Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kasal na Walang Pag-ibig
Kasal na Walang Pag-ibig
Kasal na Walang Pag-ibig
Ebook102 pages1 hour

Kasal na Walang Pag-ibig

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Nangako si Taryn sa butihing lolo ni Mic na magpapakasal siya dito. Nasa huling testamento na kailangang magsama sa iisang bubong ang dalawa ng isang taon! Ano ang mangyayari sa dalawang puso na pinilit pag-isahin?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJun 25, 2018
ISBN9780463794852
Kasal na Walang Pag-ibig
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Kasal na Walang Pag-ibig

Related ebooks

Reviews for Kasal na Walang Pag-ibig

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kasal na Walang Pag-ibig - Romantique

    CHAPTER ONE:

    NAKASAKAY sa malapad na likod ng kalabaw si Taryn. Hawak ng isang kamay niya ang lubid na nakatali sa ilong ng malaki at kulay itim na hayop upang makontrol ang direksiyon ng paglakad nito. 

    Habang ang isang kamay ay nakasapo sa sumbrerong pinaglagyan ng bagong pitas na mga bulaklak o spades ng halamang kutchai, na paboritong gamitin sa pagluluto ng kusinerang si Aling Fe.

    Bagama't pantay ang konkretong kalsadang nilalakaran ng kalabaw, umaalon pa rin ang kinauupuan ni Taryn dahil ang mga siksik na kalamnan ng apat na biyas ay nag-iigtingan sa paghila ng gareta o karitong yari sa kawayan. 

    Sampung batang babae at lalaki naman ang siksikang nangakasakay doon. Nasa pagitan ng anim hanggang walong taong gulang ang mga edad.

    Isa't isa ay mayroong bitbit na tig-isang supot ng mga bagong pitas na kutchai spades, na ihahatid sa packing house. 

    Ang bawat kilong matitimbang ay may katumbas na kabayaran. Iyon ay magsisilbing baon na ng mga musmos sa kanilang pagpasok sa di-kalayuang eskuwelahan.

    Tsk! Hinto, Batik! utos ni Taryn, sabay hila sa makapal na lubid. O, narito na kayo, mga bata. Ingat lang sa pagbaba, ha?

    Salamat po, Ate Taryn! Babay! ang sabay-sabay na hiyaw ng mga bata bago masiglang nagsitakbo patungo sa bukas na malaking pintuan ng mababa at malapad na gusaling impakihan ng lahat ng mga farm products.

    Magmula sa karneng baka, baboy, manok, at iba't ibang klaseng gulay at prutas na produkto ng Zabala Farm. Mula sa packing house, isasakay naman sa mga refrigerated delivery vans ang mga naka-vacuum-packed na mga hilaw na karne at gulay, at mga hinog na prutas--upang i-deliver sa mga supermarkets na kliyente ng Zabala Farm.

    Ang farm na binubuo ng halos limampung ektarya ay pinaglilingkuran ng mahigit isandaang magsasaka, na katulad ni Taryn ay pawang pinag-aral ng butihing amo na si Michael Zabala Senior upang maging ekspertong technicians at technologists sa iba't ibang larangan ng pag-aalaga ng mga hayop at halaman.

    Si Taryn ang naging over-all farm manager kahit isang babae, dahil siya lamang ang nakapasa sa pagsusulit ng isang unibersidad sa Australia. 

    Bukod sa talinong ipinamalas, nagpakita rin siya ng ibayong tiyaga at determinasyon dahil natapos niya ang apat na taong kurso tungkol sa modernong pagsasaka at paghahayupan.

    Kaya naman buo ang paggalang ng mga kapwa-trabahador sa pagiging pinuno ng dalaga kahit batam-bata pa ang edad na bente-singko, kumpara sa karamihang nasa kuwarenta at singkuwenta anyos na.

    Kahit ang mga kabinataang kaedaran ni Taryn ay malaki ang respeto sa kanya. Kaya tuloy walang nangangahas na manligaw. Nangangamba tuloy ang kanyang mga magulang.

    Baka tumandang dalaga ang anak natin, oy, ang malimit iungot ng kanyang Inay sa kanyang Itay.

    Oo nga. Gusto ko na ngang magkaroon ng apo, e. Dangkasi'y pinayagan mo pang magpunta sa abrod, e. Natakot tuloy lalo sa kanya ang mga binata dito sa atin, panunumbat agad ni Mang Benny.

