You are on page 1of 2

KATITIKAN NG DI-KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG BARAS, RIZAL NA

GINANAP SA MUNICIPAL SESSION HALL, NOONG IKA-05 NG MARSO, 2009.


==================================================================================

DUMALO:
Hon. Armingol S. Pilapil, Jr. - Vice Mayor/Presiding Officer
Hon. Renato M. Llagas - Sang. Bayan Member
Hon. Jovita P. Cawicaan - -do-
Hon. Emmanuel R. Olaño - -do-
Hon. Mario P. Mendoza - -do-
Hon. Alfredo M. Ruba - -do-
Hon. Solomon C. Vallestero - Liga Vice President
Hon. Ramon A. Matignas Jr. - -do-
DI-NAKADALO:
Hon. Romulo B. Diñozo - Sang. Bayan Member
Hon. Jefferson R. Ferrera - S.K. President
Hon. Jose D.V. Evangelista Jr. - Sang. Bayan Member

I. Call to Order – Inihudyat ang pagsisimula ng pulong sa ganap na ika-6:30 ng gabi sa


pamumuno ng Pang. Punong Bayan, Kgg. Armingol S. Pilapil, Jr.

II. Roll Call - Quorum

III. AGENDA:

Bago basahin ng Presiding Officer ang sulat ng Punong Bayan, iminungkahi ni Kon. M.
Mendoza ang pagpapaliban ng pagbasa at pag-apruba sa katitikan ng nakaraang pulong.
Pinangalawahan ni Kon. E. Olaño. Pinagtibay.

Binasa ng Presiding Officer ang sulat ng Punong Bayan na humihiling na magkaroon ng


special session para magpasa ng resolusyon sa mga sumusunod:

1. The realignment of the current budget to provide an additional allocation of funds to


cover the cost to be incurred in the holding of a special registration by the
COMELEC on weekends in view of the increase in the number of new registrants and
transferees.

Binanggit ni Kon. R. Matignas na ang tanging gastusin lamang ng pamahalaan ay para sa


compensation ng dalawang tauhan ng Comelec na mag-o-overtime tuwing Sabado,
simula sa Sabado, March 07 hanggang October 2009. Kukunin ang P30,000.00 sa
pondo ng Boundary Dispute at P30,000.00 sa pondo ng Cultural Expenses. Kaya’t may
total na P60,000.00 ang ilalagak para sa Comelec. Iminungkahi niya ang pagpasa ng
resolusyon na nagre-realign sa pondo ng Cultural Expenses P30,000.00 at Boundary
Dispute P30,000.00 para sa Cost of Expenses ng Comelec at Ordinansang paglalaan para
sa P60,000.00 na gugugulin ng Comelec. Sinang-ayunan ng buong kapulungan ang
mungkahi. Pinagtibay.

2. The authority for the Mayor and the Municipal treasurer to open a Trust Account in
the Land Bank of the Philippines to receive the equity funds contribution of the
Municipal Government of Baras, Rizal, the LLDA equity counterpart and the release
of funds in the prosecution and implementation of the LLDA-LISCOP-Baras LGU
River Rehabilitation and Flood Control Project now ready for execution.

Ipinaliwanag ni Kon. R. Matignas na kailangang mag-open ng account sa Land Bank


Tanay para sa equity funds at grants and loans ng LISCOP proj. Binasa naman ni Kon.
R. Llagas ang nakasaad sa Local Government Code at IRR kung bakit kailangang mag-
open ng special funds para sa mga special projects na kung saan allocated ay doon
lamang gagamitin ang pondo. Hiniling niya na linawin para maitala sa katitikan kung
kung magkano ang grants at magkano ang loans. Sinagot ni Kon. R. Matignas na 4m.
grants at 4.5 m. loans. Wala ng iba pang naging katanungan kaya’t iminungkahi ni Kon.
R. Matignas na pagtibayin ang pagpasa ng resolusyon authorizing the Mun. Mayor and
the Mun. Treasurer to open a Trust Account in Land Bank Tanay for the LISCOP project.
Sinang-ayunan ng buong kapulungan ang mungkahi. Pinagtibay.
3. A resolution expressing Acceptance of the Deed of Donation by donor, Rosario P.
Melchor to Baras Municipal Government over a parcel of land with 2x2x3 meters
configuration or in the total area of 12 square meters to be used as artesian wells site
for the Gawad Kalinga Project within the area covered by TCT No. M-6191 situated
at Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Baras, Rizal.

Ipinaliwanag ni Kon. R. Llagas na sa dalawang artesian well ay 12 meters, tig- 6m. bawat
isang artesian well. Walang naging katanungan sa kahilingang ito ng Punong Bayan,
kaya’t iminungkahi ni Kon. R. Llagas na pagtibayin na ang pagpasa ng resolusyon
expressing acceptance of Deed of Donation by the donor, Rosario P. Melchor. Sinang-
ayunan ng buong kapulungan. Pinagtibay.

Iminungkahi rin ni Kon. R. Llagas na magpasa ng resolusyon na nagpapahayag ng


pasasalamat sa kay Gng. Rosario Melchor sa pagdo-donate ng lupa. Sinabi ni Kon. R.
Matignas na dahil sa ito ay wala sa agenda, dapat ay sang-ayunan ng buong kapulungan
kung magtatalakay ng iba pang agenda. Sumang-ayon naman ang buong kapulungan
kaya’t itinuloy ang pulong.

Iminungkahi ni Kon. R. Llagas ang pagpasa ng resolusyon ng pasasalamat sa kay


Gng. Melchor sa pagbibigay ng 12 sq.m. parcel of land sa Pamahalaang Bayan para
pagtayuan ng dalawang artesian well. Sinang-ayunan ng buong kapulungan ang
mungkahi. Pinagtibay.

Iminungkahi naman ni Kon. R. Matignas na magpasa ng resolusyon na


humihiling ng pondo kay Buhay Party List Rep. Rene Velarde para sa concreting ng
Baras-Pinugay Road. Sinang-ayunan ng buong kapulungan ang mungkahi. Pinagtibay.

Iminungkahi ni Kon. R. Matignas na magpasa ng resolusyon na humihiling sa


PAGCOR na magsagawa ng Medical Mission sa Bayan ng Baras, kasama ang pagbibigay
nila ng libreng gamot. Sinang-ayunan ng buong kapulungan ang mungkahi. Pinagtibay.

IV, Adjournment – Itinindig ang pulong sa ganap na ika-8:00 ng gabi sa mungkahi ni Kon. A.
Ruba na pinangalawahan ni LBC Vice Pres. S. Vallestero.

Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nariritong katitikan.

NOLASCO R. VALLESTERO
Sangguniang Bayan Secretary

PINATOTOTOHANAN:

ARMINGOL S. PILAPIL JR.


Mun. Vice Mayor/Pres. Officer
PINAGTITIBAY:

KON. RENATO M. LLAGAS KON. JOVITA P. CAWICAAN

KON. EMMANUEL R. OLAÑO KON. RAMON A. MATIGNAS JR.

KON. MARIO P. MENDOZA KON. ALFREDO M. RUBA

LBC-SOLOMON C. VALLESTERO

You might also like