You are on page 1of 1

AUG.

8, 2012

NR # 2825B

Pag-amiyenda sa Philippine Midwifery Act of 1992, pasado sa Kamara


Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 6343 para palawakin ang sakop ng midwifery sa bansa sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Republic Act No. 7392, sa tawag na Philippine Midwifery Act of 1992. Ang House Bill 6343 na iniakda ni Rep. Janette Garin ay magbibigay ng karagdagang kapangyarihan at palakasin ang serbisyo at propesyonalidad sa midwifery. Sa ilalim ng panukala, papayagan ang mga midwives na mag-administer ng lifesaving drugs gaya ng magnesium sulphate, oxytocin, steroids at oral antibiotics kapag walang doktor na na magbibigay ng mga ito maliban kung sila ay may sapat na kasanayan dito. Para naman sa practicing midwives na nagnanais na magsagawa ng Obstetrics nad neonatal Care (E/EmONC), kailangan nilang makakuha ng accreditation mula sa Department of Health (DOH), ang ahenisyang mangangasiwa na mag-isyu ng kaukulang panuntunan para sa midwives. (30) eag

You might also like