You are on page 1of 73

KABANATA 6 PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85) A. Ang Pag-alis 1.

. Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral. 2. Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal 1. Paciano ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa. 2. Antonio Rivera ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya. 3. Jose Mercado ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya. 3. Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora. 4. Donato Lecha ang kapitan ng barkong Salvadora. B. Singapore 1. Mayo 8, 1882 narating ni Rizal ang Singapore. 2. Hotel de la Paz hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore. 3. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod: 1. Harding Botaniko 2. Distritong Pamilihan 3. Templong Budista 4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles tagapagtatag ng Singapore. 4. Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah. B. Colombo 1. Maraming ibat ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito. 2. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.

3. Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila. B. Suez Canal 1. Suez Canal isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean Sea. 2. Ferdinand de Lesseps isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal. 3. Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng ibat ibang mga wika. B. Naples at Merseilles 1. Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at narating ni Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882. 2. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu dIf na siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo. B. Barcelona 1. Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles at narating ang Barcelona sakay ng tren galing Pransiya. 2. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882. 3. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod. 4. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang. 5. Plaza de Catalua ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating. B. Amor Patrio 1. Amor Patrio ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa panulat na Laong Laan.

2. Diariong Tagalog isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo. 3. Basilio Teodoro ang patnugot ng Diariong Tagalog. 4. Marcelo H. Del Pilar ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog. 5. Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog 1. Los Viajes 2. Revista del Madrid B. Paglipat sa Madrid 1. Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas. 2. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis. 3. Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid. B. Buhay sa Madrid 1. Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong: 1. Medisina 2. Pilosopiya at Pagsulat 2. Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod: 1. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando 2. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell 3. Nag-aral ng mga wikang: 1. 2. 3. Pranses Aleman English

3. Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo 4. Nagbasa ng maraming mga aklat 5. Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos

6. Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto 7. Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno B. Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez 1. Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Seor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja. 2. Consuelo ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal. 3. Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Seorita C. O. Y P. 4. Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa: a. Tapat siya kay Leonor b. Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga B. Si Rizal Bilang Mason 1. Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng mga Mason. 2. Masonerya isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan. 3. Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas. 4. Logia de Acacia ang balangay ng Masonerya na inaniban ni Rizal. B. Paghihirap sa Paris 1. Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid. 2. Ipinagbili ni Paciano ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.

3. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian. B. Pagpugay kina Luna at Hidalgo 1. Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina : 1. Juan Luna sa Spolarium 2. Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho. B. Pagtatapos sa Pag-aaral 1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya

KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN I. Sa Paris (1885-86) 1. Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa mata. 2. Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa Barcelona. 3. Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot ng pahayagang La Publicidad . 4. Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886. 5. Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de Tavera. I. Heidelberg 1. Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.

2. Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya. 3. Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya. 4. A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga bulaklak ngHeidelberg. 5. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg. I. Wilhelmsfeld 1. Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan. 2. Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld. 3. Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak nito na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya. I. Unang Sulat kay Blumentritt 1. Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadala niya kay Blumentritt. 2. Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas. 3. Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog. I. Leipsig at Dresden 1. Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng aralin sa Kasaysayan at Sikolohiya. 2. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang antropologo.

3. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen. 4. Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala si Dr. Adolph Meverang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya. I. sa Berlin Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko

1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi. 2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas. 3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala ni Rizal sa Berlin. 4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal sa Berlin. 5. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at dito si Rizal ay naglingkod sa klinika. 6. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin. 7. Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa isinagawang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin. I. Buhay ni Rizal sa Berlin 1. Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin a. Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya b. Palawakin ang kaalaman sa agham at wika c. Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya d. Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman e. Ipalimbag ang Noli Me Tangere 1. Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman a. Seryosa

b. Matiyaga c. Edukada d. palakaibigan 1. Paghihirap sa Berlin a. Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba b. Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw c. Naglalaba ng kaniyang sariling damit d. Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis

KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME TANGERE I. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli 1. Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika. 2. Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas. 3. Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere a. 1/2 sa Espanya b. 1/4 sa Pransya c. 1/4 sa Alemanya 1. Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me Tangere. 2. Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela.

3. Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda para sa pagpapalimbag. 4. Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na tumanggap upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000 kopya. 5. Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere. 6. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli a. Ferdinand Blumentritt b. Dr. Antonio Ma. Regidor c. Graciano Lopez-Jaena d. Mariano Ponce e. Felix Resurrecion- Hidalgo 1. Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo ni San Juan. 2. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan. 3. Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere upang makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela.

KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA I. Ang Paglalakbay 1. Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa. A. Dresden 1. Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak. 2. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining. 3. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden.

4. Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz. A. Leitmeritz 1. Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal. 2. Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz. 3. Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt a. Rosa ang asawa ni Blumentritt b. Dolores - anak c. Conrad - anak d. Fritz - anak 1. Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman. 2. Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa n nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. 3. Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. A. Prague 1. Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887. 2. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt. 3. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan. 4. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan nito. A. Vienna 1. Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong

iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito. 2. Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna. A. Pagbaybay sa Ilog Danube 1. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang. 2. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain. A. Lintz tungo sa Rheinfall 1. Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya. 2. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod. 3. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito. 4. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong Europa." A. Switzerland 1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa. 2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland a. Aleman b. Pranses c. Italyan 1. Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang Eksposisyon sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na suot na bahag at mga

makalumang kagamitan ay pinagtatawanan ng mga tagaMadrid. 2. Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain. 3. Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik sa Barcelona. A. Italya 1. Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal a. Turin b. Milan c. Venice d. Florence e. Rome 1. Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod. 2. Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma a. Capitolium b. Bato ng Tarpeian c. Palatinum d. Forum Romanum e. Ampiteatro f. Simbahan ng Santa Maria Magigiore 1. Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa mundo.

KABANATA 10 ANG UNANG PAGBABALIK

A. Desisyon na magbalik sa Pilipinas 1. Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas a. Paciano Rizal b. Silvestre Ubaldo c. Jose Cecilio 1. Mga Dahilan ng Pagbabalik a. Tistisin ang mata ng kanyang ina b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan c. Makita ang epekto ng kanyang nobelang Noli d. Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera 1. Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. A. Pagbabalik Patungo ng Maynila 1. Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan. 2. Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong. 3. Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila. 4. Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila. A. Pagbabalik sa Calamba 1. Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba. 2. Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pagaalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid. 3. Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod sioya bilang manggagamot. 4. Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon hinog.

5. Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika. 6. Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000. 7. Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong. 8. Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal. A. Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere 1. Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban sa nobelang Noli Me Tangere. 2. Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala. 3. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico Faura,Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya. 4. Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela. 5. Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere. 6. Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko.

7. Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng simbahan. 8. Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela. A. Mga Kaaway ng Noli Me Tangere 1. Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba. 2. Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Jose Salamanca Luis M. de Pando Fernando Vida 3. Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa pahayagang La Espana Moderna. A. Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere 1. Marcelo H. del Pilar 2. Antonio Ma. Regidor 3. Graciano Lopez Jaena 4. Mariano Ponce 5. Segismundo Moret - isang Espanyol na dating Ministro ng hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli Me Tangere. 6. Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa Unibersidad Central de Madrid. 7. Ferdinand Blumentritt

8. Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng pangalang panulat na Desiderio Magalang at kanyang sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez laban sa Noli Me Tangere at sa may akda nito. A. Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade 1. Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway. 2. Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade . 3. Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril. A. Suliranin Agraryo sa Calamba 1. Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa sa Noli Me Tangereat nagpasimula ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na nagaganap dito. 2. Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan. 3. Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod: a. ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong bayan ng Calamba. b. Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa. c. Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura. d. Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na kadahilanan.

e. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga kasama. A. Pag-alis sa Calamba 1. Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano. 2. Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle. 3. Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas. 4. Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una. 5. Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing kadahilanan. 6. Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan. 7. Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang bansa.

El Filibusterismo Buod - kabanata 1-39 Ang nobelang El Filibusterismo ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora. Tulad ng Noli Me Tangere, ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22,

1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan. Mga Tauhan: Simoun-Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay Isagani-Ang makatang kasintahan ni PaulitaBasilio-Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli Kabesang Tales-Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle Tandang Selo-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo Ginoong Pasta-Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal Ben zayb- Ang mamamahayag sa pahayagan Placido Penitente-Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra-Ang mukhang artilyerong pari Padre Fernandez-Ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino-Ang amain ni Isagani Don Custodio-Ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene-Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez-Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Makaraig-Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval-Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina-Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita Paulita Gomez-Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez Quiroga-Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas Juli-Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio Hermana Bali-Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra Hermana Penchang-Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli Ginoong Leeds-Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya Imuthis-Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds Kabanata I Sa Ibabaw ng Kubyerta Buod Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniway Kastila. 2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa

Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan. 3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamahayag. 4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog. Mga Tanong at Sagot 1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan? Tugon a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan na may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at indiyo. b. Sa mabagal ngunit mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong pamumuno sa Pilipinas. c. Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis at marangal ngunitt makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan. d. Sa bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad. e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.) 2. Bakit inis na inis si Donya Victorina? Tugon Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta. 3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay Simoun? Tugon a. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal. b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo. k. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig. d. Giginhawa ang paglalakbay.4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio? Tugon a. Malaki ang gugulin b. Maraming bayan ang kakailanganing sirain k. Walang ibabayad sa mga manggagawa 5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito? Tugon a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito. b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo. k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na

hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na mangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon; d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio. 6. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don Custodio, ano ang naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta? Tugon a. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano. b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw. 7. Bakit nangigilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun? Tugon Itoy kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba. Dagdag na mga Tanong at Puna 1. Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan. 2. Si Don Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno sa Pilipinas. 3. Si Padre Sibyla ay pangalawang rektor ng UST. Kabanata II Sa Ilalim ng Kubyerta Buod Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2) estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaa, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago. Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagkat ang lalawigan nina Basilio sapagkat ang lalawigang itoy mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino. Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag ni Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio. Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa. Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na

Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Ngunit nakita ng kapitan si Padre Florentino at itoy inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na nakatatagpo ng balakid sa lahat ng dako samantalamg ang kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina Isagani? Tugon Marami nang kabiguang naranasan ang matatanda kabiguan sa sarili nilang mga pangarap at balak noong kanilang kabataan samantalang ang mga bata ay may maapoy pang damdamin na gatong sa kanilang mga balak at adhikain. Di pa sila nakararanas ng maraming kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong, umuunlad. 2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang mga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan? Tugon Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo. Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap lalaking matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan. 3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon? Tugon Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung pagsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila. Tugon Na kung si Padre Camorra at mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa pag-inom ng alak, titino sila ng kaunti at ang mga alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay mabanawasan kundi man maalis. (Ito kaya ay di tuwirang pangagaral ni Rizal ukol sa alak?) ilog? 4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng serbesa? Tugon Hindi. Itoy totoo para sa bayang malalamig ngunit di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta! 5. Ano ang tugon ni Isagani kay Simoun? 6. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? sa mumunti at watak-watak na Tugon Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino; pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapu-lapu hanggang kaina Diego Silang ay walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa Pilipinas. 7. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni Basilio? Tugon

Pagtutulugan ng tubig at ng apoy sa isang makina (steam engine). Pagtutulungan ng Pilipino at Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala. 8. Bakit pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun? Tugon Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin may apoy nga at may tubig ngunit walang makina. Walang makikitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila. 9. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio? Tugon Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa sa madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng lahat, pati si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan. Kabanata III Ang mga Alamat Buod Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan. Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo. Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Ditoy makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing lalo Pang nakaiinis ang pangrelihiyon. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta? Tugon Binatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo sa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay lumalapastangan sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.

2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas? Tugon Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan ang masasamang espiritu sapagkat walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga prayleng Kastilay walang katotohanan. Silay tulisang Kastila naman natatakot ngayon. Kabanata IV Kabesang Tales Buod Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle. Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal kot tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawat anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kayat di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawat mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, akoy bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siyay mapabalik; ngunit kung akoy matalo, di ko na kailangan ang anak. Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na napagaling ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog ni Basilio kay Huli. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit mahirap maging cabeza de barangay noon? Tugon Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang nagpapaluwal. 2. Ano ang ibig sabihin ni Kabisang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga nang ipanganak? Tugon

Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit. 3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab. Tales? Tugon Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti ang mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang masaklit ang lupa ni Kabesang Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Plipino. Bakit ka pa magsasakit na gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos? 4. Bakit matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa? Tugon Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon. Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal ngunit maaaring kumasundo sa isang sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal. 5. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siyay matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang anak? Tugon Kung matatalo siya sa usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang hangad ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain. 6. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle? Tugon Palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na siyay tiirisin lamang. 7. Bakit kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng mga tulisan? Tugon Noong unay walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siyay may baril noon at siyay magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at siyay balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos. 8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal? Tugon Ang pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinanay ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat ky Bathala o ang kaisipan natin na bahala-na? Kabanata V Ang Noche Buena ng Isang Kutsero Buod Gabi nat inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at itoy kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil. Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring

Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen. Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio. Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili ng kura. (Bakit kaya hikaw?) Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin. Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man. Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balitay ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago. 2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng matandang namatay. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang guwardiya sibil? Tugon Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil noon sapagkat di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaring maging pari na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si Haring Melchor. 2. Bakit naging kapani-paniwala sa mga mangmang na Pilipino noon ang alamat ni Bernardo Carpio? Tugon Ito ay pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko, dumating dito bilang tauhan sa isang awit o isang korido, at sa nilakadlakad ng mga taon ay ginawang katutubo at kinilalang hari ng mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng mga kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {sa Rizal} si Bernardo Carpio ngunit unti-unti nang nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas. Pagnakawala raw si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila. Kung isang katutubo o mga kura na rin ang nagsimula ng ganitong alamat ay di natin matiyak ngunit ay pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng mga Pilipino sa pamamgitan ng mga aral na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay nagtatamong kaluwalhatian sa langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito, nawawala o mababawasan ang paghahangad ng mga Pilipino na ihanap ng lunas ang kanilang mga kapihan. Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio, ng kanilang hari, at saka na sila magbabagon. Mga Tanong na Maaaring Talakayin Ang mga sibil ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng Hapones, higit daw na mahigpit magparusa ang mga Pilipinong naglilingkod sa garison kaysa mga Hapones na rin. Ang mga gerilyo ay

gumagamit ng maraming uri ng pagpatay na totoong nakapanghihilakbot. Noong kalaganapan ng kilusan ng Huk (1946-1956), ang mga pagpapahirap at pagpatay ng Huk at mga kawal na rin ng pamahalaan ay nakapangingilabot din. Bakit nagkaganito ang mga Pilipino? Ibatay ang tugon sa mga paglalarawan ng buhay sa Noli at Fili at sa ating mga ulat na pangkasaysayan. Makakabangon kaya tayo bilang isang lahi?

Kabanata VI Si Basilio Buod Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kayat paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon. Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina. Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat. Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niyay tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Nooy di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin itoy di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Ngunit isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa. Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pagaaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niyay pakaksal na sila ni Huli.

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal 300 hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo? 2. Ditoy inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago? Tugon Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siyay pinaghahanap pa rin ng bats sa likod

ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan). 2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng isang agnos na mamahalin? Tugon Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasay pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na ang bata kaysa mahawa. Ngunit noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang estudyante lamang ngunit masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin. Kabanata VII Si Simoun Buod Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang magalis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra? Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo poy isang taong mahal sa akin, kayoy ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ikay naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayoy natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ikay di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan. At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik. Ngunit sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika). Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Itoy pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagkat sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili

nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika. Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun: Kayoy nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan . Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Ngunit baka di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito. Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at silay bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayoy matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay! Nakahinga si Basilio. Aniyay di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyoy mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol. Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na di nauukol sa isang layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang gusali. Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng taoy mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito. Napailing si Simoun. Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad. Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Akoy dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon si Basilio. Ano ang mapapala ko kung silay ipaghihiganti? . Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian, tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, itoy kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Ngunit di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng: At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot

na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayoy mapalad na. Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang mag-uugnay sa mga Pilipinong may ibat ibang wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan natin ng isang pambansang wika. 2. Si Ibarra kailanmay di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang pagtatago niya sa mga guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre nang maganap ang habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at silay magkita ni Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago ngunit si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid na nag-aabang ng mamamana sa maysakit na Kapitan ngunit sa totooy upang makasagap ng balita ukol kay Maria Clara. 3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng kanyang paghihiganti a) Si Don Rafael b) Si Maria Clara c) Si Elias-pawang mga sinawing-palad ng lipunang nais niyang iwasak. Mga Tanong at Sagot 1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan ang labimpitong-taon? Tugon Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga pangyayari: a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang darating sa gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay isang mestiso na ngayoy siyang humukay sa lugal na pinagbaunan ng kayamanan. b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay kayumanggi. c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawa si Ibarra. Ngunit ang mestiso ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang hinabol at pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si Ibarra. 2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa loob ng 13 taon? Tugon Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba. May dumatingsi Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio. 3. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa ngunit sinigan ang bangkay ni Elias? Tugon Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na sunugin ang kanyang bangkay. 4. Ani Simoun ay nakabatid si Basilio ng dalawang lihim ukol sa kanya na maaaring magpahamak sa

