You are on page 1of 1

NOV.

28, 2012

NR # 2937B

Peke ba ang titulo ng lupa mo?


Magdurusa ng 15 hanggang 30 taon sa bilangguan ang sinumang indibiduwal na mapapatunayang magpe-peke, illegal na gayahin, makipag-ayos, mangasiwa o magsanla ng pekeng titulo ng lupa. Ayon kay Rep. Aurelio Gonzales (3rd District, Pampanga) maraming insidente ang peke o ginayang titulo ng lupa na nakakasira sa integridad at katatagan ng titulo ng lupa na ginagawang lapastanganin ang Torrens system o registration nito sa bansa. Ang titulo ng lupa ang matibay na ebidensya sa karapatan ng may-ari nito at sa kahit anong paraan itoy kontrolado nya at siya lamang ang ekslusibong nagmamay-ari ng lupain, sabi ni Gonzales. Lalong lumalaki ang krimen kapag nasangkot na ang tatlo hanggang dumami ang peke o palsipikadong titulo ng lupa. Kinokonsiderang ito ay gawa ng sindikato kapag grupo ng tatlo-katao ang nagkutsabahan sa isat isa. Nais ni Gonzales na muling buhayin ang kanyang panukalang batas (House Bill no. 787), An Act to classify the faking or fabricating, negotiating, transacting, conveying or mortgaging of fake or illegally fabricated Torrens Certificates of title as a heinous offense. (30) eag

You might also like