You are on page 1of 1

NOV.

26, 2012

NR # 2935

Tanod exempted sa tax


Naghain ng panukalang batas si Rep. Mark Villar (Lone District, Las Pias City) para iliban sa buwis ang mga barangay tanod at bigyan sila ng pribilehiyo at benepisyo tulad ng sa opisyal ng barangay. Tatawaging Tanod Incentives Act of 2012 ang panukala ni Villar sa House Bill No. 6635, sa layuning itaas ang pamumuhay ng barangay tanod at hasain ang kanilang kasanayan at kapabilidad upang maging handa sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang komunidad. Sinabi ni Villar na seryoso ang gobyerno para itaguyod at paunlarin ang social at economic well-being ng mga tanod, pati na kanilang pamumuhay at kondisyon ng trabaho. Nahihirapan din ang Sangguniang Barangay na pumili ng barangay tanod dahil kakaunti ang residenteng interesado na maging bahagi ng brigada. Sa pagbibigay ng benepisyo at pribilehiyo, sa ganitong paraan lamang mahihikayat ng gobyerno na hikayatin ang mga residenteng maging bahagi ng grupo. (30) eag

You might also like