You are on page 1of 1

SEPT.

12, 2012

NR # 2860

Wag gumamit ng genetically modified organisms


Isang panukalang batas ang inihain sa Kongreso para ipagbawal ang paggamit ng genetically modified organisms sa mga produktong pang-agrikultura. Sa ilalim ng House Bill No. 6454 na iniakda ni Rep. Rafael Mariano (Party-list, Anakpawis), malaki ang epekto nito sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran sa pamamagitan ng genetic modifications. Ang technique gaya ng genetic engineering ay hindi solusyon para sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kagutom at kahirapan kundi ang locally, socially at environmentally responsible methods ang solusyon, sabi ni Mariano. Ayon kay Mariano kailangang protektahan ng estado ang karapatan ng taumbayan sa safe poison-free agriculture, secure, livelihood, balanced at healthy ecology alinsunod ng pagtugma sa kalikasan. (30) eag

You might also like