalang Panghuhula Laban sa Pagkalimot sa Diyos at Hindi Pagbibigay Ikasampung Bahagi

    Ikalawang Bahagi: Papaanong ang mga Kristiyanong Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Magiging Mayaman

    Kabanata 8: Pitong mga Bagay na Dapat Malaman ng Bawat Kristiyano Tungkol sa Pagbibigay ng Ikasampung Bahagi

    Kabanata 9: Bakit Itinatag ng Diyos ang Ikasampung Bahagi

    Kabanata 10: Pitong mga Tagapagbunsod sa Pagbibigay ng Ikasampung Bahagi

    Kabanata 11: Ang Maalamat na Kayamanan ng mga Hudyo

    Kabanata 12: Ang mga Lihim sa Yaman ng mga Hudyo

    Kabanata 13: Ang Makabagong Guro ay Nagtuturo ng Kasaganaan

    Kabanata 14: Paano Natutupad ng mga Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ang mga Batas sa Paglikha ng Yaman

    Kabanata 15: Paano Ginagawang Aktibo ng mga Nagbibigay ng Ikasampung-bahagi ang mga Batas ng Pagtatanim at Pag-ani

    Kabanata 16: Kung Paano ang mga Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagkaroon ng Bahay na Itinayo ng Diyos para sa Kanila

    Kabanata 17: Kung Paano ang mga Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagkakapag-udyok ng Pagkahabag ng Diyos

    Kabanata 18: Kung Paano Pinapairal ng mga Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ang Pagpapala ng Pagbibigay sa Mahihirap

    Kabanata 19: Kung Paano Nabubuksan ng mga Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ang Kalangitan sa Kanilang mga Buhay

    Kabanata 20: Sampung Bagay na Nagaganap sa Bawat Pagkakataong na Ikaw ay Nagbibigay ng Iyong Ikasampung Bahagi

    Kabanata 21: Bakit ang Pagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay ang Unang Hakbang sa Ministeryo

    Kabanata 22: Sampung Dahilan Kung Bakit ang Pagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Hindi Gumagana Para sa Ibang Tao

    Unang Bahagi

    Bakit ang mga Kristiyanong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap

    Kabanata 1

    Anim na Dahilan Kung Bakit ang Mga Taong Hindi Nagbibigay ng Ikasampung Bahagi ay Nagiging Mahirap

    1. Ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap dahil wala silang inaani.

    SAPAGKAT SILA’Y NANGAGSABOG NG HANGIN, AT SILA’Y NANGAGSASABOG NG HANGIN, AT SILA’Y MAGSISIANI NG IPOIPO: siya’y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga taga ibang lupa.

    Hosea 8:7

    Ang kasaganaan sa pinakasimpleng uri nito ay binubuo ng taong naghahasik ng punla at inaani ng pagbalik nito. Ang hindi pagbabayad ng iyong mga ikasampung bahagi ang naghihiwalay sa iyo mula sa pinakasimpleng prinsipyo na ito ng paghahasik at pag-aani. Kapag hindi ka nagbabayad ng iyong mga ikasampung bahagi, pinipinsala mo ang iyong mga pananalapi dahil inaalis mo ang mga pundasyon ng kasaganaan.

    2. Ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap dahil hindi nila naaakit ang mga biyaya sa kanilang mga buhay.

    DALHIN NINYO ANG BUONG IKASANGPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at IHUHULOG KO SA INYO ANG ISANG PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.

    Malakias 3:10

    Ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ay nakakaakit ng iba’t-ibang mga uri ng biyaya dahil iyon ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Ang taong pinagpala ay itinatangi at tinutulungan. Ang ating mga buhay sa lupa ay napakahirap. Sinabi ni Jacob sa kanyang buhay nang siya ay tanungin ni Faraon, Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon;KAUNTI AT MASASAMA ANG MGA NAGING ARAW NG NG MGA TAON NG AKING BUHAY at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan." ( Genesis 47:9)

