You are on page 1of 14

Wika: Kahulugan at katangian nito

Wika
Isanag sistematikong balangkas ng binibigkas na tunog na pinilit at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Ay ang sistemang simbulo sa tinig at sulat na ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.

Kakanyahan/Katangian ng Wika
Daluyan ng uri ng Komunikasyon

Pinipili at isinasaayos

Masistemang simbulo/balangkas

arbitraryo

WIKA
Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog

Sinasalitang tunog para sa pantaong


komunikasyon

Simbolikong gawaing
pantao

Katangian ng wika Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. A. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat]. B. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora C. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa. Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.) D. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag. Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno. Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na datiy [niya] ngayoy [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap. 1. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsamasama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya) 2. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika. 3. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Halimbawa Wikang Swahili atanipena (magugustuhan niya ako) Wikang Filipino Opo, po Wikang Subanon gmangga (mangga) Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga batang babae) Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo) Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/) Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

4. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Halimbawa: BOMBA Kahulugan a. Pampasabog b. Igipan ng tubig mula sa lupa c. Kagamitan sa palalagay ng hangin d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao 5. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ka na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaion]. 6. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika. 7. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay sumasagisag sa tunog na em. 8. May level o antas ang wika.

Wika at Tungkulin nito


Representasional

Imahinatibo Wika at Tungkulin nito

Instrumental

Hyuristik

Regulator i

Personal

Interaksyonal

1. Instrumental Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang. - Tungkol sa pagkilos Halimbawa: Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya. Iba pa pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay-panuto, pag-uutos, pagpilit. *Saklolo hinablot ang cellphone ko! 2. Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag-abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba. - Tungkol sa pagkonrol Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa. *Bawal Tumawid, Nakamamatay.
* Doon po ang tamang direksyon patungo sa inyong pupuntahan.

3. Representasyunal Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp. - Tungkol sa kaalaman at insights May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at kalalabisan. Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig. Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/ pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di kayay tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba (peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang Diyos; marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp. Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/ maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag. Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.

*MAgkakaroon ng Eleksyon ngayong taong 2007 4. Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga dipinupuna/ walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan. - Tumutukoy sa relasyong sosyal Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at panrehiyon, atbp. Dapat matutuhan ng mga tao ang mga ibat ibang uri ng gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba. Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented way). Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari. Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp. *San ka pupunta? 5. Personal Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May tinig o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin. - Pagpapahayag ng indibidwal Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin. Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa gamit na ito, nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan, ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad. * PAgtatapat ng pagibig. 6. Hyuristic Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pagunawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp. Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na

pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo ng metalanguage isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp. Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon, paggawa ng hypothesis, pagbibigay katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri, pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, di-pagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya. Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng iba- ibang panananaliksik ang mga posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika. Isa ring suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at nililinang ang kaalaman. Mahalaga ang papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang disiplina. Halimbawa: * Pagtatanong sa guro o kaklase 7. Imahinatibo Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako. Ito rin ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol ( babys babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang paglalaro ng malikot na isip ng makata. Mga larong pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis. Ilan lamang ito sa mga pagkakataong gamit ng imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o ibang tao. Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di lamang ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig. Pinahihintulutan din nito ang paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa/ nakikita sa telebisyon at sine: nakikinig sa radyo, cd player, MP3 player (vicarious experience). Tinutulungan ding matugunan ang maraming estetiko at artistikong pangangailangan (urges). Pinahahalagahan ang gamit na imahinatibo kung nagbubunga ito ng artistikong paglikha ngunit sa karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa mga pagkakataon sa paglikha at pagtakas sa katotohanang ipinahihintulot nito. Halimbawa: *Habang may binabasa, maaring mabuo sa isipan ng mambabasa ang mga inilalarawan sa kwento, tula, maikling kwente, atb.

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

1. Teoryang Ding-dong Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

Ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog na siyang nagiging kahulugan ng mga ito. HAL. Tunog ng kampana

Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran aymay sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog angnagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Halimbawa : tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan

may sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran. Hal: tsug-tsug ng tren, tik-tak ng orasan.

2. Teoryang Bow-wow Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisay ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Nagsimula sa panggagaya ng tao sa tunog na likha ng kalikasan. HAL. Tahol ng aso Bow Wow kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman angpinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa. Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy.

3. Teoryang Pooh-pooh Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas. Ang bawat nararamdaman ay may kaugnay na sambitla HAL. Tawa ng tao Pooh Pooh tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ringnagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao. Halimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling ipinapalagay na natutong magsalita ang mga tao dahilan sa hindi sinasadyang napapabulalas sila bunga ng masidhing damdamin. ang tao amg siyang lumikha ng tunog at siya rin ang nagbibigay ng kahulugan nito. Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas. Ipinalalagay na

ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.

