You are on page 1of 1

NOV.

6, 2012

NR # 2915B

The Anti-Summary Execution Act of 2012, isabatas


Nagpahayag ng kompiyansa si Rep. Karlo Nograles (1st District, Davao City) na aaksyonan ng House Committee on Justice ang inihain niyang House Bill No. 3079 o ang The Anti-Summary Execution Act of 2012 para ganap itong maging batas. Ayon kay Nograles, bagamat may mga ebidensya sa ilang kaso ng umanoy summary execution sa bansa, wala ni isa ang nahatulan. Binanggit ni Nograles ang bilang ng napaulat na pagsalakay sa mga maka-kaliwang grupo at progresibo o militant community workers na nangyari nang nakalipas ang taon. Idinagdag pa ni Nograles na nagpahayag ng pag-alala ang international organization na ilang miyembro ng kapulisan at military ang direktang sangkot sa mga pagpatay. Sa ibang pagkakataon, sinabi ni Nograles na may mga ulat din na ang summary execution ay gawa ng death squad o organized killing team o sanay na pumatay bilang kaaway ng isang taong nasa posisyon o person in authority. Layunin ng HB 3079 na patawan ng mabigat na parusa at bigyan ng kompensasyon at proteksyon ang pamilya ng biktima o saksi. (30) eag

You might also like