You are on page 1of 7

PANITIKAN NG LUZON (UNANG BAHAGI) REHIYON NG HILAGANG LUZON (ILOCOS)

BURITA o BUBURITA mga bugtong PAGSASAO Ito ay mga salitang nagbibigay-dunong. Nagbibigay-repleksyon tungkol sa pangaraw-araw na buhay sapagkat itoy nakaugat sa bukodtanging mga pinagdaanan ng mga Ilokano na siyang umukit ng kanilang kasaysayan at kultura. DALLOT Isa itong ginaganap na chant o tulang kinakanta tuwing kasalan o kaarawan. Naisasalamin nito ang simpleng pamumuhay ng mga Ilokano. DUNG-AW Ito ay isang ginaganap na chant o tulang kinakanta na nagsasalaysay ng hirap at ginhawa, pati narin ang kwento ng buhay ng mga namatay na, maaaring kahit mga nabubuhay pa. Naisasalamin rin nito ang napagdadaanan ng ma Ilokano sa buhay. PAKASARITAAN TI BIAG Ito ay mga epiko. (Biag ni Lam-ang) KABLAAW Ito ay isang tulang nagpaparangal. Ipinapakita na ang karangalan ay hindi pang-isang tao lang. Kapag ang isa ay nagtagumpay, pook mo ang nagtagumpay; Kapag ikay ay natalo, pook mo rin ay talo. BUKANEGAN Ito ay ipinangalan kay Pedro Bukaneg, isa sa mga maskilalang makata noong panahon ng mga Kastila. Inilalarawan nito ang pagkatiyak at pagkasalimuot ng isip sa sining ng pagtatalo.

ARIKENKEN Ito ay isang pagtatalo sa salita.

Ito ay ipinapalabas bago magsimula ang bukanegan. DUAYYA o DUNGDUNGUENKANTO Isa itong magiliwang kanta tuwing papatulugin na ang bata. LALLAY Ito ay isang tula o kantang nagsasabi ng kwento, isang ballad. BADENG Isa itong harana ng pag-ibig.

LITERATURA NG PANGASINAN PABLITA o BONIKEW Ito ay mga bugtong. ALIGANDO Ito ay isang awit tuwing pasko o Christmas carol na may 565 na taludtod at kasalukuyan parin kinakanta ng mga namamaskong matatanda na ngayon. Pagkalipas ng awitan, niyayaya silang makisalo sa hapunan o meryenda. GOZOS Ito ay mga nobenang inaawit. PABASA Ito ang pagbasa at pagkanta ng Pasyon. PASANTABI Ito ang karaniwang inaawit sa simula ng isang pagtatanghal. Nagsisilibi itong panimula o prelude, pati na rin apologia sa ano mang pagkukulang ng pagganap. MGA AWIT KAY ROSING Ang mga ito tanging Pangasinense. Ang Rosing ay pangalan ng isang dalaga na kinagigiliwang awitan ng mga harana Si Rosing ang Pangasinenseng bersyon sa Inday ng BIsaya, Manang Biday ng Iluko, at Neneng ng Tagalog.

MALINAC LAY LABI Maliwanag ang gabi Hindi pa natatagalan ang pinagmulan nito, ngunit isa na sa mga paborito ng mga Pangasinense. Kinakanta ito nang may masidhing pagkamakabayad ng mga Pangasinenseng nasa ibang lupain, kasunaod lang ng pambansang awit. CANCIONAN Isa itong pagtatalo sa kanta. Kinagigiliwan din ito tuwing may mga piyesta sa bayan. ULIRAN Ito ay mga alamat. DIPARAN Ito ay mga pangaral sa pagpapakumbaba at katapatan, mga susi kaunlaran. Ito ay gumagamit halos ng metapora tungkol sa katawan upang magparating ng mensahe. Karaniwan itong nababanggit sa mga pag-uusap kapag nakikita ng nagsasalita ang pagkakataong magpamalas ng isang ideya o pangaral. ANLONG Ito ay mga tula. TONGTONG Ito ay mga tuluyan.

