You are on page 1of 1

NOV.

12, 2012

NR # 2921

Scholarship grants sa mga guro


Ang House Bill No. 6598 na iniakda ni Rep. Diosdado Macapagal Arroyo ay layunin bigyan ang mga karapat-dapat na guro na nasa aktibong serbisyo sa pampublikong paaralan ng scholarship grant na mag-enroll ng masteral o post-graduate course na kanilang nais. Bilang tugon sa panuntunan ng estado na bigyan ng libreng edukasyon ang mga pampublikong guro, bibigyan din ng scholarship grants ang kanilang mga anak, ayon kay Arroyo. Kailangang nasa aktibong serbisyo sila ng dalawang sunod na taon at kailangan din lehitimong anak ang kwalipikado sa scholarship grants sakop ang pre-school, elementary, secondary, gayundin ang tertiary education. Pinapayagan din ng panukala na ipasok sa scholarship grants ang mga anak ng retiradong guro subalit bahagi lamang ng halaga ng scholarship grant. Ang scholarship grant ay maaari lamang sa lahat ng public school at state universities sa buong bansa at ang mga kwalipikadong anak ay pasado sa lahat ng hinihingi requirements ng paaralan. (30) eag

You might also like