You are on page 1of 1

OCT.

15, 2012

NR # 2893

Lump sum retirement pay sa barangay officials, aprub


Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magbibigay ng lump sum retirement pay para sa mga barangay officials uang itaguyod ang kanilang pamumuhay at tagumpay ng barangay bilang pangunahing nagpaplano at nagpapatupad ng mga programa at gawain ng gobyerno. Inamiyendahan ang Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991 at inaprubahan sa plenaryo ang House Bill No. 6567 na inindorso ng House Committee on Local Government sa pangunguna ni Rep. George Arnaiz (2nd District, Negros Oriental). Sa panukala, bibigyan ng lump sum retirement pay ang lahat ng barangay officials katumbas ang isang taong honorarium, kasama ang barangay tanods, miyembro ng Lupon ng Tagapamayapa, health workers at day care workers. Ang retirement benefits ay manggagaling sa barangay retirement fund na ibibigay sa mga retirees na umabot sa edad na 60 at may maximum na siyam na taon sa serbisyo. Ayon kay Arnaiz ito ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga barangay officials sa komunidad at mahikayat sila na ipagpatuloy ang kanilang tapat na paglilingkod sa serbisyo publiko. (30) eag

You might also like