You are on page 1of 3

Rizal sa Dapitan (Pagsusuring Pampelikula) I.Pamagat: Rizal sa Dapitan ni Amable Aguiluz II. Mga Tauhan 1.

Albert Martinez bilang Jose Rizal- ang pangunahing tauhan na nakulong sa Dapitan dahil sa paglaban sa relihiyon atgobyernong Kastila 2. Amanda Page bilang Josephine Bracken- ang napangasawa ni Rizal 3. Roy Alvarez bilang Capt. Carnicero- ang naatasang magbantay kay Rizal habang siyay nasa Dapitan 4. Cris Michelena bilang Father Obach- paring kaibigan ni Rizal na nabigo sa pagpapabalik loob kay Rizal 5. Candy Pangilinan bilang Maria- kapatid ni Rizal na nagpaalam ng pagtataksil ni Bracken 6. Narcisa- isa pang babaeng kapatid ni Rizal 7. Rustica Carpio bilang Doa Teodora Alonzo- ina ni Rizal III. Buod Ang pelikulang Rizal Sa Dapitan ay tungkol sa buhay ni Jose Rizal (Albert Martinez) habang siya ay nasa loob ng Dapitan. Matandaang siya ay nakulong dahil sa paglaban niya sa mga prayle at gobyerno ng Kastila na naging dahilan ng kanyang pagkakatapon sa Dapitan. Sa mga unang araw ng pamamalagi niya roon, pinilit siyang magbalikloob sa Diyos ng isang paring kaibigan niya na si FrObach (Chris Michelena). Ngunit naging matibay ang kanyang paninindigan na naging dahilan ng paglisan ng kura. Ginawang makabuluhan ni Rizal ang kanyang pamamalagi sa loob ng piitan kung saan hindi lamang siya naging isang ordinaryong bilanggo dahil siya rin ay naging isang manggagamot, maestro, at tagapamahala ng isang kanyang bukirin. Dumating rin ang kanyang ina na si Doa Teodora Alonzo (Rustica Carpio) at mga kapatid na sina Maria (Candy Pangilinan) at Narcisa (Tess Dumpit). Nakilala niya si Josephine Bracken (Amanda Page), ang kanyang mapapangasawa, noong nagsadya ang ama nito kay Rizal upang magpagamot. Nagpaalam si Bracken nangnabigong gamutin ni Rizal ang ama nito ngunit siya ay nangakong magbabalik.Tinupad ni Bracken ang kanyang pangako. Nang tumanggi ang simbahan sa kanilang pagpapakasal, nagpakasal pa rin sila kahit walang presensiya ng pari. Naging maayos ang kanilang relasyon hanggang sa nalaman ni Rizal ang pagtataksil ni Bracken na naging dahilan ng kanilang away. Ito nagresulta sa pagkakalaglag niFranciso, ang kanilanang kaiisang anak, sa sinapupunan ni Bracken. Nagwakas ang pelikula sa pamamaalam ni Rizal sa mga tao dahil sa pagpunta niya ng Cuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

