You are on page 1of 1

AUG.

2, 2012

NR # 2819B

PSC bubuwagin
Bubuwagin ang Philippine Sports Commission (PSC) kapag naging ganap na batas ang Department of Sports Act of 2012 sa ilalim ng House Bill No. 6390 na iniakda ni Rep. Mark Aeron Sambar (Party-list, Puwersa ng Bayaning Atleta). Sa kabilang ng pagkabigo ng PSC na mapabuti at mapalakas ang larangan ng sports sa bansa, sinabi ni Sambar na panahon na upang itatag ang bagong ahenisya para muling buuin ang youth development, mapalakas ang puwersa para sa pambasang pagkaka-isa at pagmulan ng pambasang karangalan. Matapos ang 21 taon, naroon ang pag-asang mapapabuti at mapapalago ang larangan ng sports sa ilalim ng PSC subalit hindi ito nagbabago, paliwanag ni Sambar. Nilikha ang PSC sa bisa ng Republic Act 6847 noong Enero 1990 na siyang mangunguna para mangasiwa sa reporma upang mapatatag ang isport sa bansa. Ang kakaunting bilang ng mga atleta sa kumatawan sa Pilipinas na 2012 London Olympics ay nagpapakita lamang na mahina ang ating sports development. Ang cabinetlevel agency ay kailangan ng matatag na liderato upang lumago ang sports sa ating bansa, dagdag pa ni Sambar. Sa ilalim ng panukala, itatatag din ang Amateur Sports Development Bureau (ASDB) na mangangasiwa sa pagtataguyod at pagpapalago ng amateur sports. Ang Grassroot Sports Division and Local and International Sports competition Division ay lilikhain din sa ilalim ng departamento. Maglalaan ng pondong P178.2 milyong piso para suportahan ang organizational at initial calendar year ng operational expenditures para sa bagong ahensiya. (30) eag

You might also like