You are on page 1of 1

AUG.

29, 2012

NR # 2846

CHR: Kaso ng paglabag sa karapatang pantao, bumaba


Bumaba ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao nitong 2011, ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Chairman Etta Rosales. Habang tinatalakay ang pondo ng Komisyon sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Rosales na nasa 132 ang kabuuang insidente at 215 ang biktima ng extra-judicial killings, enforced disappearances at torture noong 2011, kumpara sa 183 insidente at 408 biktima ang naitala noong 2010. Base sa tala ng CHR noong 2011, mayroong 2,988 na reklamo ng ibat ibang paglabag sa karapatang pantao sa 3,476 na biktima at 3,766 ang gumawa ng masama. Sa nasabing mga kaso, 1,238 ang biktimang lalake at 814 ang biktimang babae at umabot sa 1,980 lalake ang gumawa ng masama at 264 na naman ang babae. Gayunpaman, sinabi ni Rosales na base sa preliminary evaluation sa 2,115 reklamo, nasa 237 lamang ang dapat masusing imbestigahan habang 1,807 ang nangangailangan ng legal aid at counseling service. Mayroon namang 32 na reklamo ang hindi na sakop ng CHR at idinulog sa ibang ahensiya. (30) eag

You might also like