You are on page 1of 1

SEPT.

12, 2012

NR # 2860B

Kulang sa height pwede na mag-pulis, bumbero at jail guard


Inaprubahan ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang panukalang mag-aalis sa height requirement para sa mga aplikante ng pulis, bumbero at jail officers. Layunin ng House Bill No. 6203 na hikayatin ang mga may-kakayahang aplikante na may sagabal ang height requirement na pumasok sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ayon kay Rep. Pablo John Garcia (3rd District, Cebu), ang pangunahing may akda ng panukala, hindi dapat maging hadlang ang taas para sa mga taong nagnanais na magsilbi sa bayan kung sila ay may natatanging kakayahan para gampanan ang tungkulin. Binanggit ni Garcia ang Article 7 ng Universal Declaration of Human Rights, na nagsasaad na ang lahat ay pantay-pantay sa harapan ng batas at may karapatan sa pantay na proteksyon laban sa anumang pang-aapi sa paglabag sa deklarasyon at anumang panunulsol. (30) eag

You might also like