You are on page 1of 1

OCT.

19, 2012

NR # 2897

Pagkatay ng aso nais mapahinto ng panukala sa Kongreso


Isang House Resolution ang inihain ni Rep. Mark Villar (Lone District, Las Pias City) na humihiling ng imbestigasyon upang malaman kung kailangan pang palakasin ang batas ng Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998. Kahit na may parusa sa probisyon ng batas para sa unscrupulous traders sakot sa pagbebenta ng karne ng aso, patuloy pa rin ang ganitong iligal na Gawain, sabi ni Villar. Ayon kay Villar, batay sa isang blog na may titulong Eating Dog Meat is Dangerous for People, na ang ibig sabihin ay nakakamatay ang pagkain ng karne ng aso. Ayon kay Villar ang mga sakit na nakukuha sa pagkain ng karne ng aso ay cardiac problems, impotency at general fatigue. Sa pag-aaral ni Dr. Irwin H. Putzkoff, PhD, MD Schmuckintush professor ng nutrition physiology, sinabi ni Villar na delikado ang mga substance na naiiwan sa karne ng aso na nalilipat sa katawan ng tao. (30) eag

You might also like