You are on page 1of 16

Kabanata I

Suliranin at kaligiran nito

Panimula

Sa kasalukuyan, mapapansin natin na nag-iiba na ang temperatura o ang antas ng

pagbabago ng klima sa buong mundo. Malayo sa dating temperatura ng mundo nitong

mga nakaraang taon ay kapansin-pansing mas mainit ang temperatura ng mundo ngayon.

Hindi man napapansin ng iba pero hindi maipagkakaila sa ilan na may masama itong

epekto hindi lang sa tao kundi sa kapaligiran at sa lahat ng nilalang sa buong mundo.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananw ng ilang kabataan

ukol sa usaping “global warming”. Malaki ang papel ng kabataan sa usaping ito at mas

dapat na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang mga pananaw sa usaping ito. Sa

pananaliksik na ito malalaman, masasagutan at matutugunan ang katanungan ng ilan ukol

sa problemang ito lalo na ang mga mananaliksik.

Dito malalaman ang mga dahilan at posibleng mga epekto nito sa mundo sa

panahon ngayon at ganundin sa hinaharap. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang

mga datos na kanilang nakalap at kinalabasan ng pananaliksik na ito. Ito’y para man

lamang kahit sa mumunting paraang ito’y makatulong sila sa unti-unting pagsugpo sa

Global Warming. Isa pa’y nais din nilang mabasa ng mga susunod na henerasyon ng

kabataan ang pananliksik na ito. Upang sa gayon ay magkaideya man lang sila kung ano

ang nagyayri sa paligid at kung paano nila unti unting pagtulung tulungan na sugpuin ang

problemang kinakaharap ng inang kalikasan.

Layunin
Katulad din ng ibang mga mananaliksik, mayroon ding layunin ang mga

mananaliksik nito na siyang magsisilbing gabay para sa kanila upang makamit, makuha

at maisagawa ng tama ang pananliksik na ito. Ito ay ang sumusunod:

• Upang malaman kung ano ang pananaw ng ilang kabataan ukol sa usapig

Global Warming.

• Upang malaman kung ano ang opinion nila kung ano ang mga kadahilanan at

posibleng mga epekto nito.

• Upang malaman ang tungkol sa usaping ito upang magising sila sa katotohanan

ukol dito

• Upang mailahad sa publiko at sa lahat kung ano ang pwedeng mapagtutulungan

gawin ng lahat upang unti unti nating masugpo at tapusin ang problemang ito.

Kahalagahan ng pananaliksik

Sa pananliksik na ito layon ng mga mananaliksik na malaman ang pananaw ng

nakararami at ang mga katotonang napapalob sa usapin ukol sa Global Warming. Ang

mga resultang at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay ibabahagi sa sumusunod:

Mga mananaliksik – ang mga impormasyong nakalap nila ay makapagbibigay ng

motibo upang mapag-aralan, maanalisa, at makagawa ng awput na kapakipakinabang sa

lahat, at magsisilbing proyektong isusumite nila sa kanilang guro.

Mga estudyante – makapagbibigay ng karagdagang impormasyon sa kanila at sa

kanilng gagawing mga pag-aaral at pwede pa nila itong gamitin sa kanilang pang-araw-

araw na pamumuhay para na rin maging aktibo sila pagdating sa usaping ito.

Kabataan - higit kanino man ay sila dapat ang unang unang magpasimula sa

pagkilos at pagsugpo sa krisis na ito sa kadahilanang sila ang mga susunod na magiging
mga pinuno ng bayan. Mabuting ngayon pa lang ay alam na nila ito at matutunan nilang

hindi ito dapat isinasawalang bahala kung hindi ay sila din lang ang sasapo sa mga

konseklwensyang kakaharapin ng mundo kapag hindi ito nasulusyunan.

Mga magulang – sila dapat ang gumabay sa kanilang mga anak sa pamamagitan

ng pagpapaliwanag ang lahat tungkol sa usaping ito sa kanilang mga anak. Sa

pamamagitan ng mga impormasyong manggagaling dito ay mas maipapalinawag nila ito

ng maayos sa kanilang mga anak.

Publiko – gait ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ay

mailalahad sa kanila ang tungkol sa usaping ito na pwede nilang magamit sa araw – araw

nilang pamumuhay.

Mga susunod na henerasyon – magsisilbi itong gabay at makapagbibigay ng

impormasyon sa kanila upang sa gayon ay malaman nila kung paano ito lahat nagsimula

at kung anong mga hakbangin ang nararapat nilang gawin.

