You are on page 1of 1

SEPT.

13, 2012

NR # 2861

Industriya ng pangarerang kabayo, palalakasin


Inaprubahan ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na maglilikha sa Philippine Thoroughbred Horseracing Authority, isang ahensiya na magtataguyod sa pagpapalago, pagpapalawak at pagpapaunlad sa industriya ng mga pangarerang kabayo. Ayon kay Rep. Amado Bagatsing (5th District, Manila) layunin ng House Bill No. 6329 na pasiglahin ang pagpapa-unlad sa ekonomiya ng bansa sa pagbibigay oportunidad para sa buwis at makaliha ng trabaho sa industriya ng pangarerang kabayo. Sa ilalim ng panukala, ang ahensiya ay bibigyan ng kapangyarihan sa quasi-judicial functions at may eksklusibong hurisdiksyon sa pamamahala sa lahat ng aspeto ng thoroughbred horseracing at horse breeding. Nasa hurisdiksyon din ng ahensiya ang importation at exportation ng breeding stock, framing at scheduling of races, ownership, construction ng safety race tracks, allocation of prices at security of horseracing. Bubuwagin ang Philippine Racing Commission na nilikha sa ilalim ng Presidential Decree 420 kapag itinayo na ang nasabing ahensiya. (30) eag

You might also like