You are on page 1of 3

ALAMAT NG PLMAR

Pumatok ang Lungsod ng Marikina sa pagiging isang malinis na Lungsod sa Pilipinas. Naging bantog sa buong mundo sa pagtataguyod ng Industriya ng sapatos. Namayagpag dahil sa kahusayan, disiplina at mabuting panlasa ng mga mamamayan nito. Natatangi sa kanilang kulturat sining na pamana pa ng mga taal na Marikeo. Subalit hindi nakilala ang lungsod sa pagkakaloob ng kalidad na edukasyon sa mga naging produkto nito sa mga mataas na paaralan.

Sa isang maliit na barong barong sa gilid ng simbahan ng Concepcion, may isang pamilyang pinipilit umahon sa kahirapan. Si Marides ang panganay sa magkakapatid, 28 taong gulang, nakapagtapos ng sekondarya subalit tumigil dahil na din sa kakulangan ng panustos at dahil na rin sa kapansanang pinagkaloob sa kanya ng masalimuot na buhay lansangan. Lumpo man ang katawan napanindigan nya ang pagiging panganay sa pamilya. Palaboy ang bansag sa kanya ng mga taga roon dahil saan saan sya nakakarating sakay ng upuang may gulong na regalo pa ng ama. Subalit mapalad sya dahil sa magkakapatid ay tanging sya lamang ang nakaranas na humawak ng lapis at papel. Samantalang ang kanyang mga kapatid tanging sampagita, basahan at kaunting barya ang unang dumapi sa kanilang mga palad.

Tanging panlilimos na lamang ang ikinabubuhay ni Marides, nag-aabang sa mga taong pumapasok at lumalabas sa simbahan. Swerte na kung maka limos ng singkwenta pesos sa isang araw. Dahil sa maraming kaagaw na kapwa nya lumpo madalas pambili lang ng kalahating kilo ng bigas ang kanyang nauuwi. Mayaman sa kakilala si Marides dahil na din sa araw araw na pananatili sa simbahan. Madalas nyang ka kwentuhan ang maraming kabataan na hindi nagaaral dahil sa mga kamahalan ng matrikula at malalayo pang mga kolehiyo . Umagat gabi ay lagi nananalangin si Marides. Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, ako poy nagpapasalamat sa pagkaing inyong pinagkakaloob sa araw araw. Naway mahabag kayo sa kalagayan ng aming pamilya. Tulungan nyo po akong maipagpatuloy ang aking pag-aaral upang matulungan ang aking mga kapatid, magulang at kapwa, salamat po ang paulit ulit na panalangin ni Marides.

Isang gabi habang syay nananalangin isang nagliliwanag na matandang lalaki ang lumapit, nagpakilalang isang Bayani, Marides hayaan mong dinggin ko ang iyong panalangin. Mahahalal ka bilang isang alkalde ng Lungsod upang tugunan mo ang pangangailangan nito wika ni Bayani.

Mayo 2001 nahalal nga bilang isang alkalde si Marides. Agad nyang natugunan ang pangangailangan ng lungsod at ng kanyang pamilya. Makaraan ang 2 taong pamumuno, muli nyang binalikan ang kinalakhang lugar. Marami pa rin ang mga kabataang tambay, nanlilimos, nagtitinda ng sampagita at basahan. Nakita nya ang kawalan ng pamantsang mag-aalis sana sa mga kabataang naroon. Bumuo ng kumite si Marides upang pag-aaralan at gumawa ng plano para sa pagkakaloob ng mura at malapit na pamantsan. Enero 22, 2003 nilagdaan at ipinasa ng Sangguniang Panlunsod na inilatag ni Kon. Eva Aguere Paz ang isang Ordinansa Blg. 015 na magtatag ng isang pamantasan na inihango sa bansag na Palaboy at kapansanan bilang isang Lumpo ng Alkade ng Marikina na si MARides.

Hunyo 6, 2003 pinasinayaan ang PLMAR, mga kabataang lansangan, tambay at manlilimos ang syang unang mga mga-aaral ng nito. Dito rin ipinagpatuloy ni Marides ang kanyang pag-aaral at nakatapos sya noong Mayo 2007. Hanggang sa mga panahong ito ay patuloy na kinukupkop ng PLMar ang mga kabataang Marikeo at pinagkakalooban ng kalidad na Edukasyon upang maging isang produktibo, mapanuri, maalam, maka Diyos, makakalikasan, makatao, makabansa, may malasakit, may kahusayan, may disiplina, may mabuting panlasa na mamamayan ng Lungod ng Marikina.

Hindi hadlang ang katayuan sa buhay, maging ang kapansanan sa pag-abot ng mga pangarap para sa pamilya, sa sarili at sa kapwa . Maging malapit sa Dakilang Lumikha dahil sa tulong nya walang di magagawa. Mula sa panulat nii: Jetro Luis D. Torio

You might also like