Mga guro – upang makapagbigay ito sa kanila ng karagdagang impormasyong

pwede nilang maibahagi sa kanilang mga estudyante.

Administrasyon – dahil malaki ang sakop nila a paaralan, pwede silang gumawa

ng mga hakbangin tungkol sa paglutas nito. Magsisilbi itong gabay sa kanila upang

makagawa ng mga bagong ordinansa/batas o regulasyon ng paaralan na makapagbibigay

daan sa pagtulong ng paaralan sa pagsugpo ng problemang ito.


Kabanata II

Kaugnay na literatura at pag-aaral

Kaugnay na literatura

Ayon sa New Book of Knowledge Encyclopedia (2006), ang Global Warming ay

ang pag-iinit ng mundo dahil sa greenhouse effect. Sinasabi rito na sa pagsunog at

paggamit ng fossil fuel ay naisisingaw paitaas ang mga hangin sa atmospera at humahalo

sa hangin at natatrap sa atmospera ng mundo. Ang hanging ito ay naiipon at kumakapal

na tinatawag na greenhouse gasses.

Sinabi pa rito na ang init ng araw ay naabsorba ng mundo at ang iba rito ay

kailangang mareflect ng mundo upang hindi magdulot ng sobrang init. Dahil na rin sa

patuloy na pagkapal ng greenhouse gasses nahaharangan ang ibang init na ito at hindi na

nakakalabas ng mundo.

Sinabi rin ni Rob Blackstock (2001), sa kanyang artikulong “A Global Warming

Primer”, na ilan sa mga hangin na bumubuo ng greenhouse gasses ay ang singaw galing

sa nag-evaporate na tubig galing sa mga anyo ng tubig, carbon dioxide, methane, nitrous

oxide at iba pa. dahil din daw sa pagdami ng tao kaya marami ding karbon dioxide ang

naibubuga paitaas kaya naaapektohan ang natural carbon dioxide – oxygen cycle.

Nakadaragdag din daw dito ang pagkakalbo ng kagubatan at ang paggamit ng fossil fuel

na ginagawang mga produktong petrolyo upang mapatakbo ang mga makina at mga

sasakyan. At dahil hindi na makayanan ng paunti nang paunting punongkahoy na sipsipin

ang carbon dioxide, ang epekto, kukulangin ang suplay ng oxygen.


Kaugnay na pag-aaral

Sa pag-aaral ni Stephen Schneider (1990), lumalabas na 1.6 bilyong tonelada ng

karbon ang nawawala sa balance ng kalikasan. Ayon naman kay John Holdren (2007), na

ang sangkatauhan din lang ang siyang may kagagwan kung bakit nagging malala ang

sitwasyon at ito ay isang malaking panganib na nakaambang mangyari. Sinabi rin niyang

sa pagtatapos ng siglong ito ay mararanasan ng mundo ang temperaturang hindi

panararanasan sa loob ng ilang milyong taon.

Batayang teoritikal

Sa pananaliksik na ito napili ng mga mananaliksik ang motivation factor at ang

hygiene factor. Sinasabi ni Herzberg (1987), na kailangan sa isang organisasyon tulad ng

pamayanan ay dapat may motivators o satisfiers. Mga salik na gaya ng pagtatagumpay sa

isang gawain, partisipasyon o ang pagkakaroon ng isang tao na dapat ay ginagampanan

niya, at ang pagpapatuloy ng isang sitwasyon, ang salik na nagsasabing habang patuloy

na lumalala ang sitwasyon ay mas malaking responsibilidad ang dapat gampanan at sa

pagkakroon ng mga ganitong salik ay makapagbibigay ng motibo sa isang tao na

magpursige sa paggawa ng isang bagay.

Ang hygiene factors naman, ayon kay Herzberg (1987), ay nasa panlabas na

naturalesa ng isang tao pero nakakatulong din. Napapalob dito ang superbisyon o

angpagjkakaroon ng isang tao ng responsibilidad, mga batas na ipinasusunod ng mga

nakakataas, mga positibong pananaw at kondisyon ng buhay ng isang tao, relasyon sa

ibang tao at pakikisalamuha sa mga ito.


Sa paraang ito, magiging maayos ang pagsasamahan at kapaligiran ng isang

lipunan at ang pagkakmit ng tagumpay sa kung ano man ang pinagsisikapan nila

(Herzberg).

