You are on page 1of 1

OCT.

16, 2012

NR # 2894C

Lahat ng stakeholders ay may bahaging ginampanan sa Bangsamoro peace framework: Leonen


Siniguro ngayon ni government chief negotiator Marvic Leonen sa mga mambabatas na agad na magpapalabas ng isang kautusan si Pangulong Benigno Aquino III na magtatatag ng isang Transition Committee na siya namang bubuo ng isang panukalang Bangsamoro Basic Law na isusumite sa Kongreso. Siniguro ng 15-member Transition Committee na lahat ng may kinalaman sa usapin ng Bangsamoro ay kabilang sa konsultasyon at pag-uusap, kasama na ang Moro National Liberation Front, ani Leonen. Nauna ng bigyang kaalaman ni Leonen ang mga mambabatas hinggil sa framework peace agreement na nilagdaan ng pangulo kamakailan sa isang public hearing na isinagawa ng House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity na pinamumunuan ni Rep. Jesus Sacdalan (1st District, North Cotabato). Naghihintay din kami sa bubuuing panukalang batas na magtatatag sa Bangsamoro na dadaan din sa Kongreso bago ito ipahayag at isumite sa mamamayan ng Mindanao upang aprubahan naman ng mga ito sa pamamagitan ng isang plebisito, ani Sacdalan. Ibinunyag din ni Leonen nilalayon ng pamahalaan na magtatag ng isang bagong Bangsamoro political entity bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Aquino na matatapos sa 2016. We hope to see the Bangsamoro in place within President Aquinos term, dagdag pa ni Leonen. Nanawagan naman si Deputy Speaker Lorenzo Taada III na habaan pa ng lahat ang kanilang pasensiya upang makamit ng buong bansa ang mailap na kapayapaang matagal ng hinihiling ng bawat mamamayan. (30) sb

You might also like