You are on page 1of 1

AUG.

9, 2012

NR # 2826B

Mambabatas nagbabala laban sa matatamis na inuming sanhi ng obesity at diabetes Isinusulong ni Rep. Magtanggol Gunigundo (2nd District, Valenzuela City) ang House Bill No. 6341 para ayusin ang merkado, pagtitinda at pagtataguyod ng soda o matatamis na inumin nakalagay sa sisidlang lampas sa 16 ounces para labanan ang obesity at diabetes. Ayon kay Gunigundo, kailangan ng gobyerno para sa hakbanging maayos at maituro sa mga mamimili ang panganib ng mga nakasasamang pagkain at inumin para mahinto ang obesity at diabetes sa bansa. Layunin ng HB 6341 o ang Soda Regulation Act of 2012, na ipagbawal ang pagtitinda ng soda, soft drinks o sweetened drinks 16 ounces o mas mataas per bottle-container. Hihigpitan ang kalakal at implementasyon nito sa merkado at pagtataguyod sa produkto. Sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST), sinabi ni Gunigundo na tumataas na ngayon ang bilang ng obesity ng Filipino sa edad na 20 pataas at pinangangambahang madagdagan pa ang bilang nito at magkaroon ng degenerative diseases gaya ng sakit sa puso, hypertension at diabetes mellitus. Nalaman ang pagtaas noong 2008 sa pag-aaral na isinagawa ng Food and Nutrition research Institute ng DOST. Base sa pag-aaral, aabot sa 20 sa 100 adults ang overweight noong 1998. Ang pigura ay ay tumaas ng 24 at 27 sa 100 noong 2003 at 2008. Noong 2008 survey, 2.7% Filipino adults sa edad na 20 years and over are suffering from impaired fasting glucose, habang hyperglycemia o high fasting blood sugar (FBS) level ay 4.8%. ang paglaganap nghypertension sa matatanda ay 25%, pagtaas ng edad mula 40-49 years. (30) eag

You might also like