Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Aklat ng mga Seremonya
Aklat ng mga Seremonya
Aklat ng mga Seremonya
Ebook108 pages2 hours

Aklat ng mga Seremonya

Rating: 3.5 out of 5 stars

3.5/5

()

Read preview

About this ebook

Si Dag Heward-Mills ang manunulat ng maraming mga aklat, kabilang na ang pinaka-mabentang "Katapatan at Pagtataksil". Siya ang tagapagtatag ng United Denominations na nagsimula mula sa Lighthouse Group of Churches na ngayon ay may tatlong libong mga simbahan na.

si Dag Heward-Mills ay isang pandaigdigang mangangaral ng ebanghelyo, na nagmiministeryo sa mga pandaigdigang pagpupulong ng Healing Jesus Crusades sa buong mundo. Para sa iba pang mga impormasyon bisitahin ang www.daghewardmills.org.

LanguageTagalog
Release dateApr 12, 2018
ISBN9781683986898
Aklat ng mga Seremonya
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Aklat ng mga Seremonya

Related ebooks

Reviews for Aklat ng mga Seremonya

Rating: 3.5 out of 5 stars
3.5/5

2 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Aklat ng mga Seremonya - Dag Heward-Mills

    KABANATA 1

    Seremonya ng Pagpapangalan

    Ang Seremonya ng Pagpapangalan ay isang tradisyunal na pagdiriwang na nagaganap matapos ang pagka-silang ng isang sanggol. May mga pamilyang lubos na naaayon sa nakaugalian at namumuhay sa lahat ng mga kaugaliang tumutukoy sa araw at oras ng pagdiriwang na ito. Ang tungkulin ng pastor ay ibahagi ang biblikal at espiritwal na pananaw sa pagdiriwang na ito. Ito ay posible lamang batay sa kung ano ang hinihiling o pinahihintulutan ng pamilya.

    1. PAGBUBUKAS NA PANALANGIN

    2. PAGPUPURI: Come Let Us Adore Him

    O come let us adore Him

    O come let us adore Him

    O come let us adore Him

    Christ the Lord Christ the Lord

    For He alone is worthy

    For He alone is worthy

    For He alone is worthy

    Christ the Lord  Christ the Lord

    3. DAHILAN PARA SA PAGDIRIWANG

    Tayo’y nagtipon dito ngayon kasama ng ating mga kapatid, Ginoo at Ginang (Apilyido ng mga magulang) … dahil sa dalawang kadahilanan:

    i. Upang magalak sa kung ano ang ginawa ng Diyos sa kanila at

    ii. Upang magbigay ng pangalan sa kanilang bagong silang na sanggol

    Ang Biblya ay ang batayan para sa anumang ginagawa natin, kaya, ang pagbabasa ng banal na kasulatan sa araw na ito ay:

    Lucas 1:57:64

    Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake. At nabalitaan ng kanyang kapitbahay at mga kamaganak na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at sila'y nangakigalak sa kanya.

    At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama

    At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan. At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.

    At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat. At pagdaka'y nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.

    Tulad ng mga nangyari noong mga araw na iyon, nais naming tawagin ang ama ng bata upang magbigay ng (mga) pangalan na nais niyang ibigay sa kanyang anak at ang (mga) kahulugan ng (mga) pangalan.

    4. PAGBIGAY NG AMA NG PANGALAN [Tatayo ang ama at babanggitin ang buong pangalan ng bata at ang (mga) kahulugan ng (mga) pangalan].

    5. PAGPAPAHAYAG, PAGPAPAKABANAL AT PAGSANG-AYON SA PANGALAN SA BATA

    i. Kukunin ng ministro ang sanggol at aanyayahan ang lahat na tumayo at sumali sa panalangin para sa sanggol.

    ii. Ipapanalangin ng ministro ang sanggol sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay at pagpahid ng langis sa sanggol.

