Obsesyon ng Puso
By Romantique
()
About this ebook
Si Lora ay lumaki at nagdalaga sa kumbento kaya hindi kataka-takang nais niyang magmadre. Nanirahan siya sa labas bilang pagsubok at agad na namataan ni Damon, isang lalaking makapangyarihan. Tumakas siya sa iniluluhog na kasal.
Nang lumabas uli si Lora ng kumbento, ipinadukot siya ni Damon. Ang inialok ay isang taon ng buhay niya bilang kerida...
Romantique
I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.
Read more from Romantique
Kasal sa Pilit Rating: 5 out of 5 stars5/5Ilusyon ng Puso Rating: 5 out of 5 stars5/5Bilanggo ng Pagnanasa Rating: 5 out of 5 stars5/5Iyo Ako ng Isang Gabi Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsDesperada ang Puso Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsItinakdang Pag-ibig Rating: 5 out of 5 stars5/5Inosenteng Kariktan Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPagnanasa sa Unang Pagkikita Rating: 5 out of 5 stars5/5Mga Sugat sa Puso Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPabili ng Aliw Rating: 5 out of 5 stars5/5Paano ba ang Umibig? Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsHalik ng Tukso Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMga Matang Nanrarahuyo Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsHuwad na Kabiyak Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsSana Dalawa ang Puso Rating: 5 out of 5 stars5/5Hiram na Asawa Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBawal na Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIkinulong na Obsesyon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBilanggo ng Kahapon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsKasal na Walang Pag-ibig Rating: 5 out of 5 stars5/5Tamis ng Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsTatlong Gabi ng Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsKasal Muna Bago Ligaw Rating: 5 out of 5 stars5/5Parusa ng Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMaging Sino Ka Man Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPiraso ng Langit Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIbigin Mo Ako, Bandido! Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIsang Mapanghigop na Atraksiyon Rating: 5 out of 5 stars5/5Tikman Natin ang Init Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsHiram na Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratings
Related to Obsesyon ng Puso
Related ebooks
Walang Pag-asang Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsTamis ng Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIsang Mapanghigop na Atraksiyon Rating: 5 out of 5 stars5/5Hinog sa Panahon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsSayaw ng Apoy Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsApoy na Mapanggayuma Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsHindi Bulag ang Puso Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIginapos ng Tanikala Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBilanggo ng Karangyaan Rating: 5 out of 5 stars5/5Ikinulong na Obsesyon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIsang Sikretong Kasal Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsKasal Muna Bago Ligaw Rating: 5 out of 5 stars5/5Ibigin Mo Ako, Bandido! Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsTikman Natin ang Init Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsTakas sa Atraksiyon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMahal Kita, Diyosa! Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPanganib sa Puso Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBawal na Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMga Matang Nanrarahuyo Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsHiram na Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBilanggo ng Kahapon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsTatlong Gabi ng Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsKasal na Walang Pag-ibig Rating: 5 out of 5 stars5/5Parusa ng Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPiraso ng Langit Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPagnanasa sa Unang Pagkikita Rating: 5 out of 5 stars5/5Inosenteng Kariktan Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPabili ng Aliw Rating: 5 out of 5 stars5/5Sana Dalawa ang Puso Rating: 5 out of 5 stars5/5Halik ng Tukso Rating: 0 out of 5 stars0 ratings
Reviews for Obsesyon ng Puso
0 ratings0 reviews
Book preview
Obsesyon ng Puso - Romantique
CHAPTER ONE:
Tumingkayad si Lora Gomez para mahalikan sa pisngi ang may edad na madre. Her beautifully-shaped eyes brimmed with unshed tears as she smiled courageously.
Nagpapakita siya ng tapang, sa kabila ng takot na kanyang nadarama.
Aalis na po ako, Mother,
sambit niya. Medyo garalgal ang likas na malamyos na boses niya.
Mag-iingat ka, Lora. Ipagdarasal ka namin palagi.
Tigib naman sa pag-aalala ang tinig ng matandang madre.
Sana'y makabalik ka, Sister Lora,
sabay-sabay na wika ng grupo ng mga batang madre.
Oo. Pangako.
Pakunwari pa rin ang katatagan niya, dahil hanggang leeg na ang mga agam-agam at alalahanin na nasa kanyang isipan.
Ngayong nasa huling pagsubok na siya para maging isang ganap na madre--kailangan niyang mamuhay uli sa labas ng kumbento sa loob ng isang taon--matinding insekyuridad ang dinaranas ni Lora.
Aywan kung bakit nangangamba siya at natatakot. Hindi naman iyon ang unang pagkakataong maninirahan siya sa labas ng makakapal na pader ng kumbento o bahay-ampunan, kungsaan siya iniwanan ng di-nakilalang ina. Doon na siya lumaki at nagkaisip.
Lumabas siya nung edad disiotso. Nanirahan sa isang pamilya ng magsasaka, ang pamilya Gomez at tumulong siya sa kabuhayang ornamental farm. At katulad ng plano niya, pagkaraan ng tatlong taon nagbalik siya sa kumbento para magmadre. Edad beinte uno siya nang maging nobisyada.
At ngayon nga ang huling pagsubok na dadaanan niya. Muli siyang babalik sa tahanan ng mga Gomez. Mamumuhay sa piling ng mga ito.
