You are on page 1of 1

AUG.

8, 2012

NR # 2825

Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Act, aprub


Inaprubahan ng Kamra sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapalawig para sa 15 taong implementasyon ng Republic Act 7898, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Act. Inamiyandahan ng House Bill No. 6410 ang RA 7898 para ipalit sa pitong magkakahiwalay pero magkakatulad na panukala, pinagsanib at idinulog sa plenary ng House Committee on National Defense and Security sa pangunguna ni rep. Rodolfo Biazon (Lone District, Muntinlupa). Pinuri naman ni Biazon ang pag-aapruba sa panukala dahil ang probisyon sa RA 7898 ang tutugon sa patuloy na pagpapabago sa international at regional security environment. Ang Revised AFP Modernization Program Planning and Procurement ay isasagawa alinsunod sa Defense System of Management (DSOM) na strategy-drive, capability-based multi- year planning at execution process. Ang inisyal na P75 bilyong piso para sa unang taon ng Revised AFP Modernization Program ay ilalaan sa kapabilidad ng DND na gamitin at implementa ang sabing programa alinsunod sa DAOM. (30) eag

You might also like