You are on page 1of 5

MGA MANG-AAWIT NA MAY SOPRANO NA BOSES LEA SALONGA - Katulad ng mga artista sa kasalukuyan, siya rin naman ay may

pinagkukunan ng inspirasyon, at nagsikap din siya. Ngunit ang musical play na nagpasikat nang lalo sa kanya ay ang Miss Saigon" kung saan niya ginanapan ang papel bilang si Kim. LANI MISALUCHA - ay isang mang-aawit na Filipino dahil sa kanyang angking galing sa pagkanta ay tinaguriang Asia's Nightingale. Si Lani Misalucha ay bihasa sa pag awit ng pop, rock, jazz, r & b, broadway at operatic arias. Siya kasalukuyang namamayagpag sa Las Vegas bilang isang performer. Si Lani ay may kakayahang gayahin sa abot ng kanyang makakaya ang ilang mga batikang mang-aawit sa Pilipinas tulad ni Kuh Ledesma (Pop Diva), Zsa Zsa Padilla (Divine Diva), Jaya Ramsey (Asia's Soul Diva), Ella May Saison ( Asia's RNB Diva), Verni Varga ( Asia's Jazz Diva), Sharon Cuneta (Megastar), Pilita Corales (Asia's Queen of Songs) at ang pinakamahigpit na karibal gayundin naman na kaibigang si Regine Velasquez (Asia's Songbird). Nagagawa rin niyang gayahin ang mga batikang singers sa ibang bansa tulad nila Barbra Streisand, Whitney Houston, Mariah Carey, Celine Dion, Toni Braxton, Beyonce at Jennifer Lopez. Si Lani ay may malawak na vocal range at dinamikong vocal techniques. Si Lani Misalucha ngayon ang isa sa pinakamagaling na mang-aawit sa Pilipinas na tinitingala sa buong mundo tulad nila Lea Salonga, Regine Velasquez at Charice Pempengco. Ilan sa mga young divas ang sumusunod sa kanyang yapak ay sina: Kyla, Rachelle Ann Go at Jonalyn Viray. CHARICE PEMPENGCO - Si Charmaine Clarice Relucio Pempengco, o mas kilala bilang Charice Pempengco (ipinanganak Mayo 10, 1993) ay unang nakilala bilang isang Pilipinang mang-aawit na pumangatlo sa paligsahang Little Big Star. Mas lalo siyang sumikat dahil sa mga bidyo ng kanyang pagkanta saYouTube. SARAH GERONIMO - ay isang mangangantang Pilipino, aktres at modelo. Siya ang nagwagi sa reality show na Star for a Night sa Pilipinas kaya siya sumikat. REGINE VELASQUEZ - ay isang Pilipinang napakagaling na mang-aawit. Siya ay kinikilalang Asia's Songbird. Siya ay kilala sahil sa kanyang napakataas at napakalawak na vocal range. Marami rami na ring mga baguhang singers ang naimpluwensiyahan ng istilo ng pag-awit ni Regine Velasquez. Lahat sila ay umiidolo sa nag-iisang Asia's Songbird, tulad nila Jaya Ramsey, Dessa, Ima Castro, Nina, Kyla, Sarah Geronimo, Charice Pempengco, Sheryn Regis, Rachelle Ann Go at Jonalyn Viray.