    Sinabi rin ni Jacob na ang mga araw ng tao ay kakaunti at puno ng problema. Kahit na walang tiyak na sumpa sa iyong buhay, makakatagpo ka ng maraming suliranin at maraming paghihirap. Kapag hindi ka nagbibigay ng iyong ikasampung bahagi walang biyaya na hahadlang sa mga problema ng buhay na ito. Paano aayos ang iyong buhay kung walang salita ng pagpapala ang naipahayag sa iyong kahabag-habag na buhay? Huwag kang magtaka sa mataas na kahirapan sa iyong buhay kung ikaw ay hindi nagbibigay ng iyong mga ikasampung bahagi. Ang pagpapala na nakakapagpayaman at hindi nakakadagdag ng kapighatian ay dumarating sa taong nagbibigay ng ikasampung bahagi.

    3. Ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap dahil sila ay isinumpa.

    Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.

    KAYO’Y NANGAGSUMPA NG SUMPA sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong buong bansa.

    Malakias 3:8-9

    Mayroong tiyak na sumpa para sa mga taong hindi nagbibigay ng mga ikasampung bahagi. Isa ito sa pinakamataas sa dalawampu’t-limang mga sumpa sa mundong ito. Ang sumpang ito sa mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay bahagi lamang ng pagkarami-raming mga sumpa na naipasa sa atin mula kina Adam, Noah at iba pang salinglahi. Ang sumpa sa mga tao na hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay kumikilos kasama ng mga sumpa na maaring natamo ng iyong mga magulang at mga ninuno sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga kaapu-apuhan. Halos tayong lahat ay apo ng mga taong naisumpa dahil sa ilang mga dahilan sa pamamagitan ng mga bagay na kanilang ginawa.

    Isang araw, ako ay lubhang nag-alala nang aking matuklasan na tila ang aking mga ninuno ay mga mangangalakal ng mga alipin. Nalaman ko na may sinaunang kuta na naitayo sa bayang pinagmulan ng aking ama na maaaring nagamit para sa pangangalakal ng mga alipin. Maliwanag na, ako ay apo ng isang tao na hindi naipagbili sa pagkakabihag. Samakatuwid ako ay maaaring naging apo ng isang taong nagbenta ng kanyang kapatid. Ang pagbebenta ng iyong kapatid ay tunay na nagdadala ng sumpa sa iyong pamilya. Nagtataka ka ba kung bakit ang mga lugar kung saan ikinalakal ang kanilang mga kapatid para sa mga mumurahing hiyas at mga salamin ay ang pinakamadalas na tamaang bahagi ng kahirapan sa buong mundo sa kasalukuyan?

    Ang hindi pagbibigay ng iyong mga ikasampung bahagi ay nakakapagdulot ng matinding karagdagang sumpa sa iyong buhay. Huwag kalimutan na ikaw ay nahihirapan na sa ilalim ng sumpa ni Adan. Ikaw ay nakikipaglaban din sa sumpa ni Ham, kung ikay ay apo ni Ham.

    MAHAL NA KAIBIGAN, GAANO PA KARAMI ANG KAYA MONG DALHIN? HINDI BA PANAHON NA UPANG GUMAWA NG BAGAY NA MAGDADALA NG PAGPAPALA? Kailangan mo ng pagpapala ng isang taong nagbibigay ng ikasampung bahagi upang hadlangan ang lahat ng napakahirap na mga sumpa! Nakakapagtaka pa ba na ikaw ay nagiging higit na mahirap habang ikaw ay tumatangging magbigay ng iyong mga ikasampung bahagi?

    4. Ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap dahil kinakain ng mga mananakmal ang iyong kayamanan.

    AT AKING SASAWAYIN ANG MANANAKMAL dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

    Malakias 3:11

    Ang pinakamalaking biyaya sa pagbibigay ng mga ikasampung bahagi ay ang pagpaalis ng Diyos sa lahat ng nananakmal na nakapaligid sa iyo. Kapag ikaw ay makikinig sa mga pinuno ng pamahalaan ng mahihirap na bansa, makikita mo na ang lahat ng kanilang problema ay matatapos kung sila ay magkakaroon ng kakaunting dagdag na salapi. Sa kasamaang palad, hindi ito ang kanilang kalagayan. Ang mga lugar na nakakatanggap ng maraming pinansiyal na tulong ay kadalasang nananatiling mahirap. Ang kabalintunaan ng larawang ito ay umiiral dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga tumatanggap ng salapi na mapanatili ang salapi na kanilang natatanggap.