Batayang konseptwal

Input. Dito napapaloob ang mga salik na dapat na analisahin at unawain upang

makagawa ng kunklusyon. Isa na rito ang mga nakalap na impormasyon galing sa

internet. Ditto napapaloob ang tungkol sa pinagmulan ng Global Warming, ang

posiblebleng naging dahilan kung bakit nagsimula ang problemang ito, ang posibleng

epekto nito sa sangkatauhan at sa kalikasan, at ang patuloy na paglala ng sitwasyon.

Proseso. Dito, gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan at pinasagatutan sa

mga estudyante upang makuha at malaman ang pananaw ng bawat isa sa kanila ukol sa

usaping ito. Dito rin inaanalisa ng mga mananaliksik ang mga data n akanilang nakalap.

Gumawa sila ng buod at kunklusyon ng kabuuhang resulta ng mga prosesong

isinasagawa.

Awtput. Sa bahaging ito, nalalaman na ng mga mananaliksik ang kinalabasan ng

kanilang pananaliksik na isinagawa. Dito na lumalabas ang mga reaksyon ng mga

estudyante ukol sa usaping ito. Nalalaman na nila kung ano ang mga dapat at pwedeng

gawin upang mapagtulung-tulungang unti-unting maresolbahan ang problemang ito. Dito,

pwede na nilang tapusin ang kanilang pananaliksik at ibahagi sa iba ang kanilang

natuklasan.

Tala
Kabanata III

Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik

Teknik sa pamimili ng populasyon

Napili ng mga mananaliksik nag awing kalahok sa pag-aaral na ito ang ilang

estudyante. Sa unang taon na kumukuha ng kursong bachelor Of science in accountancy

sa partido state university.

Populasyon

Kalahok bilang ng kalahok

BSA-1A 25

BSA-1B 25

Napili nilang gawing respondyente sa ginawang pananaliksik ang limampung

estudyanteng kinabibilangan ng dalawampu’t lima sa bawat isa sa dalawang klase.

Kalahok na pag-aaral

Kalahok sa pananaliksik na ito ang limampung estudyante galing sa dalawang

klase sa unang taon sa kursong bachelor Of science in accountancy sa partido state

university, sa bawat klase ay may dalawampu’t limang respondyente.

Hakbang sa paglikom ng mga datos

Naghanda muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa

mga respondyente. Pagkatapos ay pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot.

Kinuha nila ang bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga

respondyente sa bawat tanong sa talatanungan. Masusi nila itong pinag-aralan at ginawan

ng pagbubuod at kunklusyon ng sagot ng mga respondyente. Sa paraang ito ay nakuha

nila ang pananaw ng mga respondyente ukol sa global warming.


Kumuha din sila ng iba pang impormasyon sa Internet tungkol sa Global

Warming.dito marami ang nakapagbibigay ng komento at impormasyon ukol sa isang

usapin.

Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik

Ginamit sa pag-aaral na ito ang descriptive method para makakalap, makarekord,

maglarawan, mag-analisa at i-interpret ang mga impormasyon tungkol sa “Global

Warming”. Sa paggamit ng methodolohiyang ito, sinasabi ni Gay (1986) na malaking

porsyento ng napag-aralan ay descriptive ang ginamit dahil sa nakakatulong ito sa pag

aaralat pag-reresolba sa ilang variety ng problemang edukasyunal.

Sinabi rin ni Travers(1988), na ang mga layunin ng paggamit ng teknik na ito ay

upang mailarawan ang kalagayan ng isang sitwasyon habang pinag-aaralan ito at upang

malaman ang mga kadahilanan ng isang particular na phenomenon.

Statistical tools

Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data ang

percentage technique sa pananaliksik na ito.

Ginagamit ang percentage technique upang makita ang kinalalabasan ng

ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondyente. Ginagamit din ito upang

makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang

partikular na tanong. Ang ginamit na formula ay ang,


n
% = ------ x 100

Kung saan:

n = bilang ng sagot % = bahagdan

N = bilang ng respondente
Kabanata IV

Presentasyon at interpretasyon ng mga datos na kinalabasan ng pag-aaral

Inilahad sa kabantang ito ang imterpretasyon at ebalwasyon ng mga datos na

nakalap mula sa mga talatanungan ipinamahagi sa mga respondyente ng naturang pag-

aaral at mga datos na nakuha galling sa internet.