MGA MANG-AAWIT NA MAY ALTO NA BOSES JAYA - ay isang Pilipinang Mang-aawit. Minsan na rin niyang napatunayan na ang Pilipino ay di pahuhuli sa Estados Unidos sapagkat nag-number one ang single niya roon at tumagal ng isang lingo. Siya ang anak ng komedyanteng Bisaya na si Elizabeth Ramsey CLAIRE DELA FUENTE- Si Clarita Crisostomo de la Fuente o mas kilala sa tawag na Claire dela Fuente ang isa sa mga tinaguriang Jukebox Queens sa industriya ng awitan sa Filipinas. Siya rin ay binansagang "Karen Carpenter of the Philippines" dahil sa pagkakahawig ng timbre ng boses nila ni Karen Carpenter, ang tanyag na Amerikanong mang-aawit na namatay noong taong 1983 dahil sa sakit na Anorexia Nervosa. Maituturing walang hanggan ang kaniyang kabantugan dahil sa mga pinasikat niyang kanta lalo na ang awiting "Nakaw na Pag-Ibig" at "Sayang". Nakapagpalabas si dela Fuente ng 16 na album kung saan ang isa doon ay nai-rekord ng Warner Records at Wea International na inilabas sa Hong Kong at sa iba pang parte ng Asya. Ipinanaganak noong ika-28 ng Disyembre, natuklasan ni Claire dela Fuente na katimbre niya ng boses si Karen Carpenter noong siya ay nag-aral ng sekondarya sa Philippine Cultural High School saLungsod Kalookan. Mula noon ay ginamit na niya ito upang maabot ang pangarap na kasikatan. Habang siya naman ay nag-aaral ng Accounting sa University of the East, nagkamit siya ng unang gantimpala sa awiting "Love Me for What I Am" at nakuha ang atensyon ni George Canseco, ang tanyag na musical director. Inirekomenda ni Canseco si Claire na gawin ang patalastas ng Hope, isang tatak ng sigarilyo na tunay na naging tanyag at matagal na isinahimpapawid sa telebisyon. Mula noon, ay nagtulouy-tuloy na ang kaniyang kasikatan hanggang sa napabilang na siya sa titulong, Jukebox Queens. AIZA SEGUERRA - ay isang mang-aawit at artistang Filipino na nanalo siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga!. Ito ang naging daan para maging ganap na isang sikat na artista. Karamihan ng mga pelikula niya ay gawa ng Regal Films kung saan siya naka-kontrata. Inaamin niya na isa siyang lesbiyana. JENNYLYN MERCADO - ay isang artista at mang-aawit sa Pilipinas. Nakilala siya pagkatapos manalo sa unang season ng StarStruck, isang reality show ng GMA Network na naghahanap ng mga bagong artista sa Pilipinas. KAYE BROSAS Maria Carmela Brosas ang tunay nyang pangalan. Isang aktres, stand-up comedian, mang-aawit at host. Dati siyang lead singer ng bandang Gladys and the Boxers

MGA MANG-AAWIT NA MAY TENOR NA BOSES OGIE ALCASID - Si Herminio Alcasid, Jr., na mas tanyag bilang Ogie Alcasid (ipinanganak Agosto 27, 1967), ay isang Pilipinong mang-aawit, kompositor, komedyante, aktor at isang negosyante . Nagsimula ang karera ni Alcasid sa telebisyon bilang isa sa mga host ng palabas pangkomedya na Small Brothers sa ABS-CBN noong 1992. Lumabas din siya sa ibang mga programang pangkomedya ng ABS-CBN gaya ng Mana Mana (mula 1991 hanggang 1992), sa programang Tropang Trumpo sa ABC mula (1994 hanggang 1995), sa programang Bubble Gang ng GMA Network(mula 1995 hanggang kasalukuyan), at sa programang Ay, Robot! ng QTV (mula 20052007). Nagsimula si Alcasid bilang isang mang-aawit noong 1989 nang ilabas niya ang kanyang sariling pangalang album na Ogie Alcasid na umabot sa antas na gold record status, samantalang ang kanyang unang single na "Nandito Ako" ay pinarangalang bilang "Awit ng Taon" ng lokal na istasyong pang-radyo na Magic 89.9. Simula noon ay nakapaglabas na siya ng 18 pang mga album, kasama ang album pangpasko na "Larawan ng Pasko" noong 1994, isang live album (OA sa Hits (Live)) noong 2002, at apat na greatest hits album. Siya ay nakatanggap ng kabuuang limang gintong records, tatlong platinum na records, at tatlong dobleng platinum na records JED MADELA -ay ipinanganak noong ika-14 ng Hulyo 1980 sa lalawigan ng Iloilo. Panganay sa tatlong magkakapatid, nagtapos siya ng kursong Business Administration sa University of San Agustin-Iloilo. Bata pa lamang ay hilig na niyang kumanta ngunit mas gusto ng kaniyang ama na siya'y lumihis bilang isang mang-aawit at magkaroon na lamang ng isang mas matatag na karera tulad ng pagiging isang flight steward o isang medical representative. Subalit ipinagpatuloy pa rin ni Madela ang pagbabanda sa lalawigan at nung naglaon, ay sinubukan ang swerte dito sa Maynila. Hindi nagtagal, siya ay naging kalahok sa isang kumpetisyon sa bansang Kazakhastan at doon ay nanalo ng 2003 People's Choice Award at Best Voice of Asia Male Singer Award. Mula noon ay tuluyan na siyang pinahintulutan ng kaniyang ama na maging isang propesyonal na mang-aawit. Mula din noon ay sunud-sunod na rin ang kaniyang naging mga tagumpay at pagtanggap ng mga papuri hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. CHRISTIAN BAUTISTA - Si Christian Bautista ay isang mang-aawit at artista sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa programang Star in a Million. Ilan sa mga kantang kanyang pinasikat ay ang mga sumusunod: Hands to Heaven, The Way You Look At Me at Missing Piece.