    Naiisip mo ba kung ano ang kakailanganin mo upang mapuno ang balde na puno ng mga butas? Kung ang mga kayamanan ay tinutukoy bilang balde na puno ng tubig, kakailanganin mo ng napakaraming tubig upang mapuno ang baldeng ito.

    Ito ang mahiwagang pagpapala ng nasasaway na mananakmal. Matapos sawayin ang mananakmal, kakailanganin lamang ng kaunting panahon upang ikaw ay maging mayaman. Kapag ikaw ay walang pagpapala na tulad nito ikaw ay palaging maghahanap ng higit na mainam na mga trabaho at kumita ng higit na maraming salapi ngunit ikaw ay palaging mabibigo na maging mayaman.

    Kapag nasaway ang mananakmal, maaaring hindi ka kumita ng masyadong malaki ngunit ang iyong balde ay mabilis na mapupuno at kalaunan ay magsisimula na itong umapaw.

    Mahal na kaibigan, ito ang ipinangako ng Diyos na Kanyang gagawin kapag ikaw ay nagbibigay ng iyong mga ikasampung bahagi. Umalis sa kahirapan ngayon at tanggapin ang biyaya ng pagsaway sa mga mananakmal. Nagtataka ka ba kung bakit ang mga tao ay higit na malaki at mataba sa kalagitnaan ng kanilang buhay? Malimit na hindi naman sila kumakain ng higit na marami.

    Sa katunayan, maraming tao na nasa kalagitnaan ng kanilang buhay ay nagdidiyeta upang mabawasan ang timbang ngunit patuloy pa rin ang pagdadagdag ng kanilang timbang. Ano ang dahilan sa pagdagdag timbang? Habang tumatanda ang mga tao, ang kanilang metabolismo ay bumabagal. Sa madaling salita ang apoy na sumusunog ng taba ay bumabagal. Kung ang bahagdan ng pagsusunog ng taba sa katawan ay umuubos ng sampung yunit araw-araw, maaari itong bumaba sa limang yunit.

    Ikaw ay magsisimulang magkaroon ng pagtaas ng dagdag na limang yunit ng taba na hindi nagagamit araw-araw. Kahit wala kang ginagawa, ikaw ay nadadagdagan ng timbang at nagiging higt na malapad at malaki. Iyon ang dahilan kung bakit nalalaman mo ang gulang ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sukat. Habang ikaw ay tumatanda ang iyong metabolismo ay bumababa, ( ang mananakmal ay nasasaway) at ang pagdagdag ng timbang ( kasaganaan) ay nagaganap.

    Tunay nga na, ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay naging higit na mahirap dahil sa presensya ng malalayang mga mananakmal sa kanilang mga buhay.

    5. Ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap dahil ang mga bunga sa kanilang bukid ay patuloy na nawawasak.

    At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at HINDI NIYA SISIRAIN ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

    Malakias 3:11

    Ang walang saysay na pagkawala ng iyong mga natamo sa pamamagitan ng pagkasayang, hindi maayos na pamamahala, pagpapabaya, sunog, mga aksidente, mga kaguluhan, pagnanakaw, at maging ang digmaan ay masakit ngunit talagang gawain ng mananakmal.

    Isa sa malalaking biyaya ng pagbibigay ng ikasampung bahagiay ang pagkakaroon ng nananaway sa mapanira. Ang mapanira ay kapatid ng mananakmal. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mapanira at mananakmal ay ang mapanira ay nagtatanggal ng iyong kayamanan sa masakit at walang kabulugang paraan. Higit na masakit na makita ang mapanira na kumikilos dahil walang kabuluhan ang kawalan na iyong naranasan. Magsimulang magbigay ng iyong mga ikasampung bahagi at ipinangako ng Diyos na sasawayin Niya ang mapanira.

