You are on page 1of 1

AUG.

28, 2012

NR # 2845B

LTFRB sa Region 10 may anomalya?


Isang imbestigasyon ang isasagawa ng Kongreso sa umanoy iligal na gawain ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Region 10. Sa House Resolution No. 2490 na inihain ni Rep. Benjo Benaldo (1 st District, Cagayan de Oro City), binatikos niya ang indiscriminate issuance of franchise to taxis and other public transport vehicles sa opisina ng LTKFRB sa Region 10 sa Cagayan de Oro. Ayon kay Benaldo lantarang nilalabag ng LTFRB ang Executive Order 202 na naguutos sa ahensiya na pangasiwaan ang operasyon sa public utility o for hire vehicles at magbigay ng prangkisa o sertipiko bilang kaginhawahan sa publiko. Ang indiscriminate at unwarranted issuance ng prangkisa sa pampublikong transportasyon ay maaring paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. (30) eag

You might also like