4. Teoryang Yum-yum Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi. Nagsasaad na ang mga unang tao ay tumugon sa pamamagitan ng bibig ayon sa pagkakapusisyon ng dila sa guwang ng bibig. nakabatay din sa stimulus response theory. pagtugon ng tao sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon. Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.

5. Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay Ito ay ang mga tunog na galing sa mga ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutung magsalita ang tao. ang mga sayaw, sigaw o incantation at mga bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbagubago. May mga ritwal ritwal na ginagamit ang mga sinaung tao. Halimbawa: Pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pngingisda atbp.

6. Teoryang Yo-he-ho Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.

7. Teoryang Ta-ta Ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay ng pababa at pataas tuwing paalam. salitang pranses na nangangahulugang paalam. ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay ng pababa at pataas tuwing paalam.

Kumpas o galaw ng tao na ginagawa sa partikular na okasyon ay ginagaya ng dila at nagiging sanhi ng pagkatuto ng tao

8. Teorya sa Tore ng Babel Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisay iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo. (Genesis kab. 11:1-8) Ang Tore ng Babel[1] (Ebreo: Migdal Bavel Arabe: Burj Babil), ayon sa

kabanata 11 ng Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya, ay isang malaking toreng itinayo sa lungsod ng Babel, ang pangalang Hebreo para sa Babilonya (sa Akadyano: Babilu). Batay sa salaysay ng Bibliya, isang nagkakaisang sangkatauhan, na nagsasalita ng "iisang wika at salita" lamang at lumipat mula sa silangan, ang nakilahok sa pagtatagyo nito pagkaraan ng Malaking Baha. Tinatawag din ang pagtatayo ng Tore ng Babel bilang "simula" ng kaharian ni Nemrod[1] (o Nimrod). Pinagpasyahan ng mga taong magkaroon ng isang mataas at malaking tore ang kanilang lungsod na "Magtayo tayo ng isang lunsod at ng isang tore na ang taluktok ay aabot sa mga langit!" Subalit, itinayo ang tore Hindi para sa pagsamba at pagpupuri sa Diyos, sa halip para sa kaluwalhatian ng tao, na may hangarin o motibong gumawa ng "pangalan" para sa mga tagapagtayo: "Igawa natin ang ating sarili ng isang pangalan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa balat ng lupa." (Henesis 11:4). Nang makita ang ginagawa ng tao, ginulo at pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika at "pinaghiwa-hiwalay sa balat ng lupa mula sa pook na yaon".[1] Orihinal na layunin ng Diyos na palakihin o paramihin at punuin ng tao ang mundo. Sa mga kasulatang Hebreo, inilalarawan si Nemrod bilang isang malaakas o "bantog na mangangaso" sa "harap ng Panginoon".[1] Batay sa paliwanag ni Jose Abriol, ang Tore ng Babel ay Hindi lang ang tanging dahilan ng "pagkakaiba-iba ng mga wika ng tao", bagkus ay isa ring "maliwanag na tanda ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos" kaysa tao, kaya't Hindi maaaring "magtamo ng pagkakaisa" ang mga tao sa pamamagitan ng "kanilang sariling lakas lamang".[1] Genesis 11:1-9 Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang dumami at lumaganap pagawing Silangan. Sa panahong iyon ay iisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng tao. Sa patuloy na paghahanap ng mga tao ng mabuting pook na mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon nagsimula silang magtatag ng

isang lungsod. Nagsimula rin silang magtayo ng isang napakataas na templong tore, isang bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo at walang hanggang paghahangad na maging malapit sa langit. Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita Niya ang templong toreng itinatayo ng mga tao. Inisip Niya kung magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na magiging mas mapaghangad sila. Ang toreng kanilang itinatag ay tanda ng paghahangad na mapalapit sa Diyos at sa dakong huliy mapantayan o malampasan ang kaniyang kapangyarihan. Kayat ang ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ng ibat ibang wika ang mga tao upang silay hindi magkaunawaan. Nang hindi na sila nagkakaunawan, ang mga tao ay nagsimulang magkawatak-watak at kumalat sa buong mundo.

ang filipino bilang wikang pambansa at ang mga paraan ng pagdevelop nito
1934 Konstitusyonal Kumbensyon mainit ang baliktaktakan nang talakayin tungkol sa wika. Saligang Batas 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3;

Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting opisyal. Pambansang Asemblea binubuo ng mga hirang na delegado mula sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas ay naging makiling sa kabuluhan ng bernakular na wikang pambansa bilang simbulo ng kalayaan at bilang tanikala na magbibigkis sa kaluluwa ng bayang Pilipino. Pang. Manuel L. Quezon nanguna sa sinaunang batas na naisagawa ay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na inaprobahan noong Nobyembre 13,1936. Batas Komonwelt Blg. 184 Layunin ng batas na ito ang lumikha ng isang institusyong pangwika na mangangasiwa sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Ang institusyong ito ay tinagurian Surian ng Wikang Pambansa o SWP Jaime C. De Veyra unang tagapangulo ng SWP. Gampanin ng SWP 1. Gumagawa ng pag-aaral tungkol sa mga pangunahing __________ sinasalita ng hindi bababaa sa kalahating milyong Pilipino. 2. Gumawa ng komparatibong pag-aaral sa bokabularyo ng mga pangunahing wikang ito 3. Pag-aaral at malaman ang ponetiko at ortograpiya ng Pilipinas. 4. Gumawa ng masusing komparatibong pag-aaral ng mga panlapi sa Pilipinas 5. Pumili ng katutubong wika na gagawing batayan para sa ebalwasyon at adaptasyon ng pambansang wika. Nobyembre 17, 1937 ipinasa ng SWP ang resolusyong nagpapahayag na Ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa Disyembre 30,1937 ayon sa bisa ng kautusang tagapaganap Blg. 134, iprinuklama ni Pang. Manuel L. Quezon na ang wikang tagalog ang mgiging batayan ng wikang pambansa. Magkakabisa lamang ito dalawang taon matapos itong magpatibay. A Tagalog English Vocabulary ipinanukala ni Jaime C. de Veyra Ang Barilang ng wikang Pambansa Lope K. Santos siya ang nagpakilala ng A BA KA DA na may 20 titik; A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, Ng, O, P, R, S, T, U, W, Y.

1940 Ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. - Kasabay nito ay ang kautusang pagbubuwag at pagtatapos ng tungkulin ng SWP. Batas Komonwelt Blg. 50 muling ibinalikang SWP. Subalit naging panibagong hamon sa SWP ang pagdating ng mga hapon nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Hulyo 19, 1942 ibinaba ang Order Military Blg. 13 na nagdedeklara sa mga wikang Hapon at Tagalog opisyal na mga wika ng Pilipinas. Nang maupong pangulo ng pilipinas si Jose P. Laurel, ipinag utos niyang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralan sa Pilipinas sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10. Ipinagutos din niya ang pagpapalit ng pamagat ng Pambansang Awit sa Diwa ng Bayan at pagsalin ng titik nito sa wikang Tagalog na ginawa ni Lope K. Santos na siyang Direktor ng SWP. Hunyo 4, 1946 Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang Wikang Opisyal. Hulyo 1946 Pumalit si Jose Villa Panganiban bilang Direktor ng SWP Hulyo 28, 1947 Humalili si Julian Cruz Balmaceda, isang manunulat at mananaliksik. Setyembre 18, 1947 ng bawian ng buhay si Julian Cruz Balmaceda. Disyenbre 29, 1947 Hinirang ni Pangulong Roxas si Cirio H. Panganiban bilang Direktor. Ipinagpatuloy nya ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang sinundan. Pinasimulan din niya ang paghahanda ng mga ispesyalisadong Talasalitaan, tulad ng legal terms, Arithmetical and Geometrical Terms, at iba pa. Marso 26, 1954, - Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambasa. Mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. gayundin ang pagdiriwang ang Araw ni Balagtas. Abril 2 Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na ililipat ang petsa ng pagdiriwang sa Linggo ng Wika simula Agosto 13 hanggang Agosto 19. Taun-taon. Naging sakitin si Cirio H. Panganiban kaya hinirang ni Pangulong Magsaysay si Cecilio Lopez. Binigyang diin ni Lopez ang linggwistika at pinagsigla ang makabagong linggwistikong pag-aaral sa wikang panbansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas. Mayo 25, 1955 Nagbitiw si Lopez sa kanyang tungkulin dahil sa kakulangan ng pondo. Humalili si Jose Villa Panganiban bilang Direktor. Binalikat niya ang pagsasalin at pagsasaliksik. Nagging bunga nito ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma, pasaporte at iba pa. nailathala ang English-Tagalog Dictionary at sinimulan ang talasalitaan ng walong pangunahing wika sa Pilipinas. 1959 Ibinaba ng Kalihim Jorge B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay tatawagi nang Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang Wikang Pambansang Pilipino o wikang pambansang Tagalog. 1970 Nagretiro si Jose Villa Panganiban. Kung kayat hinirang ni Pangulong Marcos si Ponciano B.P. Pineda bilang Direktor na dati nang nanunungkulang katuwang na Direktor ng SWP. Sa Pagkakataon nagkaroon ng mga Komite ang SWP Komite sa Gramatika at Leksikograpiya, Edukasyon at Kultura, Popularisasyon at mga Suliranin, Paglalathala at Istandardisasyon. Malaki ang nagging tulong ng mga komiteng ito sa mabilis at malawak na pagpalaganap ng wikang pambansa. Oktubre 4, 1971 Pinagtibay ng sanggunian ng SWP ang pinagyamang Alpabeto na binuo ng 31 letra (A, B, C, CH, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, , NG, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y, Z). Mabilis ang progreso ng wikang pambansa kahit na masalimoot na pangyayari ang hinaharap nito. Isinasaad sa Saligang Batas 1972 Ang Saligang Batas na ito ay opisyal na ipalaganap sa