kanya kung ibubunyag ng estudyante. Ano ang mga lihim na ito? Tugon a. Na si Ibarra ay buhay pa. b. Na si Ibarrat si Simoun ay iisa. Ito ay maaaring magpahamak sa kanya at sa balak niyang paghihiganti. 5. Bakit di pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim? Tugon a. Si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan. b. Si Basilio ay di makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil. k. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng inamin na rin ng estudyante-pagkapagamot ni Ibarra kay Sisa at pagkahukay ng pinaglibingan nito. c. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio. d. Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik. At sa kabataan ay si Basilio ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun. 6. Paano nakapang-aalipin ang isang wika? Tugon Kung ang wikang ito ay dating sa isang mananakop, ito ay nagiging sagisag ng kapangyarihan kayat ito ay pinaghahangaran ng mga sakop dahil katutubo sa tao ang maghangad na tumaas, o tumayog. (Itoy isa sa mga mikrobyo ng isipang-alipin o Colonial Mentality). Mamaliitin na ng dating sakop ang sariling kanya hanggang sa ito ay tuluyan naising inisin o patayin at buhayin at payabungin ang sa dayuhan. Mga aklat, babasahin, at sineng dayuhan ang kanyang pamumuhay sa pamumuhay ng dayuhan na nababasa at napapanood niya. Pananamit, pagkilos, pagkain, kasangkapan at iba pa. Pagsusulit-sulit: Dayuhan sa sariling bayan. Sa ngayoy alipin ng Ingles ang sangkapilipinuhan. Ang salitang imported ay ipinagmamalaki; ikinahihiya ang lokal. Payabangan sa mga ternong Amerikano na di angkop sa klima natin. Pagandahan ng kotse na di kayang gawin sa Pilipinas at gasolinay tiyak na sa angkat lamang daraan. Paglulupit-lupit: Ang ating angkat (Import) ay laging ibayong malaki kaysa lumalabas na paninda(Export) kayat unti-unting namumulubi ang bansa at ang kinabukasan ng ating mga susunod na salin ng lahi ay ating ipinaaanod sa baha ng kasalukuyan nating mga bisyo at di maiwasang hilig na masasabing buhat sa pang-aalipin sa atin ng wikang Ingles. 7. Ano ang kapuna-puna sa mga inilarawan ni Rizal na mga tauhang ayaw magsalita ng Tagalog at pangangastila ang pinag-iigi? Tugon Mga hindi mahusay magsalita ng kastila. (Donya Victorina, Donya Consolacion). 8. Bakit ayon kay Simoun ay hindi magiging wika na ng kapuluan ang kastila? Tugon Anya-ang kulubot ng kanyang isipan at mga pintig ng kanyang puso ay walang akmang katugon sa wikang Kastila. (Paano nga naman masasabi sa ibang wika ang ganito halimbawa: Huwag mong itapon ang lamang gugo at panghilod ng tabo na nasa sulok ng batalan. 9. Ang makabagong kaisipang ukol sa pandaigdig na pulitika ang ipinahayag ni Rizal noon pa man sa pamamagitan ni Basilio? Tugon Ang diwa ng Nagkakaisang Daigdig o United Nations. (Ani Basilio ay magiging maligaya lamang ang tao kung ang buong sangkatauhan ay ay ituturing nang mamamayan ng daigdig at ang magtatalumpati ukol sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ay ipalalagay na baliw o fanatico) Dahil dito masasabi nating isa si Rizal sa mga unang may diwang pandaigdig o internationalist. Malaki ang pagkakauna niya sa kanyang panahon. Kabanata VIII

Maligayang Pasko Buod Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo. Mga Tanong at Sagot 1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas? Tugon Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian. 2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito? Tugon a) maaga silang ginigising para magsimba; b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa); k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal; d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay. Kabanata IX Ang mga Pilato Buod Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda. Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales. Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siyay parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan. Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga. Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo. Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang prayle. Tugon Itoy kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak na lalaki na naging suwail kayat ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak na lalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay

nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na ito ng demonyo. Itoy naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling mga mangmang na magsasaka at nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga naman ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang oras upang mangumpisal kura at ang mga magulang na di susunod dito ay tutungo sa impiyerno. 2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng kabanata? Tugon Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako sa krus gayong batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao nasulsulan ng mga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing wala siyang kasalanan. Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si Hermana Penchang ng nagsamantala sa katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang manang na manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit nagsabing wala. Kabanata X Kayamanan at Karalitaan Buod Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Itoy nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may ibat ibang uri, ayos, at kasaysayan. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun. Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun. Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak. Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga itomarunong tumupad sa mga pangko. Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang

Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun? Tugon Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik. 2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril? Tugon Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik. 3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo? Tugon Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik. Kabanata XI Los Baos Buod Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagkat siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagkat maawain siya sa hayop. Ang totooy natutuwa siyat di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos. Nooy ika-31 ng Disyembre. Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagkat nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan. Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si Padre Fernandez. Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na. Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang kura. Ani Simoun: Akoy babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayoy di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi koy kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na

pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa. Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun. Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang 2 niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad. Gaya ninyo, ani Padre Sibylang nakatawa. Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan. Ika-11:30 na. Itinigil ng heneral ang laro at parunggitan. May kalahating oras pat manananghali na marami pa tayong suliraning pag-uusapan. Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon (sandatang pampalamuti sa salas). Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang patayin niyon. Laging sinasalungat ang heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli. Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. Ito ang nasunod. Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay-paaralan. Ani Padre Sibyla si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok. Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani. Anang heneral ay di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan pa sa Pilipinas. Sa susunod , dugtong pa nito, lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin. Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Kung linggo at pista lang lang daw ginagamit at pinakamaayos na gusali, ang mga sabungan. Kung simpleng araw daw ay nakatiwangwang lamang. Pinutol ng heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya. Isinunod ang balak na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ito ng pagpapasiya. Tinanaong ng heneral ang kawani Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang balak ng kabataan. Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita. Inisa-isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kayat mapanganib. Ipinagtanggol ni Padre Fernandez si Isagani. Ani Padre Camorra, ang binata ay bastos. Sa bapor da ay itinulak niya at siyay itinulak din nito. Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may taga- tangkilik na isang kondesa kayat di ito pinag-usapan. Isinunod si Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon kay Padre Irene. Tahimik daw at may pinagmulang si Padre Salvi ang higit na nakaaalam(ngunit wala si Padre Salvi.) Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may ama itong napatay sa isang paghihimagsik. Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng heneral. Tumutol ang kawani. Ipinagtanggol ang kabataan. Tumango sina Padre Fernandez, Padre Irene at Don Custodio. Tumutol si Padre Camorra: Ang mga Indiyo ay di dapat matuto ng kastila at pagnatuto ay makikipagtalo sa mga kastila. Ani Padre Sibyla: Hindi pinag-uusapan dito ang pagtuturo ng kastila: dito ay may isang lihim ng paghahamok ng mga estudyante at ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Pag nasunod ang kanila, natalo kami

(mga Dominiko), yayabang ang mga iyan at tuloy-tuloy na. Pagkatapos naming bumagsak, isusunod nila ang Pamahalaan. Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko: Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang-ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin sila, tayoy di nila kailangan. Ngayoy mahina ang bayan. Ngunit bukas-makalaway lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa sila sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita. Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian. Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko. Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. (Basahin ang pagkapatapon sa mga Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.) 2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral? Tugon May kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon. 2. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral? Tugon Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa pa. 3. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral? Tugon Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan. 4. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan? Tugon Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay. 5. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna ngunit dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon? Tugon Ang sabong Samantalang ang mga sabungan noon ay magagarat malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki ngunit ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsay maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang pangangailangan.

6. Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito? Bakit? Tugon Nais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang wikang Kastila sukdang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping kastila ay napapakatangi- tangi sa hiling na ito. 7. Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng kabataan? Tugon Si Padre Fernandez ay naiiba sapagkat siyay matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan. Kabanata XII Placido Penitente Buod Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya. Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi. Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siyay tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba. Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra. Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noonh lamang papasok ang kuba. Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon. Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez. Nang hingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag-aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan. Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Ngunit may tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Ngunit sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad. Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siyay mapuna at makilala ng kanyang guro. Silay may mahigit na 150 sa klase. At siya ngay napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin. Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa Intramuros-Letran at Ateneo. 2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon. Ateneo Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno. Letran Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat. UST Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala. Paaralang Normal Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat. 3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral? Tugon Apat na taon nang siyay nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siyay walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siyay matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan. 2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente? Tugon Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa. 3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban kay Huli?) Tugon Tinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay maipabibilanggo o maipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga na totoong nangyayari. 4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din? Tugon Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli. 5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon? Tugon Karamihan nooy walang natutuhan dahil: a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST. b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante. k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante. d. Madalas ang araw na walang pasok. Kabanata XIII Ang Klase sa Pisika Buod Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang

bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan. Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika. Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila. Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalagay ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante. Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon? Bulong ni Pelaez: Bibingka! Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siyay murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro. Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido. Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama? Iyan ang sabi ng aklat,Padre? Ang tinggang puti ba ay kalaing? Sabi po ng aklat. Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre? Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase. Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kayat sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kayat labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon. Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido. A pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro! panunuya pa ng Pari. Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka ngunit wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam . Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.

Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Padre Millon: a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura. b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. (Siyay di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at itoy umiinog at umiikot sa araw.) k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro. d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.) e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag. g. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit sampay-bakod na kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase? Tugon Wala siyang paggalang sa mga tinituruan na ipinalalagay niyang mga tanga lamang. 2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang matutunguhan ang mga estudyante? Tugon Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga halimbawat paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga pisara ay di ginagamit. Dooy may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero nay di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika. 3. Ano ang masasabi natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo? Tugon Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro kundi dapat ay may malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa isignaturang itinituro d.) ang maraming bakasyon ay nakakatabang ng pagaaral at nakahihikayat sa pagliban. 4. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata? Tugon Siyay naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayot mapayapa. Hanggat maaariy nagtitiis tayo lamang sa gulo. Ngunit kung tayoy napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan. Kabanata XIV Sa Bahay ng mga Mag-aaral Buod Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali. Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino. May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila

laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan. Mga Tanong at Sagot 1. Sino si Sandoval? Sagot Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila. 2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez? Sagot Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan. 3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento? Sagot Sila ay mapagkumbaba. Kabanata XV Si Ginoong Pasta Buod Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pagaari kayat kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito. Mga Tanong at Sagot 1. Sino si Ginoong Pasta? Sagot Isang bantog na mananaggol ng Maynila. 2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta? Sagot Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani? Sagot Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan. Kabanata XVI Ang Kasawian ng Isang Intsik Buod Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki. Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng

pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutong ng mga pari, ay pinaguusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga? Sagot Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas. 2. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun? Sagot Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral. 3. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso? Sagot Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki. Kabanata XVII Ang Perya sa Quiapo Buod Maganda ang gabi. Ang peryay punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani namay inis sa bawat tumititig kay Paulita. May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan silasila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito. May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorray natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyot ang lahat ay sa salamin lamang. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at iba pa.2. Nooy Enero. 3. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa espinghe ni Mr. Leeds. Mga Tanong at Sagot 1. Anong kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang ito? Tugon Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal.

