You are on page 1of 1

OCT.

17, 2012

NR # 2895

Magna Carta for public School Teachers


Aaamiyendahan ng House Bill No. 6527 na iniakda ni Rep. Angelo Palmones (Party-list, AGHAM) ang Republic Act 6470 o ang Magna Carta for public School Teachers, para bigyan ang mga guro ng study leave katumbas ng haba ng panahon na binanggit sa curriculum ng paaralan kung saan nagtuturo ang guro. Sa panuukala, bibigyan din ang guro ng 100 porsiyento ng kanilang buwanang sahod, maliban kung ang karagdagang semester leave with pay ay ibibigay upang payagan silang matapos ang kanilang thesis para sa graduate studies in education o allied courses. Ang kompensasyon pinapayagan para sa buong panahon ng study leave ay batay sa kondisyon na ang guro ay kukuha ng regular study lod at ipapasa ang 75% ng kanilang kurso, paliwang ni Palmones. Sinabi ni Palmones hindi lamang pagkilala sa kabayanihang ipinakita ng mga guro ang layunin ng panukala kundi ang pangangailangang mai-angat ang kanilang kaalaman at husay, hasain ang kanilang kakayahan bilang bahagi ng serbisyo para sa kalidad ng edukasyon. Ang isa pang kakaibang tampok sa panukala ay ang pagbibigay ng desenteng burol sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa kabaong ng guro na napatay habang nasa serbisyo. (30) eag

You might also like