You are on page 1of 1

SEPT.

14, 2012

NR # 2862B

Malunggay bilang pambansang gulay, Nobyembre bilang buwan ng Malunggay Laman ng isang panukala sa Kongreso na gawing pambansang gulay ang malunggay. At ang buwan ng Nobyembre naman bilang National Malunggay Month. Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 646 na iniakda ni Congresswoman Gina de Venecia. Mula sa ugat, sangay, dahon, bulaklak, bunga at buto, ang lahat ng parte ng Malunggay ay masustansya at nakakagamot sa lahat ng uri ng sakit gaya ng diabetes, hypertension, inflammations, infections, cancer at aging. Mayaman ito sa vitamins C and A, iron, at high density lipoprotein or good cholesterol. Ang dahon ng Malunggay ay nagtataglay ng powerhouse of nutritional value: seven times the vitamins C in oranges, four times the calcium in milk, four times the vitamin A in carrots, twice the protein in milk and three times the potassium in bananas. Nagtataglay din ito ng 90 nutrients and 46 types of antioxidants. It has 18 amino acids, plenty of omega 3 oils and chlorophyll, plus 45 compounds with antioxidant properties and 36 anti-inflammatory properties. (30) eag

You might also like