2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Filipina? Tugon Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism): matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa pamahalaan.) Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga dinarakip ng guwardiya sibil. Ngunit ito man ay di nasakyan ng matatalinot magagaling na pangkat nina Ben Zayb. (Nasakyan naman kaya ito ng mga indiyo? At sino ang nakaisip ng gayong mga larawan sa perye?) Kabanata XVII Ang mga Kadayaan Buod Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita. Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito. Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng TagaEhipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle. Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim. Mga Tanong at Sagot 1.Bakit hinimatay si Padre Salvi? Sagot Dahil sa takot sa tinawag na ulo. 2. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis? Sagot Kay Ibbara. 3. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni Imuthis? Sagot Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal. Kabanata XIX

Ang Mitsa Buod Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo. Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog. Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig paguundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido. Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila. Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ina`t nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay. Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago magaral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle. Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong. Napatulog siya sa magaalaha. Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido. Kinainisan sina Simoun at Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro. Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido. Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun. Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti. Nilalagnat noon si simoun. Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi nito. Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya ukol sa balak na paaralan ng kabataan. 2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay?

3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito? 4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng Maynila o suburbs na noon ay mabugat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.) na binubuo ng : A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti; B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng paghanap ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan; K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas; D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil. Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon) at maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral? Tugon Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon. 2. Ano ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala nga ngitngit ng kanyang paghihiganti? Tugon Ang himagsikang tulad ng naganap noong 1872 na kinasangkutan nina P.Burgos. makikita ritong ang diwa ng 1872 ay nananatiling buhay sa isip at damdamin ng mga Pilipino pagkatapos noon. Umaasa sila sa muling pagsabog ng malaking himagsikan. 3. Bakit napatapon ang dating guro sa San Diego? Tugon Ninasa niyang makapagturo nang mabuti. Naging kalaban niya ang simbahan at ang pamahalaan na sadyang ayaw na ang mga indiyo ay matuto ng husto. 4. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma? Tugon Ity nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle upang mapabilanggo hanggang magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti. 5. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun? Tugon Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun ay nasa bingit na halos ng kamatayan. 6. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara? Tugon Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nitoy nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Vlara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo. 7. Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni Elias? Tugon Ang dalawa`y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang

panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang nag-uudyok sa kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at makatarungan kundi payak na paghahangad ng paghihiganti. 8. Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasn ng kanyang ina? Tugon Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunway payag na siya sapagkat batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kayat wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan. 9. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun? Tugon Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay Maria Clara. Kabanata XX Si Don Custodio Buod Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang Buena Tinta. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag. Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid. Lumagay siya parang amot tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang ibay upang sumunod. Ang Pilipinoy ipinanganak upang maging utusan, kayat kailangang pagsabihang lagi na ang mga itoy sa gayon lamang ukol. Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat. Mga Tanong at Sagot 1. Paano nabigyan ng bansag na Buena Tinta si Don Custodio? Sagot Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kani-kanino. 2.Paano siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin? Sagot Sa tulong ng salapi ng kanyang mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga paggawa ng pamahalaan. 3. Ano angpalagay ni Don Custodio sa mga Pilipino? Sagot Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan. Kabanata XXI Mga Anyo ng Taga-Maynila

Buod Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok. Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Itoy si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahabat hanggang tuhod. Siyay si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil. Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento. Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala namay sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista. Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari. Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay magamerikana at sa wariy umiiwas mapuna. Anya: Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa. Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido. Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga ay naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok. Ani Camarroncocido: Doon ang heneral dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan! Ngunit anio sa akin? Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasasbi ng mgsa kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibigat kakilala niyang malalaking tao kahit di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo ngunit di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio. Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo. Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw, nang dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan. 2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Itoy nagpapahiwatig ng mga mananayaw na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-sipa sa itaas ang mga paa. Mga Tanong at Sagot 1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni Camarroncocido?

Tugon Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan ngunit di isinusuplong sa mga maykapangyarihan sapagkat wala namang tuwiran o biglaang samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Ngunit sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro). 2. Paano nahati sa dalawa ang lipunan sa Maynila? Tugon Dahil sa mahigpit na pagtutol dito ng mga prayle, lalo na si Padre Salvi, at sa pagsang-ayon dito ng mga taong pamahalaan, napukaw ang pansin ng mga taga- Maynila. Nangagtanong sila kung bakit ipinagbabawal ito ng simbahan? Lahat halos ay ibig manood: Una, iyong ibig manood upang malaman kung bakit bawal; at ikalawa, iyong ibig manood kung bakit dapat ipagbawal. Kung hindi ipinagbawal ng mga prayle, hindi dadami ang manonood. Ito ay isang magandang paglalahad ukol sa tinatawag na ban o pagbabawal sa pagbabasa sa isang aklat. Dahil ipinagbabawal ang Noli at Fili, noon, halos lahat ng marunong-runong bumasa ng Kastila noong panahon ni Rizal aaaaay nagnais makabasa ng mga nobelang ito. Ipinagbawal ng simbahan ang Pride of the malay Race ni Rafael Palma. Ito ay naging mabili. Kapag nilalagyan ng For Adults Only ang paskil ng palabas sa sine lalo itong pumapasok;ipinagbabawal ang isang sine, ito ay dudumugin ng tao. Dahil sa itoy katutubo sa tao ang pagtanggi sa pagbabawal. Bawalan mong hipuin ang isang bagong kapipintang bagay sa paglalagay ng pansin na Huwag Hipuin .Sariwang Pintura, at ito ay mapupuno ng mga bakas ng daliri ng mausisa. 3. Sino-sino ang mga taong napuna ni Camarroncocido sa dilim sa paligid ng dulaan? Tugon Mga tauhan ni Simoun. Ang mga kawal ay pinagsabihan niyang ibig ng Kapitan Heneral na magkaroon ng gulo upang mapigil ang pagbabalik nito sa Espanya at di kaagad matapos ang panunungkulan nito sa Pilipinas. Sa makatuwid sumalakay man ang mga kampon ni Kabisang Tales ay aakalain ng mga militar na iyon ay bahagi lamang inihandang pagkakagulong sa kagustuhan ng Kapitan Heneral. At ang haharapin ng mga kawal ay hindi ang mga tulisan kundi ang mga manong na magtatanggol sa mga prayle. Ditoy gagamitin ni Rizal ang theory ni Machiavelli: Paglaban-labanin mo ang iyong nasasakupan at silay madali mong mapaghaharian. Kung magpapatayan ang mga marinero at militar laban sa mga manong at confradia magiging malaya ang pangkat nina Kabesang Tales at ang mga mamamayan sa pagsasalakay sa nais nilang salakayin. 4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo? Tugon Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa nalalapit niyang pagsusulit. May tiket para kay Basilio. Itoy ipinagamit nina Isagani kay Tadeo. Kabanata XXII Ang Palabas

Buod Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral. May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo. Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao. Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan. Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kayat di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan. Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal. Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig. Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si Serpolette. May pumalakpak sa una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa. Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao. Wikang paismid: Ang mga ungas! Akala moy marurunong ng Pranses. (Tama naman.) Si Juanitoy nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Espaol. Kapag nagtawa ang mga taoy nakikitawa siya. Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaa. Inubo nang masasal si Juanito. Sinigawan siya. Paalisin ang tisiko. Nais awayin ito ni Pelaez. Nakilalang si Don Custodio iyon. Natakot ang binata. Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita. Lalong humanga si Donya Victorina kay Pelaez. Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi artista, di marunong umawit. Napag-usapan ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses . Dumating si Makaraig mula kay Pepay. Malungkot. Nag-usisa ang lahat. Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Sinang-ayunan nag paaralan. Ngunit itoy ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas, sa pamamahala ng mga Dominikano. Kung gayoy mga kabesa de baranggay tayo, ani Tadeo. Hinagisan ni Pecson ng maruming medyas si Sandoval. At ang masakit ayon kay Makaraig ay ipinayo pa ni Padre Irene na ipagdiwang ng mga estudyante ang tagumpay nila. Ani Pecson: Sigi, magdiwang tayo sa isang pansiteryang paglilingkuran ng mga Intsik na hubad! Pinagtibay ang balak. Hindi na hinintay ng mga estudyante ang ikalawang yugto ng opereta. Nagsialis sila sa gitna ng alingasngas ng buong bulwagan. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno. Itoy hindi oras Pilipino. Nagaya lamang ito ng ilan sa ating totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin nang may tatlong daang taon. Ang manonood, makikita sa ano mang palabas, ay maagang nagsisidating. Tanging panauhing pandanmgal ang huling dumarating at ito ay ipamamata nang oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay ipaari sa maraming hindi naman gumawa niyon. Ang tunay na oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa sumikat ang araw at wala pang nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng bukid ang magsasaka,

