Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Nagnakaw ng Puso
Nagnakaw ng Puso
Nagnakaw ng Puso
Ebook79 pages1 hour

Nagnakaw ng Puso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Lumaki sa kalsada kasama ang iba pang mga ulilang bata si Myka. Mistulang babaeng Robinhood dahil nandudukot siya para may maipakain sa mga kasama.

Si Armando ay nangangailangan ng isang mandurukot na may mabilis na kamay kaya nagkurus ang mga landas nila ni Myka.

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463384893
Nagnakaw ng Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Nagnakaw ng Puso

Related ebooks

Reviews for Nagnakaw ng Puso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Nagnakaw ng Puso - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Tinalon na lang ni Mykaila ang mababang bakod na nakaharang sa daraanan niya. Nakasapo ang isang kamay niya sa ilalim ng plastic bag na bitbit. Mabigat iyon dahil punum-puno ng laman. May pansit guisado, ilang sardinas, ilang balot ng tuyo, at mga huyag-huyag na saging. Namili siya sa palengke bago umuwi.

    'And'yan na si Ate Myke! hiyaw ng isang batang nakakita sa kanya. Nagtatalon agad ito sa tuwa. Payat ang katawan at patpatin ang mga braso't binti kaya nagmistulang tipaklong.

    Mula sa kungsaan-saang panig ng guhong gusali ng lumang simbahan, nagsilitawan ang maraming bata. Pulos mga malnourished din ang hitsura pero may malapad na ngiti sa marurungis at mga butuhang mukha. Nagkikislapan ang mga matang nanlalalim.

    Nagsisipagtawanan ang mga ito habang tumatakbo sa pagsalubong sa dalaga.

    Ate Myke! Ang aga mo, a? Ang akala nami'y mamayang gabi ka pa! salubong ni Emy, ang pinakamatanda sa mga bata. Dalagita na ito sa edad na katorse pero tila nuwebe anyos lamang ang laki.

    Sinuwerte kasi ako, paliwanag niya. May pamalengke na kaya kahit maaga pa, e, umuwi na ako. Si Inang, kumusta?

    Hindi nila kaanu-ano ang matandang babaeng maysakit, pero ito ang nakagisnang ina ng mga batang-lansangan na napapadpad sa kanilang lugar.

    Mabuti na, Ate. Si Emy uli. Pinainom namin ng mainit na salabat kaya napahinga sa kauubo.

    Salabat? taka ni Mykaila. Saan kayo kumuha ng luya? Ang kapirasong luya ay nagkakahalaga ng sampung piso.

    Nakahukay kami ng luya sa lupa, sabad ni Unyor. 'Kala nga namin, damo lang. 'Tapos nung bunutin namin, an'daming laman!

    Nawala ang kaba ng dalaga. Inakala kasi niyang gumawa na ng masama ang mga bata. Gan'on ba? 'Yun pa siguro 'yung mga itinanim ko nung mga nakaraang buwan.

    Mahigit 'sang kilo siguro 'yun, Ate, bawi ni Emy. P'wede nating ibenta sa palengke ang iba, di ba?

    Aba, oo naman. Ang s'werte-s'werte pala nating lahat ngayon! wika niya. O, mga bata, heto ang saging. Meryendahin n'yo muna habang nagluluto kami. Hinugot niya ang isang supot mula sa plastik bag at iniabot sa mga bata.

    Yehey!

    'Wag kayong lalayo, ha? pahabol-habilin niya nang magsitakbuhan na ang mga ito upang paghatian sa ibang lugar ang pasalubong niya. 'Wag mag-aaway-away! dagdag pa niya.

    Oo, Ate Myke! ang halos sabay-sabay na sagot naman ng mga bata kahit papalayo na sa kanila.

    Kuu, mga good boys na sila, Ate. Hindi na nagsasakitan. May mga isip na naman sila. Atsaka, matagal na silang magkakasama kaya magkakaibigan na rin, pagmamalaki ni Emy.

    Mabuti kung gayon, tugon ni Mykaila. Natutuwa ako. Ngumiti siya kahit na may agam-agam sa kalooban.

    Walang kasiguruhan ang hanapbuhay niya. Kahit na araw-araw siyang lumalabas, halos wala pa rin siyang maiuwing pagkain at kita sa gabi.

    Parati pa siyang nakataya sa panganib. Anumang sandali ay maaari siyang mahuli ng mga pulis o ng mga taong dinudukutan.

    Bumuntonghininga siya, sabay usal ng panalangin. Masama ang hanapbuhay niya pero para naman sa ikabubuti ng maraming paslit na pinabayaan ng mga magulang sa lansangan. Kaya alam niyang papatnubayan pa rin siya ng Diyos.

    Dumating ba si Mykaila? tanong ng isang pagaw na tinig mula sa likod ng dingding na pinagtagni-tagning karton.

    Opo, Inang. Ako nga ang dumating. Siya na ang sumagot. Kumusta ang pakiramdam n'yo?

    Mabuti-buti na. Nakaginhawa sa akin ang pag-inom ko ng salabat. Tinangkang bumangon ng butuhang katawan.

    Maliksing lumapit si Mykaila para umalalay. May dala akong gamot, pagbabalita niya.

    Kuu, hindi ko na kailangan n'yan, anak. Magaling na ako. Dapat ay hindi ka na bumili. Sayang ang pera.

    Hindi hu sayang ang pera kapag para sa kalusugan, Inang, salo niya. Emy, pahingi nga ng tubig.

    Oo, Ate. Agad na tumalima ang dalagita.

    Kinuha niya ang supot ng mga gamot mula sa plastik bag. Namumutok iyon dahil, sa unang pagkakataon, nakumpleto niyang bilhin ang lahat ng nasa mga resetang ibinigay ng duktor na tumingin sa matandang pasyente.

    Napakarami naman 'ata n'yan, Mykaila? taka nito.

    Para hu tuluy-tuloy na ang paggaling n'yo, Inang, tugon niya.

    Umiba ka na ba ng trabaho? pananalakab nito.

    Hindi ho, Inang. Sinuwerte lang ho ako ng kaunti, ang nakangiting wika niya.

    Isang matangkad, balbas-sarado at mukhang mayamang lalaki ang nakatayo sa harapan ng bagong simbahan kanina. Tila may hinahanap ito dahil sa malayo gumagala ang paningin. Kaya hindi napuna ang paglapit niya. Pati ang pagdukot ng mga daliri niya sa matabang pitakang nasa bulsa nito.

    Halos hindi siya makapaniwala nang makita ang makapal na bundle ng salaping pulos tig-i-isang daan. May sampung libo siguro iyon. Mamaya na lang niya bibilangin. Bumawas lang muna siya ng limang daan upang makapamili.

    Ni hindi siya nakunsensiya dahil napuna rin niya ang makapal na ginto ng bracelet na suot sa kaliwang pulsuhan. Pati na ang leather wristwatch.

    Hindi malaking kawalan sa naging biktima niya ang laman ng pitakang ninakaw niya.

    Heto na ang tubig, Ate.

    Salamat, Emy. Dinampot niya ang plastik bag at iniabot dito. "Umpisahan mo na ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1