Kinalabasan ng pag-aaral
Bilang Bilang Porsyento
Naniniwalang: Sagot Ng Ng Ng
Sagot Respondyente Sumagot

a. apekatado ng Global Warming Oo 31 50 62%


ang pang-araw-araw na Hindi 6 50 12%
pamumuhay ng mga tao Minsan 13 50 26%

Oo 21 50 42%
b. isa ang pagkagutom sa mga
Hindi 20 50 40%
epekto nito
Minsan 9 50 18%

Oo 33 50 66%
c. nakakaapekto ito sa kalusugan ng
Hindi 8 50 16%
tao
Minsan 9 50 18%

d. ang tao ang may kagagawan Oo 44 50 88%


kaya nagkaroon ng Global Hindi 1 50 2%
Warming Minsan 5 50 10%

Oo 31 50 62%
e. ang tao ang unang naapektuhan
Hindi 7 50 14%
ng patuloy na paglala nito
Minsan 12 50 24%

f. may kinalaman ang Global Oo 31 50 62%


Warming sa unti-unting pagkaubos Hindi 14 50 28%
ng ibang mga hayop at mga
pananim Minsan 5 50 10%

g. maari itong pagmulan ng mga Oo 29 50 58%


trahedya, sakuna, kalamidad at iba Hindi 7 50 14%
pa. Minsan 14 50 28%

h. ang pag-abuso ng mga tao sa Oo 41 50 82%


kalikasan ang nakadaragdag sa Hindi 3 50 6%
lalong paglala nito Minsan 6 50 12%

i. dahilan ito ng unti-unting Oo 39 50 78%


pagkaubos ng mga pangunahing Hindi 9 50 18%
pangangailangan ng mga tao na
nagmumula sa kalikasan Minsan 2 50 4%

Oo 22 50 44%
j. kalikasan ang unang naapektuhan
Hindi 21 50 42%
ng Global Warming
Minsan 7 50 14%

k. kasali ang Pilipinas sa mga Oo 47 50 94%


bansang apektado ng Global Hindi 0 50 0%
Warming Minsan 3 50 6%

Oo 22 50 44%
l. ito ang dahilan ng pag-iiba-iba ng
Hindi 16 50 32%
klima na nararanasan natin ngayon
Minsan 12 50 24%

Oo 43 50 86%
m. makakaapekto ito sa mga
Hindi 2 50 4%
susunod na henerasyon
Minsan 5 50 10%

n. kaya pa kayang ang malutas ang Oo 41 50 82%


problemang ito tungkol sa Global Hindi 8 50 16%
Warming Minsan 1 50 2%

Oo 41 50 82%
o. kaya itong sulusyunan ng
Hindi 2 50 4%
gobyerno
Minsan 7 50 14%
Sa talahanayan makikita ang mga pananaw at reaksyon ng mga estudyante ukol sa

posibleng dahilan, epekto at pwedeng gawin upang masulusyunan ang Global Warming.

Makikita din sa talahanayan kung ilang porsyento o bahagdan ng mga estudyante ang

sumagot ng oo, hindi o minsan sa bawat tanong.

Kailangang malaman kung ano ang kani-kanilang mnga pananaw kalahok sa pag-

aaral ukol sa Global Warming. Ito ay dapat lamang sapagkat ditto natin mababatid kung

ano ang pananaw ng karamihan sa kanila upang malaman at masulusyunan ang

problemang ito.

Kabanata V

Paglalagom, mga natuklasan, kunklusyon at rekomendasyon

Lagom ng pag-aaral

Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga respondyente

ay sumasang-ayon sa halos kalahatan ng mga katanungang kanilang ibinigay. Ito rin

naman ang lumabas sa kanilang pag-aanalisa sa mga impormasyong nakalap nila sa

internet.

Mga natuklasan

Natuklasan ng mga mananliksik na halos lahat ng mga respondyente ay may mga

kaalaman na tungkol sa Global Warming, kailangan na lang nila ng karagdagang

impormasyon tungkol ditto. Hindi nanam kaila sa kanila ang kabatiran ng iba tungkol

ditto. Batid nilang kapag hindi sila kikilos ay maaaring may mangyaring masama hindi

lang sa kanila kundi sa buong mundo. Alam nilang hindi pa huli ang lahat.
Konklusyon

Base sa mga resulta ng pananaliksik na isinagawa, lumalabas na mas malaki ang

porsyento ng mga respondyente ang may kabatiran na ukol sa usaping Global Warming.

Kung gayon, alam ng mga kabataan at mga tao ang nangyayari sa ating paligid sa

panahong ngayon. At alam din nila na walang ibang dapat sisihin sa mga nararnsan

nating ito ngayon kundi tayo din, ang mga tao. Kaya kung maaari sana ay dapat wag

itong ignorahin ng ilan. Imbes ay pagtulong tulungan nating burahin at alisin ang mga

bagay na itong tayo din lang ang gumawa. Makakaige dahil hindi na mahihirapan ang

ilan sa pagpapaliwanag sa kanila kung anong dapat gawin.