nakasulong na sa dagat ang mamamalakaya. Ibando mong may pasine sa liwasan sa ika-8 at ika-6 pa lamang ng gabi ay marami nang naghihintay na bata at matanda sa pagpapalabasan. Pag sinabing orasPilipino itoy mga minuto o oras na una kaysa takdang tipanan. 2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at tagapagtaguyod ng paaralan ay di pumansin sa pagkakatuwa at pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki niyang panibugho at galit kay Paulita. Ito ring damdaming ito ni Isagani ang sisira sa tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli. 3. Hindi magkasama sa palko sina Don Custodio at Pepay. Mahalay para sa Don ang makitang kasama ang mananayaw. 4. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri ng manonood na di dapat natatagpuan sa dulaan. Wala siyang nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan ng kanyang pinapanood. Si Juanito Pelaez naman ay halimbawa ng isang ungas na ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses) na lalong nagpapatingkad sa kanyang katangahan. At sina Paulita at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga na nakipatol sa nagdudunung-dunungang si Tadeo. Silay parang mga bulag na napapaakay sa kapwa bulag. 5. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-dunungan. Siyay mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa sapagkat siyay manunulat at manunudling (columnist). 6. Usapa ni Padre Irer at Serpolotte nang makita ng babae ang kura sa karamihang nagsilapit sa artista. Sinunggaban sa bisig si Padre Irene at: S-Naku, lapit, lapit dito, aking kuneho (pet o alaga). I-Huwag kang maingay (nagnasang lumayo). S-Bakit? Ikaw na higante rito at akong sumasamba sa iyo. I-Huwag kang maingay rito, Lily akoy isang Papa rito. Si Serpolette pala at si Padre Irene ay dati nang magkakilala sa Europa pa lamang. Si Padre Irene ay isang lalaking makamundo. Ayon sa isang palasaliksik na naging propesor ko, si Prof. Teodoro A. Agoncillo, si Padre Irene ay hinuwad ni Rizal sa isang hudyo na nagpapanggap na pari at nakapagturo pa sa UST. Nang may malaking halagang napailalim sa kanyang pag-iingat, siya na di naman talagang pari at kalaban pa nga sa pananalig (Hudyo) ay nawala. Sinasabing bumalik sa Europa at nagbuhay Don Juan doon. 7. Punahin ang wika ni Donya Victorina nang mapg-usapan ang mabait at salbaheng utusan sa pamaling pagsasalin ni Juanito: At akong naniniwalang sa Europa ang lahat ay mababait! (Isip-alipin talaga) Mga Tanong at Sagot 1. Bakit masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang balita para kina Makaraig? Tugon Isa siyang tanga. Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na akala niya ay sangayon sa paaralan kayat ikatutuwa nina Makaraig 2. Kaganinong palko ang walang tao na nkita ng babaing namayagpag sa pagdating niya ngng hulisa lahat? Tugon Kay Simoun. 3. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas? Tugon Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni Juanito.) 4. Bakit hinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval? Tugon Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng paaralan ng kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating ang balak nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag nabigo ang mga Pilipino, siya na isang kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na iyon. Ang medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang

paghamon kay Sandoval na magsabi ng totoo sa kanyang salita. 5. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan? Tugon Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantalang ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan? E, di papasukin na rin lamang nila sa unibersidad ang sino mang nais mag-aral kahit hindi matuto. Kabanata XXIII Isang Bangkay Buod Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may ibat ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante. Si Basilio ay dir in nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging mahirao pakiba-gayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsay nilalait. Pabigat nang pabigat ang karamdaman nito. Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa paaralan siyay may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pagaalaga. Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun. Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan liban sa pama-halaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod. Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara. Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siyay hirap na hirap ditto at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos na ang hirap niya? Sagot May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang mabahiran ng maruming kahapon. 2. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas? Sagot Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang maglagot ang bayang

Pilipinas. 3. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik? Sagot Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni Simoun na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa. 4. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay si Elias, ay isa sa mga tututol? Sagot Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Itoy ginawa lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layuninang maka-paghiganti at mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento. 5. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago? Sagot Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng maraming apyan ang may sakit; tulad ng pagpapalala ni Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad sa lalong madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago dahil nagawa niyang siya ang mapamanahan ng lahat ng ari-arian ng matanda. Kabanata XXIV Mga Pangarap Buod Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Pany raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa. Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niyanakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at Natiyak niyang ang kulang ay si Paulita Ngunit ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng tren. Pinaghambing ni Isaganisa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galling sa digma. Sa huliy ni walang pumapansin. Ngunit kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya. Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binata at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakit ang binata ang pinaghahanap na asawang Kastila. Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nagtatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kumg anot pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamagaral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy ng naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito. Kabanata XXV Tawanan at Iyakan

Buod Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labingapat sila, kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban! Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan silay pilit at may tunog ng paghihinakit. Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sanay si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha. Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang tortay inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabaghabag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit. Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin. May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral! Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante? Sagot Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang ipagdiwang ang pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol sa kaluwalhatian para kay Don Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam. 2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinu-sinoang mga kilala ninyo? Sagot Unay labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya naging labinlima. Labing-anim sana sila ngunit di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig, Tadeo, at Pecson. 3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: ang langit ay ipinipinid sa mayayaman, kayat sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na alaga ng Manunubos ay gumagawa ng ibat ibang uri ng mga lalang upang gampanan ang inyong mga kasalanan Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman? Sagot Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa simbahan. Kabanata XXVI Mga Paskil

Buod Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli. Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop ang binata na umuwi nat sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Ditoy may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko. Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na mapanghimagsik. May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre. Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral. Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayoy itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil. Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya. Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wal ng klase. Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila. Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon? May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon? Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon. Ngunit di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani. Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig. Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya: Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig. Nagkatinginan ang dalawang tanod. Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin .. Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabutit ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo. Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makarai. Sinabi ni Makaraig na maaasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.

Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital. 2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina. Licienciatura lamang ang pinagkaloob. Ngunit silay nakapanggagamot din.3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan noong bat pa siya. Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago? Tugon Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon. 2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin? Tugon Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil sa kapahamakang inabot dalawang araw na. 3. Sino ang nakakita ng mga paskil? Tugon Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor (Sibyla) at ipinadala sa pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na may kagagawan niyon. 4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy bangkay na ? Tugon Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang lalong makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang mga uwak at buwitre (vulture). 5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati? Tugon Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala ang ulo sa takot sa mga pangyayari. 6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil? a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi kaagad makakikilos ang mga kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga manong. Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya. Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo natagpuan, maaari pang si Simoun. Ngunit isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin. b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di nilagdaan ni Placido. 7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan? Tugon Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang malamang pinaghuhuhuli na ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si Basilio, sa akala ni Makaraig. Kabanata XXVII Ang Prayle at ang Estudyante

Buod Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata. Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Ngunit nanatiling nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamihay pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit walang makapagsalita nang tapatan o harapan. Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pai ang ibinubunga ng gayong paratang. Baliw ang sino mang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagkat siyay magtitiis ng pag-uusig, ani Isagani. Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani. Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya ang katedratiko. Ngunit di tayo maguusap dito ng ukol sa ating sarili kayat ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa. Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga ngunit di raw gaya ng katedratiko ang ibang prayleng Domoniko. At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle. Binabawasan hanggat maaari ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpatay sa sigla at sigasig ng magaaral. Walang inihahasiksa amin kundi mga kaisipang luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Parang mga bilanggong gobyerno ang mga estudyante. Salat na salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo sa pagkaing inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain. At sinabi ni Isagani na parang may sabuwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang mga ito. Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani. Hindi, Padre, ganti ni Isagani. Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagkat baling araw ay magpapahayag kami ng paglaya. Itoy pagtanggi na ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan. Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang, anang Pari. Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon. Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mgawalang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira siyay napakatanga marahil. O masama at marumi ang putik na ginagamit? Kung gayoy higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niyay patuloy pa sa pagtangap kabayaran.. at di lamang hangal , mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang. Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyonpagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura: Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo Kamiy napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at sa pamahalaan . Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang nag-uutos sa pagpapaputok ay masasabung siya na ring naglalagay ng balas a kanyon. Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan. Nangatwiran ang

katedratiko. Ang ibig kong sabihiy may mga batas na mabuti ang layon ngunit masama ang ibinubunga. Upang maiwasan ang isang pagdaraya ay nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng mga mamamayan. Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pagaralan ng mga tao kung paano ito madaraya. Ngunit nalalayo tayo tayo sa paksa Kaya sasabihin kong ang masamang ugali ninyo ay di dapat isisi sa amin ni sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag n gaming kapisanan. Ang naghahangad magpatotoo ng lahat ay wala isa mang napatutunayan. Ang mga kapisanan ay nawalan ng pg-iingatdahil sa umaapaw na kasaganaan. Opo, may pumipilit na silay mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil itoy hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at kamangmangan. Kamiy inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo an gaming kahihiyan. Mga Tanong at Sagot 1.Ano ang ibg sabihin ni Isaganina walang ginagawa ang mga prayle kundi magrasyon ng kaisipang luma? Sagot Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle bukod sa kakatiting pa. Batid ito ng kabataan dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambing-hambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa panahon. 2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa pagtuturo sa mga Pilipino? Sagot Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man ginagawa ng Dominiko ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante. 3. Ang kahuluganng kasabihang latin na Vox populi ,vox dei ? Ipaliwanag. Sagot Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala. 4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna sa mga prayle ayon kay Isagani? Sagot Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagkat pag-uusigin. Kabanata XXVIII Pagkatakot Buod Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Itoy pinatunayan ng mga paskil. Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulburat bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi.

