You are on page 1of 1

AUG.

30, 2012

NR # 2847B

Culture and gender sensitivity act


Minamadali sa Kongreso ang pagsasabatas ng Culture and Gender Sensitivity Education Act of 2012 upang bigyang daan para sa cross culturalism sa Pilipinas at sa buong mundo. Ito ay isang programa para sa elementary at high school students. Ayon kay Rep. Rodel Batocabe (Party-list, Ako Bicol), sa kasalukuyang panahon, mayroong di pagkakaunawaan sa lipunan dahil sa ibat ibang kultura at ibat ibang kaugalian. Idinagdag pa ni Batocabe na itataas nito ang lebel ng kaalaman ng mga estudyante sa ibat ibang kultura at epekto ng kaibhan sa relasyon at pakiki-pag-ugnayan sa ibang tao. Ang culture sensitivity ay tumutukoy sa kalidad ng pagiging maalam at handang tanggapin ang kultura ng iba habang ang gender sensitivity ay kakayahang pahalagahan ang isyu at problema ng lipunan, lalo na ang pagkilos ng isang babae at paano sila itrato at unawain. Hinihikayat ang lahat ng pribado at pampublikong paaralan na isama ang culture and gender sensitivity training sa lahat ng subjects at extra-curricular activities. (30) eag

You might also like