You are on page 1of 1

AUG.

15, 2012

NR # 2832B

Pagdami ng bilang ng solvent boys pinaiimbestigahan ng mambabatas


Ang tumataas na bilang ng Solvent Boys ang nagiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa. Hiniling ni Rep. Mark Villar (Lone District, Las Pias City) sa Kongreso na magbalangkas ng batas na magpaparusa sa mga taong iligal na nagbebenta ng solvent at iba pang nakaka-adik na sangkap sa mga kabataan. Naghain ng House Resolution No. 2535 si Villar para hilingin sa House Committee on Public Order and Security na ipatawag ang lahat ng ahensiyang may kinalaman dito para masolusyunan ang problema. Kailangang gumawa ng paraan ang gobyerno para maihinto ang paglaganap ng drug addiction sa bansa at ma-regulate ang paggamit ng nakaka-addict na sangkap, sabi ni Villar. Binanggit ni Villa rang probisyon sa Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nag-uutos na pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan, lalo na ang mga kabataan mula sa masamang epektong ipinagbabawal na droga. (30) eag

You might also like