    Ababa, ikaw ang may sala, oy! Kundi mo ginawang lalaki 'yang dalaga ko, disinsana'y ang mga gawaing-bahay lamang ang nalalaman n'yan, ganting-paninisi ni Aling Mely.

    O, siya, siya, tama na nga. Inaamin ko na. Sumuko na agad si Mang Benny dahil tutoo ang isinumbat ng asawa. Hamo't dadalasan ko ang pagyayakag sa mga binata sa pagpunta dito sa bahay natin.

    Ang solusyon ng ama ay hindi naging epektibo dahil ang dalagang farm manager ay palaging wala sa bahay. 

    Nag-uumpisa nang magtrabaho bago magbukangliwayway. Madalas na malalim na ang gabi kung makauwi.

    Nang magkasakit si Lolo Michael, tuluyan nang hindi umuwi sa bahay si Taryn. Hiniling ng matandang amo na dumoon na muna ang dalaga sa malaking bahay.

    Labis akong nangungulila sa sarili kong pamilya. At si Taryn ay itinuturing ko nang tunay na apo ko magmula nang iligtas niya sa pagkalunod ang tunay na apo ko.

    Sa ganitong pahayag ng matandang maysakit, napahinuhod ang mag-asawang Benny at Mely na payagan ang dalagang anak na pansamantalang tumira sa antigo ngunit marangya pa ring Zabala Farmhouse.

    Nakakaawa naman ang matandang Michael. Parang inabandona na ng sariling pamilya! ang napapaiyak na wika ni Aling Mely. Kapag dumalaw naman, palaging nagdudumaling umalis.

    Kundangan kasi'y ang kinuhang asawa ni Sir Junior ay taga-Menila, obserba ni Mang Benny. Hindi kataka-takang napatulad sa ina ang kaisa-isang apo ni Tata Michael.

    Isa pa 'yon. Siya pa naman ang ginawang tagapagmana ni Tata Michael. Paano na ang kinabukasan ng Zabala Farm kung ang bagong amo ay ni walang alam at pakialam?

    Hindi ako magugulat kapag ibinenta ang farm sa sandaling mawala si Tata Michael, ang malungkot na pahayag ni Mang Benny.

    Hindi man kumikibo si Taryn, nakakaramdam rin siya ng takot. Ang farm ay ginawa niyang sentro ng buhay. 

    Ang lahat ng pagmamahal na nasa puso niya ay iniukol niya sa farm. Paano na siya kapag ibinenta sa ibang tao ang Zabala Farm?

    Iyon marahil ang kinatatakutan ni Lolo Michael nung mga sandaling naghihingalo ito...

    Kinabukasan, matapos mapilitang mangako si Taryn dahil pilit na hiniling ng matandang pasyente, binawian ito ng buhay. Hindi na nagising mula sa mahimbing na pagtulog.

    Nagpakatatag si Taryn noon kahit ang gusto lang niya ay umiyak nang umiyak. 

    Pinigil niya ang pagdadalamhati dahil alam niyang marami siyang tungkuling dapat gampanan sa napakabait na amo. 

    Magkasabay na ipinasundo ng dalaga ang family doctor at ang family solicitor.

    Ang una ang namahala sa pag-aayos ng katawan ng pasyente.

    Ang ikalawa naman ang sa burol at sa pagtawag sa pamilya ng yumao.

    Si Taryn ay tahimik na nangalap ng mga tauhang maglilinis sa lugar at maghahanda ng mga pagkain para sa mga bisitang makikiramay. 

    Sinadya niyang manatili sa background upang hindi makatawag-pansin sa kaninuman.

    Nagtagumpay siyang maging imbisibol hanggang sa mailibing si Lolo Michael.

    Ngunit kahapon, habang nakabaluktot si Taryn sa pagkakahiga at habang nakasubsob ang mukha sa unan upang walang makarinig sa pag-iyak niya, may tumawag sa telepono. 

    Ang kanyang ama ang nakatanggap ng pautos na mensahe.

    Taryn, anak? Gising ka ba? May tawag ka sa telepono.

    Hindi makasagot ang dalaga dahil garalgal ang boses. Ngunit naudlot ang pagdaloy ng kanyang luha at matamang nakinig sa susunod na sasabihin ng ama.

    Ipinasasabi ni Attorney Layug na kailangan mo raw pumunta sa Farmhouse bukas, sa ganap na alas diyes empunto.

    'Bakit kaya?' Kumunot ang noo ni Taryn

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1