You are on page 1of 1

OCT.

19, 2012

NR # 2897B

Mobile phone
Tatawaging Mobile Phone Consumer Empowerment Act, ang panukalang batas na iniakda ni Rep. Lord Allan Jay Velasco (Lone District, Marinduque) para maging malinaw at magkaroon ng pagkakapare-pareho ang kontrata sa mobile phone na nagdudulot ng kalituhan sa mga consumers. Sa House Bill No. 6334, inaatasan ang mobile telephone service provider na bigyan ang mga subscribers ng written notice ukol sa change in rate, terms or conditions ng service ng 30 araw bago ipatupad ang pagbabago. Hindi malinaw at hindi pare-pareho ang mga nakalagay sa terms and conditions, pati na ang charges, minutes, service plans, taxes at surcharges, paliwanag ni Velasco. Inaatasan ng panukalang batas ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pamamagitan ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa epektibong implementasyon ng batas. (30) eag

You might also like