PIOLO PASCUAL ay isang Pilipinong aktor sa telebisyon at pelikula, mang-aawit at manunulat ng mga awitin, at gumagawa ng pelikula. Unang napanood si Piolo sa telebisyon sa programang pambata At Iba Pa o ATBP. Nakilala rin siya sa pelikulang Batang PX bilang pangalawang paganap at sa pelikulang Lagarista kung saan siya ang bida at nagtamo ng nominasyon sa Gawad Urian. MARK BAUTISTA ay isang mang-aawit, actor at modelo. Ipinanganak siya sa Cagayan de Oro City. Nakilala siya nung nagging Grand finalist siya sa Philippine reality TV talent search na Star for a Night kung saan pumangalawa siya kay Sarah Geronimo. MGA MANG-AAWIT NA MAY BAJO NA BOSES ARIEL RIVERA - Jose Ariel Jimenez Rivera ang kanyang tunay na pangalan. Ipinanganak siya dito sa Pilipinas ngunit nag-migrate ang kanilang pamilya sa Canada. Isa siyang Arkitekto sa Canada bago pa siya naging mangaawit. Nakilala siya bilang Kilabot ng Kolehiyala. Ilan sa mga awitin nyang sumikat ay ang Sana Kahit Minsan, Simple Lang at Photograph.

FREDDIE AGUILAR - ay isang Pilipinong mang-aawit. Naninirahan siya sa Maynila. Siya ang nagpasikat sa mga kantang Magdalena, Estudyante Blues, Kumusta Ka at Anak. CHITO MIRANDA - Alfonso "Chito" Miranda, Jr. ay isang mang-aawit, manunulat at kilalang lead singer ng bandang Parokya ni Edgar. Nag-aral sya ng Elementarya at Sekondarya s Ateneo de Manila University at doon nakilala nya ang iba pang miyembro ng knilang banda. Sa mga sikat na Clubs sa Manila sila noon kumakanta hanggang sa nakilala sila at sumikat. CHAD BORJA - Isang Cebuano at magaling na mang-aawit. Nag-aral sya ng kursong Bachelor of Science in Accountancy sa San Carlos University. Nabigyan siya ng break nung nakasama nya sa isang pagtatanghal si Kuh Ledesma sa Amerika. JANNO GIBBS - ay isang mang-aawit at komedyante. Nag-umpisa siya noong 1986 bilang miyembro ng Thats Entertainment sa GMA Network. Ilan sa mga kanta nyang sumikat ay ang Ipagpatawad Mo, Ikaw Lamang at Fallin.

Ipinasa ni: MATTHEW MORMON E. GUINTO Grade V

You might also like