You are on page 1of 1

AUG.

28, 2012

NR # 2845

Magbinbin ng pasyente sa ospital, bawal na!


Paglabag sa batas ang magbinbin ng pasyente sa loob ng ospital at klinika na hindi kayang mabayaran ang kanilang gastusin pati na ang bayad sa doctor. Ang House Resolution no. 2595 na humihikayat sa Department on Health na ipatupad sa lahat ng pribado at pampublikong ospital at klinika na maglagay ng karatola ng Republic Act 9439 na nagbabawal na ibinbin ang pasyente sa loob ng ospital na hindi kayang bayaran ang kanilang gastusin. Ayon kay Winston Castelo (2nd District, Quezon City) lantarang nilalabag ng mga ospital at klinika ang batas hinggil dito. Sila ang dapat nagbibigay ng health services sa mga taong may sakit, nasugatan o kailangang operahan. Idinagdag pa ni Castelo na hindi makatarungan para sa mga ospital at klinika kung ipagpapatuloy nila ang pagbibinbin sa mga pasyente na hindi makabayad ng gastusin. Isang promissory note ang ihahain ng pasyente bilang katibayan sa utang o garantiya ng isang co-maker, na mananagot sa pasyente para sa di nabayarang obligasyon. Sa kaso ng namatay na pasyente, dapat ibigay sa kaanak ang mga kaukulang death certificate at dokumento na kakailanganin sa paglilibing. Hindi sakop ng bats ang mga pasyente na nasa pribadong silid. (30) eag

You might also like