Gabay Na Aklat Sa Pag-Sasaulo Ng Bibliya
5/5
()
About this ebook
Matatagpuan mo sa kakaibang aklat na ito ang mga pangunahing sipi sa Bibliya na dapat mong kabisaduhin. Kinabisado ni Hesus ang mga kasulatan- kaya dapat din nating gawin ito! Gawin nating layunin ang magkabisa ng kasulatan at maglinang ng isang mahusay at pinabuting pag-uugali. Tayo ay mga taga-sunod ni Kristo!
Dag Heward-Mills
Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.
Related to Gabay Na Aklat Sa Pag-Sasaulo Ng Bibliya
Related ebooks
Mga Lihim ng Tagumpay Rating: 3 out of 5 stars3/5Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!! Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMga Pundasyon ng Pananampalataya: Isaias 58 Mobile Training Institute Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPaano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa Rating: 3 out of 5 stars3/5Ang mga Demonyo at kung Paano Sila Haharapin Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIbahin ang Anyo ng Iyong Ministeryo na May Kasamang Himala at Kahayagan ng Banal Na Espiritu Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAklat ng mga Seremonya Rating: 4 out of 5 stars4/5Paano Ka Magkakaroon ng Epektibong Tahimik na Oras Kasama ang Diyos sa Bawa’t Araw Rating: 5 out of 5 stars5/5Tanggapin ang Pagtatalaga Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsKapangyarihan Ng Dugo Rating: 4 out of 5 stars4/5The Story of God: Tagalog Rating: 4 out of 5 stars4/5Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila! Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPaano Manalangin Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Mga Espiritwal Na Panganib Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsDimasalang Kalendariong Tagalog (1922) Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol Rating: 4 out of 5 stars4/5Marami ang Tinawag Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMahahalagang Katunayan Para Sa Mga Bagong Mananampalataya Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsSabihin Mo sa Kanila Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPaano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano Rating: 3 out of 5 stars3/5Ang Pagtalikod Sa Pananampalataya Rating: 1 out of 5 stars1/5Bulalakaw ng Pag-asa Rating: 3 out of 5 stars3/5Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting Rating: 4 out of 5 stars4/5Basahin Ang Iyong Bibliya, Manalangin Araw-Araw Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPagtatayo ng Simbahan Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano? Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIsang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBaguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor Rating: 0 out of 5 stars0 ratings
Reviews for Gabay Na Aklat Sa Pag-Sasaulo Ng Bibliya
1 rating0 reviews
Book preview
Gabay Na Aklat Sa Pag-Sasaulo Ng Bibliya - Dag Heward-Mills
Kabanata 1
Ano ang Pagsasaulo ng Bibliya?
Ang pagsasaulo ng Bibliya ay isang dakilang pundasyon ng isang dakilang ministeryo. Sa ngayon, maraming tao ang hindi nakatindig sa matibay na pundasyon kung kaya’t sila ay hindi , magbigay, mag-anak ng isang makapangyarihang gawain ng Diyos dito sa lupa
Sa pamamgitan ng pagsisikap kasama ng kasipagan at magpakumbabang kalooban, ikaw ay makakapaglinang ng kinakailangang katangian na makakapagdala ng dakilang mga kaloob ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagsasaulo ng Bibliya mararating ng iyong ministeryo ang pinakamataas na antas.
Ang pagsasaulo ng Bibliya ay ang simpleng pagsasaulo lamang ng mga pangunahing kasulatan upang ang mga ito ay iyong masipi kung kinakailangan.
Maging Taga-sunod ni Kristo
At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
Mateo 4:19
Dapat mong maunawaan na ang layunin ay upang ikaw ay maging isang tunay na taga-sunod ni Hesu-Kristo na nagsasaulo ng mga kasulatan.
Ang bawat araw sa buhay ay isang araw para sa pagsasaulo ng kasulatan sa Bibliya.
Ang bawat araw sa buhay ay isang magandang pagkakataon upang makapaglinang ng isang mahusay at pinabuting pag-uugali.
Ang bawat pakikipagugnayan sa ibang tao ay isang pagkakataon na makapagsaulo ng kasulatan.
Ang bawat pakikipag-ugnayan sa kapwa mananampalataya ay isang pagkakataon upang masubok ang iyong kakayahan sa pagsasaulo.
Sa mga susunod na pahina, makikita mo ang isang pangkat ng mga kasulatan na inaasahang masasaulo ng bawat Kristiyano. Ako mismo ang pumili ng bawat isa sa mga kasulatang ito. Hindi nilalayon na ikaw ay sumangguni lamang sa mga kasulatang ito. Ito ay para sa iyong pagsasaulo! Marami pang mga kasulatan ang iyong malalaman subalit may mga ilang mga kasulatan ang kinakailangan mong masipi!