Bagama't madali siyang nakapasa sa maraming pagsubok, hindi buo ang kumpiyansa niyang magiging madali rin ang darating na isa pang taon. Paano'y hindi na siya protektado ng matataas na bakod ng kumbento.
Ngunit hindi niya naihinga ang nasabing pangamba kaninuman sa mga kasamahan sa loob ng kumbento. Inisip na lang niya na kusang maglalaho ang mga ito kapag inilihim niya.
Niyakap siya nang mahigpit ng madre superyora. Nagpipigil pa rin ito sa pag-iyak.
Mangungulila kami nang husto sa 'yo, iha. Hihintayin namin ang iyong pagbabalik sa susunod na taon.
O-opo. Kasasabikan ko po ang pagdating ng araw na iyon.
Yumakap din siya nang mahigpit sa babaeng itinuring na ina ng lahat ng mga batang ulila doon.
Sumulat ka nang madalas, ha?
Idinampi nito ang isang puting panyolito sa mga mata. O, siya, baka gabihin ka pa sa daan. Humayo ka na, iha.
Opo.
Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. Dinampot niya ang itim na travelling bag at isinukbit sa isang balikat.
Ate Lora! Paalam!
Isang grupo ng matitinis na boses ang biglang pumunit sa payapang katahimikan.
Tumingala si Lora. Ngumiti siya at kumaway sa mga batang nakasilip sa mahabang hilera ng mga munting bintana ng kumbento.
Paalam, mga bata! Magpapakabait kayo, ha?
hiyaw niya.
Babalik ka, Ate Lora!
Oo, babalik ako!
ang pahiyaw na pangako niya. Kumaway din siya sa munting grupo ng mga nakababatang madre bago tumalikod at tuluyang lumakad patungo sa tarangkahang yari sa solidong kahoy.
She had no inkling that danger was already awaiting for her the moment that she stepped out.
Wala siyang kamalay-malay na ang panganib ay matagal nang nakaabang sa kanyang paglabas...
TUMUNOG ang celfone na nasa bulsa ng blazer ni Damon Montecarlo. Wala sa loob, dinukot niya iyon para tugunin.
Hello? Damon Montecarlo speaking.
Sir, positive na po,
anang boses-lalaki sa kabilang linya.
It was a baffling statement but conveyed a very clear message for him.
Biglang napadiretso sa pagkakaupo niya si Damon. His knuckles whitened as he gripped the expensive celfone tightly.
Sigurado ka? Saan mo siya nakita?
Sunud-sunod ang mga tanong niya. Hindi halos makapag-isip dahil sa sumirit na tensiyon. Nasaan siya ngayon?
Nakasakay siya sa traysikel. Tila pauwi na sa bahay nila, sir.
Traysikel?
taka niya. Nakita mo ba kung saan galing ang dyip na sinakyan niya?
Sa kumbento ho siya galing, sir.
Sa kumbento--!
He almost shouted with frustrated anger. Kung gayo'y nagsinungaling ang madre superyora!
bulalas niya.
A year ago, he had made a call to the convent. Tumawag siya sa kumbento para magbakasakali. Ang pinakamatandang madre pa nga ang nakausap niya. Kaya pala kalmado lang ito noon...
Matagal na siyang wala dito, Mr. Montecarlo,
ang magalang na pahayag nito noon. Eversince she was legally adopted by the Gomez couple, three years ago.
I called them already. Kahapon pa siya umalis ng walang paalam.
Oh. Hindi kaya nagpunta siya sa mga kaibigan na nasa ibang lugar?
It's possible, but I doubt it.
Er, bakit hinahanap mo siya, Mr. Montecarlo? Paano mo siya nakilala?
Mawalang-galang na, pero ayaw kong sagutin ang mga tanong na 'yan, Mother.
His rebuff was gentle yet direct.
Oh.
Natigilan ang kausap. Kung gusto n'yo, magpadala kayo ng mga tauhan dito para maghanap,
mungkahi nito kapagkuwan.
Thank you. Magpapadala ako ng mga tao d'yan.
Nang araw ding iyon, sampung tauhan ang pinapunta niya para gumalugad at maghanap sa palibot ng kumbento. Ngunit umuwing bigo ang mga ito.
Napailing siya sa alaala.
Sir? 'And'yan pa ba kayo, sir?
He came back to the present with a dark scowl. Oo.
Ano'ng gagawin namin sa kanya, sir?
He made a reckless decision, fired by fury. Kidnap her,
utos niya. But do not hurt her,
ang mahigpit na habilin.
Okey, sir.
Damon tossed aside the cellular phone and stood up swiftly. Nagpalakad-lakad siya sa malawak na balkon. Mistulang isang mabangis na leon na naiinip na sa paghihintay sa pagkain.
'Damn her!' bulalas niya sa sarili. Isang taon na ang nakakaraan, pero ganito pa rin kasidhi ang pagnanasa niya. Bakit--?
Frustrated fingers combed through his short, curly hair. Ilang ulit na niyang sinabunutan ang sarili para matauhan. Bakasakaling nananaginip lang siya. This craziness had been going on for so long. Kailangang magamot na ang kabaliwang dumapo at gumulo sa isip niya hanggang ngayon!
Pero paano--?