Rekomendasyon

Marami ang dapat gawin pero kung pagtutulong tulungan ay gagaan din. Kaya

habang maaga pa ay mainam na masimulan na ang mga ito. Kailangan lang nilang

magiyahan sa mga aksyong gagawin nila. Sa paraang ito at kung pagtutulungan ito ng

lahat, hindi imposible ang pagbabalik ng dating maganda at matiwasay na pamumuhay

ng mga tao sa mundo nang walang pulusyon, labis na init, at lahat nang mga masasamang

nangyayri sa mundo dahil sa kagagawan ng mga tao. Sino ba naman ang ayaw tumira sa

isang tahimik, payapa at higit sa lahat matiwasay na mundo?

Sabi ni Algore (2006), “Earth is like a web. A web where we, humans live.

Whatever befalls to the web befalls to man itself.”, gusting sabihin ay kung ano man daw

ang gagwin ng tao sa mundo ay siya ring ginagawa niya sa kaniyang sarili at sa iba pa.

Hindi masamang alagaan ang mundo sa paraang gaya ng pag aalaga natin sa ating

sarili. Dito tayo nakatira kaya panatilihain natin itong malinis at malayo sa mga

problemang tayo ang gumagawa.


Huwag na nating hayaang umabot pa sa sitwasyong maghihintay na lang tayo na

unti-unting durugin ng Global Warming ang mundo. Tandaan nating nang linalang ng

Maykapal ang tao ay kasamang ginawa niya ang mundo, ang mga hayop at maga

halaman, kumpleto para lang mabuhay tayo. Pero ano ang ginawa natin? Imbes na

alagaan ay ninaabuso at binababoy natin ang mga ito. Ano pa ang silbi ng ating buhay

kung hindi rin lang natin ito pahahalagahan? Sana ay mapag-isip-isip ito ng mga tao

Panimula

Ang pananaliksik na ito ay ang naisipang gawin ng mga mananaliksik dahil sa

kanilang napapansin, nakikita at nararamdaman sa kapaligiran. Ang init at alinsangan ng

temperatura ay hindi tulad ng dati. Lubhang mas painit ng panit ang panahon ngayon.

Kaya pinag-aralan at inalam nila kung ano anga ba talaga ito. Ano ang sanhi at bunga

nito?

Alam nilang mga ordinaryong mga estudyante at mamamayan lamang sila pero

ito din ang nagbigay daan sa kanila upang mas lao nilang maintindihan na karamihan sa

mga tao ay tulad din nila. Hindi lang nila alam kung saan at papano sila magsisimula.

Mabuti na lang at makabago na ang teknolohiya sa panahong ito. Malaki ang naitulong

ng internet at kompyuter sa lahat ng mga hakbanging kanilang ginawa.


Tulad ng ibang mga mananaliksik, hindi lang para sa kanila ang pag-aaral na ito

kundi para sa lahat upang magising tayo sa katotohanan. Nawa ay makakuha ang mga

magbabasa nito ng mga karagdagang impormasyon At sana ay makatulong ito sa kanila

lalong lalo na sa pang araw araw nilang pamumuhay.

Mga Mananaliksik

 mga nakalap na impormasyon galing sa internet

 pinagmulan ng Global Warming

 ang posibleng mga naging dahilan

 ang posibleng epekto nito sa sangkatauhan at sa kalikasan

 ang patuloy na paglala ng sitwasyon.

 gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan

 pinasagatutan sa mga estudyante

 pananaw ng bawat isa sa kanila ukol sa usaping ito

 inaanalisa ng mga mananaliksik ang mga data na kanilang nakalap

 buod at kunklusyon ng kabuuhang resulta ng mga prosesong


.

 kinalabasan ng kanilang pananaliksik na isinagawa

 reaksyon ng mga estudyante ukol sa usaping ito

 nalalaman na nila kung ano ang mga dapat at pwedeng gawin upang

mapagtulung-tulungang unti-unting maresolbahan ang problemang ito.

 ibahagi sa iba ang kanilang natuklasan

motivation factor hygiene factor

motivators o satisfiers panlabas na naturalesa ng isang tao

partisipasyon superbisyon
pagtatagumpay sa isang gawain mga batas na ipinasusunod ng mga nakakataas

pagpapatuloy ng isang sitwasyon relasyon sa ibang tao

pakikisalamuha.

mga positibong pananaw at kondisyon ng buhay ng isang tao

You might also like