You are on page 1of 1

OCT.

16, 2012

NR # 2894B

Barangay at SK elections ililiban


Hiniling ng mga mambabatas ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 2013 para hind imaging bahagi ng partisan politics ang mga opisyal nito. May halos 12 magkakahiwalay na panukalang batas para sa konsiderasyon ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinangungunahan ni Rep. Elpidio Barzaga (Lone District, City of Dasmarinas). Ilan sa mga ito ay ang House Bill no. 6198 na iniakda ni Rep. Rene Relampagos (1st District, Bohol) at House Bill no. 5794 na inihain ni Rep. Ben Evardone (Lone District, Eastern Samar). Ang dalawang panukala ay parehong humihiling na ipagpaliban ang eleksyon subalit makakaiba ang petsa. Sa panukala ni Relampagos, gaganapin ang eleksyon sa huling Lunes ng Oktubre 2014 at kada limang taon. Samantalang ang kay Evardone naman ay sa huling Lunes ng May 2014 at kada apat na taon. Ayon kay Evardone, bagamat mandato ng Konstitusyon ang sabayang eleksyon dapat pa rin ihiwalay ang barangay at SK elections mula sa partisan politics. Nilinaw naman ni Relampagos na hindi sapat ang kasalukuyang tatlong taong termino ng panunungkulan ngmga barangay opisyal para magarantiyahan na maayos na matatapos ang implementasyon ng mga proyekto. (30) eag

You might also like