    6. PANALANGIN

    MINISTER: Ama, sa Pangalan ni Hesus, ang Iyong Bugtong na Anak, nagpapasalamat kami sa Iyo para sa (mga) pangalan na ibinigay ngayon. Pinababanal namin ang (mga) pangalan na ito at pinapahayag naming ang batang ito ay dapat tawagin na [(mga) pangalan ng bata]… Mula sa araw na ito , ipinapanalangin ko na siya ay mamumuhay ng naayon sa (mga) kahulugan ng kanyang (mga) pangalan

    Tutukuyin ng Ministro ang (mga) pangalan at ipapanalangin ang sanggol para matupad niya ang layunin ng kanyang pangalan. ( halimbawa… " Juan ang ibig sabihin ‘Si Jehova ay mapagmahal’ , Naway maging mapagmahal si Jehova na ating Diyos sa sanggol na ito palagi.’)

    MINISTER: Pinapahiran ko ang sanggol na ito ng langis bilang isang simbolo ng Banal na Espiritu, upang siya ay mabuhay sa ilalim ng impluwensya at kapangyarihan ng Banal na Espiritu, sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay. Amen.

    7. AWIT: Showers of Blessing

    There shall be showers of blessing;

    This is the promise of God

    There shall be seasons refreshing, 

    Sent from the Saviour above

    Chorus

    Showers of blessing

    Showers of blessing we plead

    Mercy drops round us are falling

    But for the showers we plead

    8. PAGPAPAPALA SA SANGGOL

    MINISTRO: Ama, Kami ay lubos na nagpapasalamat sa napakabuti at pinakamainam na kaloob, ang kaloob ng buhay. Salamat sa pagpapala sa aking pamilya kasama ng sanggol na ito. Pinapawalang-bisa ko, pinawawalan ko, binabaligtad ko, at tinatanggihan ko ang bawat sumpa at bawat pag-asa ng kaaway tungkol sa buhay ng …[ mga) pangalan (ng bata]

    Ibinaba ko ang mga pader ng pagsalungat, paglaban at pagkabigo na itinatataas laban sa buhay ng batang ito. Ipinapahayag ko ang kalooban ng Diyos sa bawat laban sa bawat plano, bawat pagpapakita at hula ng kaaway para sa iyong buhay

    Ipinapahayag ko ang pagpapala ng Diyos sa iyong buhay

    Nawa’y ang kabutihan at ang biyaya ng Diyos ang maging bahagi ng iyong pang araw-araw na buhay.

    Nawa’y mabuhay ka bilang pagpapala sa iyong mga magulang

    Nawa’y maging pagpapala ka sa iyong saling-lahi.

    Nawa’y mangyari sa iyo ang itinakda ng Diyos para sa iyo na maging ikaw. Sa dakilang pangalan ni Hesus. Amen

    9. HAMON SA MGA MAGULANG

    MINISTER: Ipinapangako ba ninyo na palalakihin ninyo ang batang ito sa paraan ng Panginoon na siya ay hindi susuway sa mga ito kapag siya’y malaki na?

    Ayon sa Deuteronomio 6:7, ipinapangako ba ninyo na iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay mlumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagkaikaw ay bumabangon?.

    AMA: Opo.

    INA: Opo.

    MAGKASAMA ANG MAGULANG: Opo.

    MINISTERS: Amen! Maari ba natin silang palakpakan? (ibabalik ng ministro ang sanggol sa kanyang mga magulang)

    10. AWIT: To God be the Glory

    To God be the glory, 

    Great things He hath done

    So loved He the world that 

    He gave us His Son

    Who yielded His life 

    an atonement for sin

    And opened the life gate 

    that all may go in

    Chorus

    Praise the Lord! Praise the Lord!

    Let the earth hear His voice

    Praise the Lord! Praise the Lord!

    Let the People rejoice

    O come to the Father through Jesus the Son

    And give Him the glory great things

    He hath done

    11. PAGBIBIGAY NG MGA KALOOB

    MINISTRO: Ngayon, katulad ng ginawa nang si Hesus ay isinilang, dumating ang mga pantas na galing sa silangan nang may mga mamahaling kaloob.

    Tatanggapin natin ngayon ang mga kaloob at mga handog na dinala para sa bata.

    12. PANGWAKAS NG PANALANGIN

    KABANATA 2

    Seremonya ng Paghahandog sa Sanggol

    Ang paghahandog sa mga sanggol ay katulad din ng Seremonya ng Pagpapangalan. Ito ay kadalasang dinadaos sa misa ng simbahan.

    Ang paghahandog ay ginaganap pagkatapos ng pagsilang sa sanggol. Ang tungkulin ng ministro sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1