IV. Pagsusuring Pampelikula

1. ISKRIP Maganda ang tekstong nakapaloob sa iskrip ng pelikula. Ang mga matatalinhaga atmagagandang salita ni Rizal na kakikitaan ng talino ay nakapagbigay kulay sa pelikula.Isama mo pa ang mga mapanlinlang na pahayag ng mga prayle na pawang katotohanan. Bagaman malaking por siyento ng iskrip ay nasa Wikang Filipino, mayroon din namang mga piling linya na nakasulat sa Kastila. Maganda sana ang epekto nito dahil nakadagdag ito sa kagandahan ng pelikula ngunit ito rin ay nagbigay ng kalabuan dahil wala itong subtitle. Isa pang pagkakamali sa iskrip ay ang salitang mga relihiyon na tumutukoy lamang sa isang relihiyon, ang Katolisismo, at dapat na nasulat lamang sa salitang relihiyon 2. SINEMATOGRAPIYA Hindi masyadong naging epektibo ang sinematograpiya sa pelikula. Madalas na nakapokus ang kamera sa iisang tao lamang. Napakabilis rin ng pagpapalit ng eksena, wala pang dalawang minuto ay nagpapalit kaagad. Ngunit mayroon din namang mga piling eksena na kakikitaan ng ganda. Isa na rito ay ang transisyon ng eksena noong nanghuhuli si Rizal ng paru paro nang biglang ilagay ang pokus ng kamera sa mukha ni Bracken. 3. DIREKSYON Naging maayos ang direksyon ng pelikula. Ang istilong ginamit ng direktor, bagamat simple ay bago at napapanahon. Nagbigay ningning sa pelikula ang pagpapalabas munang katapusan bago ang simula ng istorya. Ngunit naging magulo ang umpisa ng pelikula. Ang parteng ililipat si Rizal sa Dapitan ayhindi masyadong naipahatid ng buong kahusayan dahil sa mabilis na pagpapalit ng pokus. 4. PAGGANAP NG ARTISTA Maganda at pinong-pino ang pag-arte ng mga artista sa palabas. Natural ang bawat kilosnila na para bang totoong pangyayari ang iyong napapanood. Maayos na inihatid angmensahe dahil sa kagalingan ng mga nagsiganap. Napakahusay ng eksena kung saansinusuyo ni Rizal si Bracken dahil ito ay makatotohanan at binigyan ng magandang na pagkilos. Gusto ko rin ang parte ng pag-aaway ng mga tauhan.Mayroon nga lang ibang mga parte na medyo sumablay. Isa na rito ang ay paraan ng pangangabayo ni Rizal. Halatang hindi siya marunong mangabayo dahil iisang kamaylang ang kanyang inihahawak at parang nag-aalinlanagn siya kung mahuhulog siya. Hindirin nagging maganda ang epekto ng pagsasalita ni Maria dahil itoy napakabilis kayamahirap intindihin. 5. PRODUKSYON Mapapahanga ang sino mang makakapanood ng pelikula sa poduksyon nito. Angkop angmga kasuotan, lugar, at gamit at iba pa sa ipinapalabas na mensahe. Lahat ng kasuotan atkagamitan ay pawing antigo na nakatulong ng malaki sa pagsasalarawan ng tunay na pangyayari ng panahong naganap iyon. Ang lugar ay maganda at pinili talaga. Magandarin ang bangkang ginamit sa pag-alis ni Rizal. May mga maliliit nga lang na bagay ang naging

kapos. Tulad na lamang noong unangeksena. Kahit na gabi ang eksena, masyadong madilim kaya halos wala nang makita nanakapagpasayang sa kostyum ng mga tauhan. 6. MUSIKA Nakatulong din ang musika sa pagpapaganda ng pelikula. Ang mga ito ay nakakaantig at pumasok sa mga eksenang kanilang tunay na kinababagayan. Nagbigay buhay angmusika sa unang bahagi ng pelikula ito. Walang masasabing mali rito. 7. MENSAHE Ang mensaheng nakapaloob sa pelikula ay ubod ng ganda lalo na at itoy naihatid ngmaayos sa pamamagitan ng iba pang elemento ng pelikula. Bawat eksena ay kapupulutanng aral.Malinaw na ipinapahiwatig ng pelikula na dapat mong ipaglaban kung ano ang sa tinginmo ay tama. Huwag kang magkukulang ng pagtitiwala sa sarili mong kakayahan at saDiyos. Tanggalin ang takot at harapin ang anumang hahadla ng sayo ng buong tapang. Gawin mong lahat para sa bayan mong tinubuan. Kabisaan isip Bisa sa

Dahil dito ay napalawak ko ang aking kaalaman kung paano nagsumikap si Rizal ay mapunlarin at payabungin ang lugar ng Dapitan, hindi niya inisip na ito ay isang bilangguan kundi ito ay isang lugar na kinakailangang pagyamanin. Bisa sa damdamin Lubos kong naibigan na pagpapahalaga sa mga damdamin ng bawat indibidwal. Dito rin ay naipakita at napadama sakin kung gaano kahalaga ang ipaglaban ang sariling mong bayan. Bisa sa asal Sa aking mga nakalap o nakamit na kakintalan ang asal na hindi ko malilimutan dito ay ang pagpapaunlad sa sariling bayan, at ipagmalaki ito saan mang dako ng mundo. Paunlarin ang sariling kakayahan at huwag mawalan ng pag asa sa oras at lugar ng kawalan. Rekomendasyon Maganda ang istorya ng pelikula maraming aral ang iyong matututunan, ngunit sa bilis ng pagpapalit ng pokus ng kamera ay hindi agad nakukuha ng manunuod ang imaheng nais iparating, magkaroon pa sana ng mas marami pang camera style para maging patok at buhay na buhay ang pelikula.

You might also like