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION Ang panitikang pasalita ng Cordillera ay Ito ay mga tuluyanmaaaring ritwal o di ritwal. Ang panitikang Cordillera ay binubuo ng mga epiko, awitin, mito, alamat,bugtong, kuwentong bayan at salawikain. Canao- isang ritwal nanagpaparangal sa

espiritu ng kanilang mga ninuno 2 uri ng Canao simple- pagkatay ng baboy, tapoy, pagluto ng kamote,gabi at bigas malaking canao- pagkatay ng baboy, kalabaw, baka at kabayo.

Ang baboy na may batik na itim ay sagrado para sa kanila at ito ang tinatanggap ng mga espiritu at nagbibigay ng suwerte. Mga Uri ng Canao 1.Kape- isinasagawa kung may bagong bahay na tayo o pagkalibing sa yumaong kamag-anak. 2. Kayed- isinasagawa upang mapanatili ang pagiging puno sa barangay. 3. Sabeng- isinasagawa ng bagong mag-asawa kadalasan ay mayaman ang nakagagawa nito. 4. Pechit- pinakamataas na uri ng canao. Tumatagal ng tatlo hanggang apat na araw.

Epiko ng Ipugaw 1. Hudhud 2. Alim Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II (Lambak ng Cagayan)

EPIKO Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa isa. Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" sa lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at mga bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa henerasyon. Biuag and Malana SALOMON Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng cinco-cinco o instrumentong may limang kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak, kape, tsokolate, at iba pa. Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo, pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo.

VERZO Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya at tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo ng moralidad. AWIT Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay. Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila. Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o Martial Law ay kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa mga awit dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang rehimen kung saan ang kalayaan nang mga mamamayan ay may limitasyon.

SALAWIKAIN Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari rin itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral. BUGTONG Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na pang-relaks kung pagod. PANITIKAN NG PAMPANGA Ang tumayla o tumaila ay hele o awiting pampatulog. Ito ay maituturing na orihinal sa mga Kapampangan. Ang bugtong ay kilala rin sa tawag na Bugtogan. Karaniwan itong binibigkas sa mga lamayan at kasal. kasebian o casebian - Ito ang katumbas ng salawikain ng mga Tagalog. awiting bayan ng Kapampangan: a. Ang una ay ang basulto o basultu na karaniwang inaawit ng mga pastol sa bukid. Maaari rin itong awitin habang isinasayaw. b. ang pamuri. Ito ay mula sa salitang buri na ang ibig sabihin ay gusto. Ito ay isang awit ng pag-big o love song. c. ang pang-obra. Ito ay isang awit sa pagtatrabaho. d. ang paninta na mula sa salitang sinta na ang ibig sabihin ay minamahal o pagibig. e. ay ang karagatan o caragatan. Ito ay isang patulang larong ginagawa tuwing may lamay. f. ang diparan. Ito ay tulad ng sawikain ngunit inaawit. g. ang bulaklakan na isa ring paligsahan gamit ang pagtula kung saan may dalawang grupo isa ng mga lalaki at isa rin na mga babae. h. goso. Ito ay inaawit kasabay ng biyolin at tamburin tuwing gabi bago ang araw ng Todos Los Santos (All Saints Day). Ito ay nagtataglay ng tiyak na aral sa buhay at mabagal na tempo. i. ang duplo ay isang patulang laro. Ito ay tagisan ng galing sa pagpapahayag sa pamamagitan ng tula at kaalaman sa mga bagay na napapatungkol sa kultura. j. sapatya. Ang pangalan nito ay mula sa salitang tapatio na tumutukoy sa isang Mehikanong sayaw. Ito ay isinasayaw habang inaawit. Ito rin ay tagisan sa pagtula. k. pabasa pasyon ni Hesus. Puni naman ang tawag kung ang pasion ay ginagawa bilang isang pampublikong aktibidad. l. cenaculo pagtatanghal sa huling panahon ni Hesus sa mundo. m. salubong - Itinatampok nito ang kuwento ng pagkikita ni Kristo at ni Inang Maria matapos ang muling pagkabuhay ng una. n. harana - Ito ay mga awit ng pag-ibig na kinakanta kasabay ng instrumentong

pangmusika. o. tinatawag na dalit ang mga pangkaraniwang awitin.

You might also like