Ngunit di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan. Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit. Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kayat pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil nooy nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas. May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Anang isay sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Anang isa naman, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan. Kina Kapitan Tiyago. Unay ibinilanggo na si Basilio at naghaluhog sa mga kasulatan ng binata. Nayanig ang kahinahunan ni Kapitan Tiyago. Saka ngayoy dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anuanong mga nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Nagpilit bumangon. Ngunit di nakaya. Bumagsak na bumubula ang bibig. Patay na. Nasindak ang kura. Tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid. Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta. Nag-agawan ang mga bata. Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsimula na raw ang himagsikan. Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan. Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit. Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Isang bingi ang sinino sa Dulumbayan. Hindi ito sumagot. Binaril. Patay! Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan. Binaril na raw, anang pinagtanungan. Napadaing ang babae. Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo ang may tindahan. Natahimik ang babae. Luku-luko raw si Isagani. Kusa pa raw nagpadakip. Babarilin daw malamang. Walang anuman daw sa kanyat walang utang sa kanya si Isagani, anang ginang na may tindahan. Ano raw kaya ang gagawin ni Paulita. Baka raw pakasal sa iba, anang tumugon. Halos lahat ng bahay ay may mga nagrurosaryo. Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isay si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi. May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunway binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun. Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating. Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita. Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang palatandaan na takot ang mga prayle sa mga pangyayari? Sagot Ni isay walang sumipot sa tindahan ni Quiroga gayong may mga bagong dating na panindang nabibili ni (nang walang bayad) sa intsik. 2. Bakit ayon kay Ben Zayb ay nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas? Sagot Natututo raw na maging rebelde ang mga Pilipinong dumudunong. Iisa sila ng katuwiran ni Padre Damaso (Noli Me Tangere) 3. Ano ang balak ni Simoun sa mga baril at kartutsong ipinatago niya kay Quiroga? Sagot Ipamamahagi iyon sa mga taong bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik. 4. Bakit ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga? Sagot Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama rin ang kanyang loob sa mga pangyayari. Namatay si Maria Clara. Nasira ang balak na paghihimagsik. Mainit ang kanyang ulo. Kailangan niya ang mapag-isa , makapagisip-isip. Kabanata XXIX Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago Buod Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa. Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan. Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagkat ang pagkataloy kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit. Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot kay KapitanTiyago. Abito? Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma at binayaran niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit. Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita. Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni padre Irene Sa ganitong paraan nagkakamal ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na mayaman ay nangauulila maging sa pamana.

2. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang makakaparte. Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha? Tugon Itoy nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan; walang bawal-bawal. Ito riy nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari marahil na akoy makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng sabungan sa langit, ha? Kabanata XXX Si Huli Buod Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martit sa Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio. Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang nanisi rin sa binata. Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio.Tahimik ito. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si Tales. Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totooy di niya ibig ipatubos si Huli. Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Sa Pilipinas ay kailangan ang ninong sa ano mang pagkilos. Wala nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago kayat tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio o mabibitay wala mang kasalanan. Naisip niyang tulungan si Basilio. At may kung anong nagbulong sa kanya na patulong kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi ito ng pagpapasakit pa. Mula nooy iniwasan na ito ni Huli. Gayunman, may mga binatang binambo ni Padre Camorra nang mangharana ang mga iyon sa dalaga. May nangagsapantaha na ng di mabuti kay Huli ukol kay Padre Camorra.Pinarunggitan siya sa paglalakad niya. Mula nooy naging malungkutin si Huli. Minsay naitanong kay Hermana Bali kung nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siya sa impiyerno. Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Kaunting pabagsak lang daw at papayuhan na sila nito. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi patunguhin ang dalawang babae sa hukom pamayapa. Sa wakas ay nagpayo ang hukom: Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si Padre Camorra kung iibigin niya, sabay turo kay Huli. Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre Camorra ay tinaguriang Si Kabayo sadyang malikot sa babae. Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasakumbento. Wika ng hukom ay higit na mabisa ang pamanhik ng isang dalagang may mukhang sariwa kaysa mukha ng isang matanda. Nanaog ang dalawa. Nang nasa daan nay ayaw na naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre Camorra ay pinagbingihan ni Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling ama. Ngayon bay gagawin niya iyon dahil kay Basilio? Magiging isa siyang lusak. Maging si Basilioy mandidiri sa kanya.

May ilang nagparunggit na di siya papatulan ng kura. Maraming dalaga sa bayan. Aanhin nito ang isang taganayon lamang. At babarilin si Basilio! Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! Mga putok. Nakita ang ama. Si Basilioy naghihingalo. Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa mga estudyante. Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento, mangyari na ang mangyari. Ngunit nang mag-uumaga nay di rin siya nagtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw. Umasa si Huli sa isang himala. Gabi-gabiy di siya pinatulog ng mga pangamba. Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng lahat ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana Bali. Nagbihis ng pinakamahusay na damit. Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento si Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ni Hermana Penchang na mabuti nang napaalis niya si Huli? Sagot Hindi totoong pinaalis niya si Huli. Masama ang loob niya nang tubusin ni Basilio ang dalaga. Ayaw niyang kasamaan siya ng loob ng mga prayle. May kaunting katwiran siya. Nooy madaling madawit sa isang suliraning pampulitika at pangsimbahan at dahil dinakip si Basilio, at kasintahan ni Basilio si Huli, maaring madawit si Hermana Penchang na siyang pinaglilingkuran ng dalaga. 2. Ano ang hiningi ni Padre Camorra na kapalit ng pagtulong nito sa pagkapalaya kay Tandang Selo? Sagot Ang pagkababae ni Huli, ang puri ng dalaga na malaon nang pinagmimithian ng kura. 3. Bakit sa simula pa lamang ay alam na ni Huli na magiging kabayaran ni Padre Camorra sa paglaya ni Basilio? Sagot Tulad ng hiling ni Padre Camorra nang tulungang palayain si Tandang Selo ang katawan at puri ng dalaga. 4. Bakit nagtungo pa rin sa kumbento si Huli? Sagot Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang lumaya ang binata. Ikalawa, ang pagtiyak ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari. Kabanata XXXI Ang Mataas na Kawani Buod Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Unay si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio. Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.

Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito. Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanyay hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo. Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siyay uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor). Mga Tanong at Sagot 1. Bakit Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales? Sagot Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata. Parang lawin naman ang mga mata ni Kabesang Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan. 2. Sino ang unang nakalaya sa mga estudyante? Sino ang huli? Sino ang hindi nakaalpas? Bakit? Sagot Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lath ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig. Huli si Isagani dahil sa malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing pari. Si Basilio ang tanging naiwan sa kulungan. Wala siyang padrino o ninong na nagmalasakit. 3. Bakit nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani? Sagot Una, siyay isang taong marangal at may puso. Ikalawa, naniniwala siyang ang pagbibigay ng katarungan sa mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang Espanya. 4. Ano ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito? Sagot Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay naipakita ni Rizal ang kanyang kawalangpagkiling sa pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang masamng Kastila; Pinuri niya ang marangal at dakila. Kabanata XXXII Ang Bunga ng mga Paskil Buod Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kayay masaka. Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isaganiy sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon. Si Simoun ay mabuti nat ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan. Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula nooy madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng ibay pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita. Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Itoy ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang silay anyayahan sa piging.

Mga Tanong at Sagot 1. Anong pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan ? Sagot Pagkakatakot, pambayang pagkakatakot. 2. Ano ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin ? Sagot Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha ng pasaporte at nagtungo sa Europa at si Basilioay nanatili sa bilangguan. 3. Pano nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli ? Sagot Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan. 4. Bakit nalimot ni Paulita si Isagani ? Sagot Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya Victorina sa pagsulsul sa dalaga na limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang daigdig ni Isagani na tinagurian ni Paulita na rin, na mga pangarap samantalang ang kawalang isip at pagkamakasarili ni Paulita ay kataliwas sa pagmamalasakit ni Isagani sa ibang tao at sa bayan. Kabanata XXXIII Ang Huling Matuwid Buod Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral. Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw siya kay Simoun. Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio. Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sanay nagkatulungan na ang mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila. Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido nitroglisirina. Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na

kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nitoy mangungulimlim at kapag ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan. Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng pangangasiwa.Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan. . Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya ng tatlot kalahating buwang pagkabilanggo.Nais niyang maghiganti. Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang paniwala ng maraming mapamahiing Pilipino ukol kay Simoun at sa Kapitan Heneral? Sagot Si Simoundaw ay isang demonyong nagkatawang tao at siyang kumukubabaw sa Kapitan Heneral at nang-uupat sa huli sa paggawa ng kaimbihan. Kaya sa pag-alis ng Kapitan Heneral ay kasama ring aalis si Simoun. 2. Ano ang malaking ipinagbago ng anyo ni Simoun sa loob ng dalawang buwan Sagot Nawalan siya ng sigla dala ng malaking pag-aalinlangan sa katuwiran ng kanyang paghihiganti. Hindi tulad ng una, may layunin siya sa paghihimagsikpagbibigay ng bagong buhay kay Maria Clara. Ngunit ngayon ay wala na iyon. Isa na lamang payak na pagnanasang pumatay at magsabog ng lagim upang mabawasan ang matinding hapdi ng awa niya sa sarili na lagi niyang ipinagkakamaling para sa kapakanan ng bayang naaapi. 3. Bakit nasabi ni Simoun na nasa mga imbi natatagpuan niya ang kanyang mga katulong? Sagot Ang pinakamalaking tulong na nakuha ni Simoun ay mula sa imbing pamahalang sibil at sa simbahan. Ang kasamaang ipinakita ng mga ito, sa tulong na rin ng kanyang panunulsol, ay siyang lalong nagpabulok sa bayan., lalong naghanda sa bayan sa di-maiiwasang paghihimagsik. Nakatulong din niya ang imbing kawal dahil sa kanyang imbing pagsisinungaling na pagtangkilik kunwa sa imbing heneral. Naroon din ang mga imbing manong sa kanilang mga kamangmangan. 4. Ipaliwanag ang sinabi ni Simoun na kailangang baguhin ang lahi. Ang amang duwag ay magkakaanak lamang ng alipin. Sagot Ang ibig sabihin ni Simoun , hindi dapat magkaanak ang mga amang hindi sasama sa paghihimagsik niya sapagkat duwag ang mga itoat ang amang duwag ay mananatili sa pagkaalipin, samakatuwid , maging alipin din ang mga anak nito. Dahil dito,kailangang pagpapatayin ang lahat na ayaw sumapi sa himagsikan dahil ang mga iyon ay mga duwag na kailangang mamatay upang di magbunga ng marami pang alipin. Kabanata XXXIV Ang Kasal ni Paulita Buod Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani ngunit hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague. Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi

pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya. Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal. Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun. Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarangmagara ang bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok.Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo. Mga Tanong at Sagot 1.Saan naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan? Sagot Mababasa ito sa kasunod na kabanata. 2. Ano ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni Rizal? Sagot Ang tungkol sa pinturang larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago bilang kapalit ng mga inalis na mga santo. Baka raw pagkamalan siya na tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit ng larawan na wala naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga palamuting kromo dahil hindi gumagawa nang gayon ang mga Pilipino. 3. Ano ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun si Sinong? Sagot Lalong lumilinaw na may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapiit ni Basilio. Si Sinong ang laging dumadalaw sa estudyante sa bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na ang ukol kay Huli.Ang tangang si Sinong , sa sariling kusa, ay hindi makapangahas dulaw sa bilangguan ng isang maymalaking pagkakasalang tulad ni Basilio. Maari siyang idawit ng mga may kapangyarihan. Ang pagdalaw niyang iyon ay isang misyon para kay Simoun upang dagdagan ng pait ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng ngitngit ang isip nito at damdamin. Kabanata XXXV Ang Piging Buod Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi ngunit wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran ngunit di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan. Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan. Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Ngunit siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip. Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Akoy may utang na loob sa kanya; sa

kanilay wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Akoy nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. Ngunit nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio. Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahy. Ngunit hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin! Mabilis ding lumayo si Basilio. Ngunit may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio. Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito. Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat. MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot sa takot. Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro. Ngunit nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi . Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan. Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog. Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang kahulugan ng Mane Thacel Phares? Tugon Tuald ng pamagat na Noli Me Tangere, ito ay hango rin sa Bibliya, sa Lumang Tipan, Daniel, Kapitulo 5, bersikulo 25-28. Ayoin dito, ang Haring Belshazzar ng Babilonya ay nagdaos ng isang malaswan pagtitipon. Samantalang nagkakatuwa sa kalaswaan ang mga tao ay nakita nila ang isang kamay na buong hiwagang sumusulat sa pader ng: Mane, Mane, Thacel, Upharsin , isang babalang nagsasabing Tinakdaan na ng Diyos ang Babilonya at nabibilang na ang mga araw ng kahariang ito. Di nagtagal at ang Babilonya ay sinakop ng ibang kaharian at pinaghatian ng mga Mane at mga Persiyano. Sa kabanatang ito, ang pakahulugan marahil sa isinulat ni Ibarra o Simoun ay: Hinukuman na na ang paghahari ninyo rito at napagpuang nagkasala at kayoy nahatulan ng kamatayan. 2. Kangino naianyo ni Basilio si Simoun samantalang dala niyon ang ilawan ng kamatayan? Tugon Sa isang demonyo o kay Satanas na naliligid ng apoy. 3. Bakit si Padre Salvi lamang ang nakakilala sa lagda ni Ibarra? Tugon

Siya lamang ang nakakita na ng lagda ni Ibarra sa sulat ng binata kay Maria Clara na ibinigay sa kanya ng dalaga bilang kapalit ng 3 liham ng ina nito kay Padre Damaso. Ito ay kaniyang hinuwad sa mga kasulatang nagdawit kay Ibarra sa himagsikang kagagawan nila ni Lucas. 4. Bakit di sumabog ang ilawan? Tugon Hindi nagalaw ang pihitan ng mitsa na siya sanang magpasabog sa lalagyan ng nitroglisirina. 5. Paano nakapasok sa nahay si Isagani? Tugon Maayos ang kaniyang bihis. Inakala ng mga tanod na siya ay isang panauhin. 6. Sino ang kumuha ng ilawan at naghagis noon sa ilog? Tugon Si Isagani. 7. Bakit hindi nakita ni Basilio si Isagani sa bahay ng huli nang kanyang paroonan ang kaibigan? Tugon Tulad ng di iilang nabigo nang napakapait sa isang tapat at matinding pag-ibig, si Isagani marahil ay nagtungo sa isang lugar na mag-isa ay malaya siyang makapagmumuni-muni ukol sa kanyang kalagayan. Saka siya nagtungo sa pagdarausan ng piging upang makita man lamang si Paulita sa mga huling sandali nito sa pagkadalaga. Kabanata XXXVI Mga Kapighatian ni Ben Zayb Buod Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral. Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari. Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob dawn g maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan. Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan. May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabiy kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan Ang ibay nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob. Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Ngunit si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya . Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit daw ayon kay Ben Zayb, nagtungo sa ilalim ng mesa si Padre Irene nang pumasok ang umagaw

sa ilawan ni Simoun? Sagot Para raw mabilis at walang sagabal na mahabol ang di kilalang tao. Ang totoo: para magtagodahil sa takot. Doon niya nakita ang mga balutan ng pulbura sa ilalim ng mesa. 2. Bakit daw hinimatay si Padre Salvi? Sagot Dahil daw hindi nagbunga ng mabuti ang mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa pagpapakabuti, may mga indiyo pang nagiging pangahas at masama. 3. Ano pa ang ibang laman ng balita ni Ben Zayb ukol sa handaan sa kasal nina Paulita at Juanito? Sagot Pawang pagpuri sa kagitingan at katapangan ng mga Kastila - taong pamahalaan mula sa Kapitan Heneral hanggang sa mga prayle. 4. Ano ang naging parusa kay P. Camorra dahil sa ginawa niyang paghalay kay Huli sa Tiyani? Sagot Inilayo siya. Pinapagpahinga siya sa bahay-liwaliwan ng mga prayle sa Pasig. Higit na paglalayo lamang sa kanya sa kapahamakan ng paghihiganti, lalo na ni Kabesang Tales, ang gayon kaysa isang pagpaparusa. Kabanata XXXVII Ang Hiwagaan Buod Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan. Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito. Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani. Ngumiti lamang si Isagani. Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon. Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi. Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si Simoun. Nagtaka ang lahat. Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan. Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang itoy pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao. Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuoy namamatayan ng ningas. Nagpayot dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang magpapasiklab sa pulbura. Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Ngunit nang makita ang kasintahang si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang nagsabi: Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat!

Nag-antanda sa takot ang lahat ng matanda at babae. Lumapit si Momoy kay Isagani. Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang kalagayan! Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang amain. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit pinapagtatago ng mga kasamahan si Isagani? Tugon May hinalang siya ang naglagay ng mga pulbura sa bahay ni Kapitan Tiyago upang paghigantihan si Juanito. Itoy hindi totoo. Napatunayan ding si Simoun ang may kagagawan niyon. 2. Bakit hindi nailihim sa sambayanan ang kaguluhan sa bahay ni Don Timoteo at ang kaugnayan dito ni Simoun? Tugon May mga manggagawa, mga kawani sa pamahalaan, nangakakitat nagakasaksi sa mga pangyayari sa gabi ng hapunan at nang magtanggalan na ng mga gamit sa piging. May pakpak ang balita; may tainga ang lupa. 3. Patunayan na si Isagani ang kumuha ng ilawan at nagtapon nito sa ilog. Tugon (a) Siya ang huling kausap ni Basilio na tanging nakababatid ng layunin ng ilawang iyon. Ang hindi niya naisisip ay ang layunin ni Simoun sa pagpapasabog sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang tanging nasa isip niya nuon ay si Paulita. Si Isagani ang pumasok sa bahay nang makaalis na si Basilio. (b) Sa salita na rin niya na kung ang magnanakaw ay nakababatid lamang ng layunin ng pagsabog ng ilawang iyon o kung makapaglimi lamang ito ng bahagya . Hindi sana ginawa ng ginawa ng magnanakaw na iyon ang gayon! At sa salita niyang Pantayan man ako ng kahit ano ay di ako lalagay sa tayo ng magnanakaw! ay isang paghihiwalay niya sa katauhan ng lito at baliw sa pag-ibig na Isagani at ng Isaganing nagsisisi at nalason na ng poot at pait ng pagkabigo at paghihiganti. Sa katauhan niya ngayon, ang ibig sabihin ni Isagani, ay hindi niya gagawin ang kanyang gingawang pagkuha sa ilawang iyon. Kabanata XXXVIII Kasawiang-palad Buod Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan. Siyay pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani, nanunog, nangulimbat. Ngayoy sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa Tayabas, pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga habol sa kanya. At sa kawalangkaya ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan ay mga magsasakang walang sala ang kanilang dinarakip. May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang sombrero at nakayapak. Ang pawis nilat alikabok ay nagpuputik sa kanilang mukha ang magkahalong poot at kawalang pag-asa. Ni hindi nila mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa kanilang mga mata. Kung may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat at ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo. Sumisigaw ang nabuwal na patayin na siya. Umiiyak. Parang bata. Isinusumpa ang oras ng kanyang pagsilang. Nilalait pa sila ng mga guwardiya sibil. Ngunit may isang sibil na tutol sa gayong pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa: Hoy, Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa!

Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino patuya pang tugon ni Mautang. Ano ba ang ginagawa ninyo sa mga bihag ng digma? Pinakukundanganan namin. Tugon ni Carolino: Mangyariy kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga itoy mga kababayan natin! ganti ng mapagpahirap. At bumubulong kay Carolina: Ginaganyan natin iyan upang lumaban o tumakas at nang barilin na lamang natin. Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi marahil at nakiusap na payagan muna siyang makatigil nang sandali. Di siya pinayagan. Mapanganib daw ang lugal na iyon. Naliligid sila ng bundok. Higit kang malupit pa kaysa mga Kastila, anang bihag. Isang putok nang narinig. Gumulong-gulong si Mautang tutop ang dibdib na nilabasan ng dugo sa bibig Alto! Sigaw ng kabong putlang-putla. (matatapang lamang sa walang laban). Isang putok pa at ang kabo naman ang tinamaan sa bisig at namaluktot sa sakit. Itinuro ng kabo ang mga bilanggo. Fuego! sigaw niya. At ang mga bihag ay pinagbabaril. Saka pa lamang lumaban ng putukan sa mga nasa batuhan sa bundok. Ang mga nasa batuhan ay tinayang may tatatlong riple lamang. Lumusob ang mga sibil. Ang unang umakyat patungo sa pinangungublihan ng mga di kilalang kalaban ay gumulong-gulong na pababa. Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong pagpapatama! pasigaw na wika ng kabo. Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang talampas. Nagwawasiwas ito ng baril. Paputukan! sigaw ng kabo kasabay sa pagmumura. Tatlong kawal ang nangagputok. Patuloy na may isinisigaw ang lalaki. Hindi siya mauunawaan. Natigilan si Carolino. Parang nakilala niya iyon. Tinutukan siya ng baril ng kabo. Ipinagbabaril sa kanya ang lalaki. Tumalima si Carolino. Gumulong at nawala sa talampas ang lalaki. May isinigaw ito. Natulig si Carolino. Parang nagsitalilis ang mga nagtatago sa itaas. Lumusob ang mga sibil. Isa pang lalaki ang lumitaw, sa talampas. Iniamba ng lalaki ang sibat. Pinaputukan siya ng mga kawal. Nabulid ang lalaki. Ang unang umabot sa kaitaasan ay may dinatnang matandang lalaking naghihingalo. Binayuneta ito. Di man lamang kumurap ang matanda. Nakatingin kay Carolino. Nakaturo ang daliri sa likod ng talampas. Gulilat at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang matanday ang ingkong niyang si Tandang Selo. Nakita niyang ang mga nanlalalim na mata ng matanda ay mga salamin ng matinding hinanakit. At nang mamatay ito ay patuloy na may itinuturo sa likod ng talampas. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Noon pa man ay isa nang parusahan o tapunan ng bilanggo ang Siberya sa Rusya. Ayon ka Rizal, ang kalamigan ng Siberya ay mainam pa marahil kaysa parusang tinatanggap ng mga dinarakip ng mga sibil gapos na pinalalakad nang walang pandong at walang sapin sa paa sa kainitan maalikabok na lansangan sa kaparangan kasaby ng mga paglait at paghagupit. 2. Ditoy inilalarawan ni Rizal di lamang ang katangahan ng mga sibil kundi ang kanilang kalupitan sa mga kababayan. Basahin ang sinabi ng sibil ka Tano kung bakit daw pinagmamalupitan nila ang mga bihag. At ang wika ng bihag sa sibil: malupit ka pa kaysa sa mga kastila. Katutubo kaya sa atin ang ganitong kalupitan? Makatutukoy ang mga kalupitan ng Pilipino noong panahon ng Hapones. 3. Ang mga guwardiya sibil, liban sa mga puno nito ay karaniwang mga Pilipino rin. (Ang bumaril kay Rizal ay isang pangkat ng mga sibil na Pilipino.) 4. Si Tano, tulad ng hula ng marami, sa simula pa lamang kanyang pagkakawal ay naging guwardiya sibil. Matapos ang kanyang paglilingkod sa Carolinas ay nagsibil na siya at tinawag siyang Carolino o galing sa Carolinas. 5. Ang kabanatang ito ay maihamahambing sa kabanatang Noche Buena sa Noli Me Tangere sa taglay na damdamin pagkikita ng matagal na nagkawalay na mag-anak na humantong sa trahedya. Sa kabanatang ito ay may parikala o irony ng Tadhana. Si Carolino o si Tano na rin ang nakapatay sa kanyang ama, kay Kabesang Tales.

Mga Tanong at Sagot 1. Bakit pinatay ni Matanglawin ang hukom sa Tiyani? Tugon Ito ang humatol na pag-aari ng mga Dominiko ang lupain ni Kabesang Tales. 2. Bakit naging mapanagumpay ang panunulisan ni Kabesang Tales? Tugon Walang pananggol ang bayang hindi pinagkatiwalaan ng sandata. Walang ginagawa ang mga tao noon kundi umalis sa kanilang bayan at pabayaan ang kanilang mga bukid at kabuhayan sa sandaling mabalitang sumalakay si Kabesang Tales sa malapit na bayan. (Ganito rin ang nangyari ngayon. Ang mga mabuting mamamayan ay sumusunod sa utos na bawal ang pag-iingat ng baril. Samantala, hindi masamsam ng pamahalaan ang mga baril ng mga gangster at mga tulisan, kasama rito ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon, kayat ang mga mamamayan ay laging nasa anino ng lagim at pangamba sa mga sandatahang pangkat na ito.) 3. Anuo-anong ang ibinunga ng panunulisan ni Kabesang Tales? Tugon Tulad ng nais mangyari ni Simoun, ang bnayan ay lalong naging lugami. Natitiwangwang ang mga bukirin, nagkakamatay ang mga hayop sa pagsasaka, namamayani ang madudugong pagpatay at nagkatakot ang sambayanan. Namamatay ang negosyo o kalakalan sa bawat pook na litawan ni Matanglawin. Lumilitaw ang kawalang kaya ng pamahalaan. Mga dukha at mangmang at walang salang magbubukid ang madalas na dinarakip ng mga sibil upang pagbintangang tulisan o kinaalam ng mga tulisan dahil di nila inaabutan at madakip sina Kabesang Tales. Lalong nahihinog ang bayan sa paghihimagsik. 4. Bakit daw pinahihirapana ng mga sibil ang nangabihag na magsasaka? Tugon Ayon ka Mautang ay upang magsilaban at tumakas at nang pagbarilin na lamang nila. 5. Bakit kaya Mautang ang ipinangalan ni Rizal sa guwardiya sibil na ito? Tugon Marami nga marahil ang utang nito. 6. Sino ang itinuturo ni Tandang Selo kay Tano? Tugon Si Kabesang Tales. Mapupunang nang bumagsak ang unang lalaki sa talampas ay nagpulasan na ang mga kasamahan nito. Nangangahulugang puno nila ang napatay. Walang taong lalantad nang gayon sa mga kalaban liban na lamang kung dala ng matinding damdaming sandaling nakapagpawala ng matinong muni o isip. Naging gayon si Kabesang Tales sa di-inaasahang pagkakakita sa anak. Tangi sa rito, may isinigaw ang lalaking iyon na nakatulig kay tano. Marahil ang sigaw ay Tano o anak ko! Kabanata XXXIX Katapusang Kabanata BuodMalungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siyay natunton na ni Donya Victorina. Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte. Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang

maghiganti kay Simoun. Ang sugat niyay buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama. Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun. Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Datiy makapangyarihan, ngayoy kahabag-habag. Ngunit bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo. Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun. Ngunit parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili. Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas. Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari. Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig. Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pagasa.Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at siyay nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan. Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig. Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang

tugon ng pari. Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang isang Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kayat katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan. Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan. Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino; Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit itoy kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayoy aming hinihintay! Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino. Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?Sagot Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba. 2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatid niyang siya ay darakpin kinagabihan? Sagot Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal. 3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan? Sagot Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan. 4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin ang una, pangalawa at pangatlong pagkabigo? Sagot Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun. Hindi niya naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.

You might also like