Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kasal sa Pilit
Kasal sa Pilit
Kasal sa Pilit
Ebook172 pages2 hours

Kasal sa Pilit

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Kolektor ng mga alahas na bihira at mamahalin si Ysrael. Ang pinakamimithi niyang hiyas sa lahat ay nasa pag-aari ni Lorelei. Sa malas, ninasa ni Ysrael na angkinin ang dalaga at ang pambihirang hiyas.

Ngunit hindi basta-bastang babae si Lorelei. Namumuhi siya sa mga lalaki. Wala siyang interes sa atensiyon na iniuukol ni Ysrael. Sa unang pagkakataon, hindi umepekto ang karisma ng binata...

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 1, 2018
ISBN9780463860250
Kasal sa Pilit
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Kasal sa Pilit

Related ebooks

Reviews for Kasal sa Pilit

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kasal sa Pilit - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Inilapag ni Lorelei ang dalang basket na puno ng mga puting rosas sa ibabaw ng lamesang mahaba ng kusina.

    Nana Desta, nandito na po ako, wika niya sa malakas na boses, habang palinga-linga sa maluwang na palibot. Nana? Nasaan kayo? ulit niya.

    Lalabas na sana siya sa pinto na patungo sa kabahayan nang maulinigan ang tinig ng matandang yaya mula sa laundry room.

    Nandito ako, Lei, anang pagaw na boses. Bakit? tanong nito nang makalabas na.

    Pupunta na po ako sa planta, Nana. Magpapaalam lang po ako.

    Tamang-tama, naihanda ko na ang baon mo. Heto'ng basket.

    Ang Nana talaga. Inunahan n'yo na naman po pala ako. Hinagkan niya sa pisngi ang matandang malakas pa kahit na edad sitenta y singko na. Huwag naman kayong masyadong magpapagod dito. Baka sumpungin na naman kayo ng rayuma kapag nababad kayo nang husto sa tubig.

    Oo, sabi. Tapos na nga ako sa ginagawa ko. Kinusot ko lang ang kaunting basahan para hindi mamaho.

    Darating po ang labandera natin bukas, Nanang Desta, pakli niya. Kaya huwag pong matigas ang ulo n'yo, hmm? Ikinawag-kawag niya ang isang daliri habang nakatawa.

    Tumawa rin ang matandang tagapag-alaga na ni Lorelei simula pagkabata. Naku, para kang ang nasirang Mommy mo, Lei. Napaka-istrikto.

    Baka naman po ang ibig n'yong sabihin ay napaka-maalalahanin? ang malambing na salo niya.

    Ay, hi! hi! Baka nga, wika nito. O, siya, nangangako na akong hindi na maglalaba. Lumakad ka na. Malayu-layo pa ang lalakarin mo, pagtataboy nito.

    Baka hindi po ako makauwi ngayon, Nana, paalam niya.

    Oo, alam ko. Huwag mo akong alalahanin.

    Kukunin ko lang po ang overnight case ko sa itaas.

    Marangya ang buong kabahayan. Pulos mamahaling antigo ang mga kasangkapan. Ngunit hindi niya gaanong pinagtutuunan ng pansin ang mga kayamanan na nakapalibot sa kanya. Buong buhay niya, nakikita na niya ang mga ito. Ang tanging kahalagahan ng mga iyon para kay Lorelei ay ang mga sentimental values na hindi kayang bilhin ng salapi.

    Kanina pa nakahanda ang mga dadalhin niya sa laboratoryo sa planta kaya dinampot lang niya ang munting maleta na nakapatong sa ibabaw ng isahang kama. At pumanaog din agad.

    Nakamata sa kanya ang matandang yaya habang papalapit siya sa lamesa.

    Iha, baka magkasakit ka na niyan, ha? Aba'y tatlong araw ka nang halos walang pahinga, a? Ano kaya't huwag ka na munang magpuyat ngayon?

    Nabigla si Lorelei dahil hindi niya akalaing napupuna na pala siya.

    Pinilit niyang ngumiti sa dating tagapag-alaga. Hindi naman po ako nagpapabaya sa sarili ko, Nana, aniya. Nagkataon lang naman po na nagkasabay-sabay ang mga komisyon ko.

    Bumuntonghininga ang kausap. Hindi mo na naman kailangang magpakahirap sa pagtatrabaho, iha. Kaya kang buhayin ng perang ipinamana sa 'yo ng iyong mga magulang.

    Niyapos ni Lorelei ang katiwala na itinuturing niyang malapit na kaanak. Yumuko siya upang gawaran ng masuyong halik ang kulubot na pisngi nito. Pandak at mataba ang matandang babae.

    Alam n'yo naman pong ito ang kaligayahan ko, Nana. Bata pa ako, pangarap ko nang maging bantog na tagalikha ng pabango.

    Oo, iha. Alam ko 'yan. Kaya lang, baka multuhin na ako ng mga magulang mo kapag pinabayaan lang kitang magkandakuba diyan, salo nito. Banayad lang ang tono pero puno ng pag-aalala.

    Ang Nana Desta talaga! Kung anu-ano na naman 'yang sinasabi n'yo. Mamaya n'yan, ninenerbiyos na naman kayo. Naging mas natural na ang ngiti niya.

    "Kuu, e, nag-aalala lang naman ako, iha. Aba'y nangangayayat ka na, a? Nanlalalim na ang mga mata mo. Hindi ka na yata nakakatulog sa kaiimbento ng mga

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1