Ingles at sa Pilipino, at isasalin sa lahat ng diyalektong sinasalita sa limampung libong tao, gayundin sa Kastila at Arabiko. Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hulyo 10, 1974 Nilagdaan ng Kalihim ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon Bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong aralin 1974-1975. Edukasyong Bilinggwal ay nangangahulugan ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at English bilang midyum na pagturo ng mga tiyak na asignatura. Dapat masunod ang makahiwalay na gamit o paggamit ng Pilipino at English sa pagtuturo. Nagdaos ang SWP ng mga salingkurang pagsasanay, seminar, gawaing-kapulungan at iba pang kauring Gawain tungkol sa bilinggwalismo para sa mga pinunot tauhan ng lahat ng tanggapang pampamahalaan, sa lahat ng guro, propesor, pinunot tagapangasiwa ng mga paaralan. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Art XIV, Seksyon 6 ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang itoy dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Sagisag rin ng pagkakaroon ng modernisasyon ng wikang pambansa, pinagtibay noong 1957 ang Bagong Alpabetong Filipino na may 28 titik: A B C D E F G H I J K L M N NG O P Q R S T U V W X Y Z. Dumating ang panahong hindi na angkop ang pangalan ng SWP dahil sa iba na ang inaatas ditto. Kaya sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 nilagdaan ng Pangulong Aquino noong Enero 1987 ay nilikha ang LWP o Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Binubuo ang LWP ng isang Direktor kasama ng Pangalawang Direktor at nang limang sangay nito. Ito ang sangay ng pananaliksik at pagpapaunlad, leksikograpiya, pang salawika at panitikan, preserbasyon at promosyon, at pangangasiwa. Agosto 25, 1988 Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nagaatas sa lahat ng mga kagawaran ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya. Alinsunod pa rin sa pagpapatupad ng Saligang Batas ng 1987 Art IV, Seksyon 9, - itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino noong Agosto 14, 1991 sa Bisa ng Batas Republika Blg. 7104 na nilagdaan ng Pangulong Aquino. Ang KWF na nasa ilalim ng tanggapan ng Pangulo ay may pangkalahatang layuning magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas. Anim na sangay ng KWF; 1. Dibisyon ng leksikograpiya 2. Dibisyon ng linggwistika 3. Dibisyon ng pagsasaling-wika 4. Dibisyon ng ibang mga Wika at Literatura ng Pilipinas 5. Dibisyon ng Impormasyon at Publikasyon 6. Dibisyon Pampangasiwaan. Misyon ng KWF:

Magbalangkas, mag-ugnay at magpatupad ng mga programa at proyekto sa pananaliksik upang higit pang mapabilis ang pagsulong sa at pagbulas ng wikang Filipino bilang midyum ng pangkalahatang talastasan at gayundin ng mga layuning indbidwal.

Bisyon - Magawa ang Pilipino na isang modernong wika magagamit na mabisang kasangkapan sa kabuuan ng pang bansang pagpapaunlad. - Ponciano B.P. Pineda = nahirang bilang punong Komisyoner at kinatawan sa Tagalog. Kasama niyang namuno sa tungkulin ang iba pang mga Komisyoner noong Marso 1992 na sina: Ernesto Cubar(Ilokano), Teresita G. Maceda (Cebuano), Nita P. Buenaobra (Bikolano), Andrew Gonzales (Kapampangan), Florentino Hornedo (Ivatan), Bonifacio P. Sibayan (Kankanay). - binigayan ng depinisyon ng KWP ang Filipino sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 1-92 noong Mayo 13,1992 sinusugan naman ng Resolusyon Blg. 96-1 noong Agosto1992 Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas=bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay ang Filipino ay dumaraang proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram ng mga wika ng Pilipinas at ang mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng ibat-ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sosyal, at pagbasa sa mga pakasa ng talakayan at iskolariling pagpapahayag. - Batas Republika Blg. 7104, Seksyon o Itinatag ng KWF ang mga Panrelihiyong Sentro sa Wikang Filipino o PSWF sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakababasa sa isang pang estadong unibersidad o kolehiyo na magpaptupad sa lahat ng mga programa at proyekto ng KWF - RSWF pinagtibay noong Mayo 1994 ng Board Commisioners. - 1997 = nilagdaan ni Pang. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahyag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng wikang Pambansa.