You are on page 1of 4

MGA MISTERYO SA LIPUNAN Ni Luisito Domeng

Bakit kaya ang dami kong tanong? Bakit kaya masyadong malikot ang isipang namamagong? Bakit kaya sa dinamirami ng sagot; Lahat ay palagay, lahat ay opinyon?

Bakit kaya orange ang balot ng kwek-kwek? Bakit hindi kaya pink o asul? Para nababagay sa uniform ng mga empleyado ng MMDA at ng mga tambay.

Bakit kaya patuloy na dumarami ang mga bakla? Samantalang matres sa kanilay pinagkaila

Bakit kaya tayong mga Pilipino ay gustong pumuti? Hindi ba tayo proud sa ating lahing kayumanggi?

Bakit kaya pilit nating binabaluktot ang atimg mga dila? Mabigkas lang ng tama ang wikang banyaga

Bakit kaya pinipilit nating makiayon na lang sa kultura ng iba? Samantalang mayroon naman tayong sariling kultura

Bakit kaya ang mahihirap nagpaparamihan ng anak? Bakit kaya ang mayayaman ay pumapatay ng anak?

Bakit kaya sa tuwing sumasakay tayo ng jeep, Hindi maalis alis ang mga maling pahayag na tulad nito: Manong tatlong Cubao Saan bababa tong bente? Yung bente po sa Cubao bababa

Bakit kaya nasanay tayo na pinapaikli ang mga pahayag? Ito bay malaking patunay na ang mga Pilipino ay tamad?

Bakit kaya ang mga Pilipino ay pumapasok sa Exit, Lumalabas sa Entrance?

Bakit kaya hindi tayo marunong tumawid sa tamang tawiran? Bakit kaya ang babala na ito: Bawal tumawid, nakamamatay

Ay naging ganito: Bawal tumawid, may namatay na At ganito na ngayon: Bawal tumawid, papatayin kita!

Bakit kaya sinasabi ni Bob Ong Na baliktad magbasa ang mga Pilipino?

Bakit kaya sa tuwing may magtatanong kung ano ang ating Pambansang Awit? Laging sagot ng nakararami ay: Bayang magiliw Nakababahala baka sa susunod ito nay maging Call Me Maybe At ang Pambansang sayaw ay maging Teach Me How to Dougie

Ang Pambansang ibon ay maya na ngayon Ang Pambansang hayop ay aso na ngayon

Unti unti na bang nabobobo ang mga Pilipino? Hindi ba sapat ang libreng edukasyon na kaloob ng Gobyerno? Nabubulok na ba ang ating mga utak at puso? Bakit nawawala na sa atin ang diwang nasyonalismo?

Mga payak na katanungan Subalit mahirap pangatwiranan Naway mga kawika ating paganahin damdamin at kamalayan Upang itong mga tanong ay mabigyan natin ng katarungan.