    6. Ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap dahil nawalan na sila ng mga bunga bago pa magkaroon ng pagkakataon na makaani.

    At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa;NI MALALAGASAN NG BUNGA SA DI PANAHON ANG INYONG PUNO NG UBAS sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

    Malakias 3:11

    Ang isa pang dahilan kung bakit ang mga tao na hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap ay dahil ang mga bunga ng kanilang ani ay nawawala na bago pa man sila magkaroon ng pagkakataon na maani ang mga ito. Ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay isinumpa ng may kasamang pagbagsak ng ani. Ang bagsak na ani ay kabiguan na anihin ang naaayon at naaangkop na ani para sa iyong pinuhunan.

    May mga tao na nagtuturo na kung ikaw ay magtatrabaho nang husto ikaw ay yayaman. Nagpatuloy siya, Ang mga tao na hindi mayaman ay hindi nagtatrabaho nang husto. Ang mga tao sa umuunlad na mga bansa ay dapat na magtrabaho at ang kasaganaan ang kanilang magiging bahagi.

    Ngunit kung titingin ka sa iyong paligid, matutuklasan mo na maraming tao ang nagtatrabaho nang husto ngunit hindi yumayaman! Makakahanap ka ng mga tao na nagtatrabaho nang halos labing-dalawang oras sa isang araw at kumikita ng halos wala. Gayunman, mga ilang milyang layo mula sa kanila ay makakahanap ka ng mga tao na nagtatrabho ng isang oras sa isang araw ngunit kumikita ng milyon-milyon.

    Oo, totoo na ang kasipagan sa pagtatrabaho ay dapat na mag-aakay sa iyo sa kasaganaan ngunit sa maraming mga kalagayan ito ay hindi naaangkop. Ang isang nagmamaneho ng bus sa Sweden ay kumkita ng labing siyam na beses na kaparehas ng kinikita ng isang mabuting drayber ng bus sa Ghana. Bakit ito ganito? Bakit hindi nila maani ang katulad na halaga para sa katulad na mga oras ng pagtatrabaho at katulad na mga trabaho? Bakit may tao na naghahasik ng isang daang punla at umaani ng isang daan mga ani at ang isa ay naghasik ng isang daang punla at umani ng dalawampu’t-tatlong mga ani?

    Dito mo malalaman kung gaano katotoo ang bagsak na mga ani. Ang bagsak na ani ay ang pagkabigo ng tao na anihin ang naayon at naangkop na ani para sa kanyang pinuhunan. Maraming tao ang nakakaranas ng ganitong uri ng bigong pag-aani.

    Malimit na ang mga dahilan ng bagsak na ani ay lampas sa kapangyarihan ng tao na nakakaranas ng bigong ani. Bakit ang isang Mehikano ay kumikita ng napakaliit para sa kanyang mga pagsisikap kumpara sa kasamahang tao na nasa limang milyang layo sa kabilang hangganan ng Amerika? Bakit ang kasamahan sa lupain ng Amerika na nagtatrabaho ng kaparehong dami ng oras at pagsisikap katulad ng Mehikano ngunit kumikita ng labing siyam na mas nakahihigit? Ang mga dahilan at solusyon ng problemang ito ay hindi na sakop ng kakayahan ng tao na maiwasto. Ngunit ang Diyos na makapangyarihan ay nangangako sa nagbibigay ng ikasampung bahagi na pipigilan Niya ang pagbagsak ng pag-aani mula sa pagbagsak nito sa lupa. Hindi niya pahihintulutan na ang iyong mga bunga na mahulog bago ang oras ng anihan.

    Nakapagtataka pa ba na ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ang pangunahing susi sa tunay na kasaganaan? Nagtaka ka ba na ang mga taong hindi nagbibigay ng ikasampung bahagi ay nagiging mahirap sa pamamagitan ng pagtatabi ng sampung bahagdan ng kanilang kita palayo sa Diyos?

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1