Dalhin mo ang aklat na ito sa lahat ng oras. Maging handa na maisipi ang alinman sa mga kasulatang ito sa anomang oras na ikaw ay tanugnin tungkol dito. Kung ikaw ay naging Kristiyano na sa loob ng ilang buwan, dapat mo nang maisipi ang alinman sa mga kasulatang ito. Sa katunayan, ikaw ay dapat na maging isang lingkod ng Diyos na nakakasipi ng Bibliya.
Ipinapahayag ko na ikaw ay magiging taga-sunod ni Hesu-Kristo at isang mabuting halimbawa ng ministeryo sa pamamagitan ng natatanging aklat na ito sa Pagsasaulo ng Bibliya!
Kabanata 2
Ang Kahalagahan ng Pagsasaulo ng Bibliya
Ang isang ministro ay dapat na isang taga-dala ng Salita ng Diyos. Siya ay dapat na maging isang tao na lubos na nababalot sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at ng kaluwalhatian nito. Ito ang dahilan kung bakit ang pagsasaulo ng Bibliya ay napakahalaga para sa paglilinang ng ministeryo.
Sa simula ay ang Salita. Ito ay nangangahulugan na ang Salita ng Diyos ay ang palaging magiging pundasyo ng anomang bagay na ginagawa ng Diyos.
Sa ngayon, ang pagsasaulo ng kasulatan ay muling nagkakaroon ng kahalagahan dahil ang Diyos ay nagtatayo ng mas dakilang simbahan. Ang kadakilaan ng huling simbahan na ito ay mas magiging dakila pa sa simbahan na nagsimulang magpalaganap ng mabuting balita ni Hesu-Kristo. Ito ay nangangahulugan din na ang mga ministro ay babangon, sa huling mga araw at magiging mas pinagpala at dakila kaysa sa dati. Malalaman nila ang Salita ng Diyos at masisipi ang mga ito nang walang kahirap-hirap!
Paano maipapanganak at malilikha ang mga dakilang ministro at dakilang mga simbahan na ito? Ang Bibliya ay malinaw tungkol dito. Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos ang isang ministro ay malilinang at maihahanda para sa dakilang mga gawain sa paglilingkod ni Hesus. Ang lahat ng ito ay batay sa ating kaalaman ng kasulatan!
Sa 2 Timoteo 3:16-17, makikita nating ang isang makapangyarihan at mahalagang pahayag kung paano maging isang mahusay na ministro na handa para sa lahat ng mabubuting gawin: ang kasulatan!
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Diyos a maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawaing mabuti.
Ang Aklat Para sa Pagsasaulo ng Bibliya ay makakapagbigay sa iyo ng ilan sa pinakamahalagang mga kasulatan na dapat mong malaman. Ito ay isang yaman na tinipong mga kasulatan na siyang dapat mong malaman. Isapuso mo ang mga kasulatang nasa aklat na ito sa pamamagitan ng sining ng pagsasaulo. Habang ikaw ay nagsasaulo ng mga kasulatang ito mabibigyan mo ang iyong sarili ng isang dakilang pundasyon para sa ministeryo.
Maging katulad ng ating Tagapagligtas na si Hesus! Si Hesu-Kristo ay puspos ng mga sinaulong mga kasulatan. Matutong banggitin ang mga sinaulong mga kasulatan sa iyong kapitbahay. Sa iyong buong buhay, ikaw ay magagabayan ng mga kasulatan na iyong sinaulo. Sinipi ni Hesu-Kristo ang mga kasulatan kay Satanas nang Siya ay nasa ilang at ito ang Kanyang naging pangunahing pananggalang laban sa pagkahulog sa tukso.
Sa ngayon, ang mga pangunahing relihiyon sa mundo ay nagbibigay-diin sa pagsasaulo ng kanilang mga banal na aklat. Ang kanilang mga kabataan na kabilang sa mga relihiyong ito ay mauupo nang maraming oras upang isaulo ang mga kasulatan ng kanilang banal na aklat. Ang ganitong uri ng pag-uukol para sa pagsasaulo ay nagreresulta ng isang sukdulang pananampalataya kung saan ang mga taong ito ay handang mamatay para dito.
Dapat nating isaulo ang ating banal na aklat at maging sukdulan para kay Kristo! Ito lamang ang tanging daan — ang mga sukdulang ministro na nakakaalam sa salita ng Diyos at masisipi ang mga ito nang walang kahirap-hirap!
Ang aking sariling patotoo ay ang lahat ng mga kasulatan na aking natutuhan sa mataas na paaralan ay naging tunay na pundasyon ng aking Kristiyanong pamumuhay at ministeryo. Matapos ang pag-aaral, ako ay magpapatuloy sa pagsasaulo ng mga kasulatan. Iyong mapapagtanto na ito ang pundasyon para sa lahat ng mahahalagang katuruan na iyong matatanggap.
Ang aking