You are on page 1of 1

Kung minsan ka ng nabigo Kung ang pusoy naranasang lumuha ng dugo Kung ang dating pag-iibigan ay biglang nagbago

Kung ang dating minamahal ay iba ang nakatagpo Subalit wag kang matakot Kung ang pag-ibig ay sadyang masalimuot Kung ang tadhanay sayoy nagdadamot Muling umibig, labanan ang kirot Wag kang mangamba na muling masaktan Wag kang mabalisa kung muling iwan Ang pag-ibig ay hindi puro kasiyahan ang dulot Mapanganib nga tulad ng pagkadulas sa lumot Hayaan ang pusoy muling umibig sa iba Hayaan ang tadhana ay muling maligaw Bastat iyo lamang pakatandaan Anuman ang maganap ay syang pinagmumulan Ng tunay na kaligayahan

Kailangan kita Sa hirap at ginhawa Kailangan kita Sa buhay kong punong puno ng pag-asa Sayo ko lang naramdaman Walang katulad na kaligayahan Halik at yakap mo sa tuwina Nakapapawi ng kalungkutan Ikaw ang laging laman ng isip ko Sa pagtulog at paggising hanggang sa banyo Ikaw ang syang tanging naaalala Sa araw araw na aking ginagawa Sanay ikay muling makasama Sanay ang dating pag-ibig moy muling madama Kailangan kita mahal ko Kailangan kita sa buhay ko

Kalungkutan ang minsan kong nadarama Walang katiyakan sa iyong pag-unawa Hindi dahil hindi ako masaya Sa anumang natagpuan natin sa isat isa Hindi dahil hindi ko dama Kung pag-aalaga moy nandyan sa tuwina Na kung ikaw bay nandyan sa tuwina Hindi rin dahil kailangan nating mag-antay Sa buhay kung san tayoy magkaagapay Subalit minsan nais kong hagkan mo At damayan ako Upang matiyak na ang mga pangako Sa isat isa ay totoo At sa muli kong maramdaman ang kalungkutan Nais kong sayoy ipaalam Na ang pusong sawiy patuloy na iibig sayo higit pa sa nakaraan

Matuto na minsang mag-antay Ang pag-ibig ay tulad din ng pagluluto ng gulay Kapag inapura ay matigas at hilaw Makiayon sa ilang pagbabago sa buhay Kusang darating yan at kailangan makisabay Dahil kung tayo man ay mananatili sa dati Walang pag-unlad tiyak ang pagsisisi sa huli Kung sa pag-unlad tayoy magkaagapay Tiyak na ang pag-ibig ay walang humpay Sa pagkamit ng mga pangarap at pangakong Na iilan lamang ang nakakaalam

You might also like