You are on page 1of 6

LIZETTE Column Article (August Issue) Mga Sirena sa Habagat

Nagising siya nang biglang may malakas na tunog na animoy may tumamang bagay sa aming bubungan. Narinig niya ang mga yabag ng kanyang mga magulang na paritot paroon at doon niya lamang napagtanto na sobrang lakas na pala ng ulan sa kanilang labasan. Siya ay bumangon mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog at dumiretso sa kanilang kusina. Doon ay nadatnan niya ang kanyang mga magulang na abala sa paghahakot ng kanilang mga gamit. Oo nga pala. Madalas bahain ang kanilang lugar. Kaunting ulan lang, ayan na ang tubig sa tapat ng kanilang pintuan. Ang malas talaga ng buhay na nila. Hindi na nga biniyayaan ng magandang buhay ang kanilang pamilya ay dinagdagan pa ng mga problema na lalo pang nagpahirap sa kanila. Pumunta siya sa kanyang bihisan at kinuha ang kanyang suklay at marahang sinuklay ang kanyang buhok. Tingin sa salamin, medyo malangis, lagay ng polbo. Paganda pa rin kahit anong oras ay maaaring lamunin ng baha ang kanilang tahanan. Masyado siyang tutok sa kanyang ginagawa at di niya napansin ang pagpasok ng kanyang ama mula sa pintuan. Nagulat siya nang biglang hinigit siya ng kanyang ama at dinambahan ng isang napagkalakas na suntok. Napakasakit. Naramdaman niya ang mainit na dugo na dumadaloy mula sa kanyang labi. Mura rito. Mura roon. Sinuntok sa tiyan, sinampal sa pisngi at iniuntog ang ulo sa pader. Sambit ng kanyang ama, Walang hiya kang bata ka! Babahain na nga tayo lahat-lahat, ayan pa rin ang inaatupag mo. Ang pagpapaganda mo.

Abnormal ka talaga! Bakit ba ako bingyan ng Panginoon ng isang BAKLANG anak na wala man lang silbi. Walang kwenta! Wala kang maitutulong niyan sa lipunan. Walang silbi. Walang kwenta. Walang maitutulong sa lipunan. Napakasakit. Mas masakit pa sa mga bugbog na kanyang nakuha ang mga salitang binitawan ng kanyang ama. Hindi totoo yan! Mayroon siyang kwenta. Meron. Pero paano? Paano niya mapapaniwala ang mundo na hindi siya basta-basta isang baklang walang maitutulong sa mundo? *** Nasa Maynila na siya nun. Umalis siya ng kanyang tirahan para hanapin ang

pagpapatunay na mayroon siyang silbi sa mundong ibabaw. Pumasok siya sa isang bar bilang isang tagalinis at tagahugas ng mga pinagkainan. Mahirap man pero kailangan. Isang gabi ay humahagod na pumasok ng kusina ang isa sa kanilang mga taga-aliw. Ibinaba ang mikropono sa lamesa at nagdiretso sa palikuran. Ano kayang meron? Inabot. Patuloy lang siya sa pagtatrabaho ng mahagip ng kanyang paningin ang mikropono na tahimik na nakahiga sa lamesa. Susubukan niya kaya? Subok lang. Kunwari taga-aliw din siya. Kinuha niya ang mikropono at nagsimulang magmonologo. Iniisip niya na ang mga tagapakinig niya ay ang mga platong kanyang hinuhugasan. Patawa rito. Patawa roon. Ginagaya ang ibat-ibang artista na animoy isa talagang komedyante. May nauulinig siyang tumatawa. Baka imahinasyon niya lang. Tuloy pa rin. Patuloy pa rin ang pagtawa. Biglang pumasok ang tagapamahala ng bar sa kusina at nakita ang kanyang ginagawang katatawanan. Patay. Sure win na mawawalan siya ng trabaho. Ayan na! Tatalak na ang kanyang amo. Subalit taliwas sa kanyang iniisip, hindi salubong na kilay at nakabusangot ng mukha ang

kanyang nakita. Kundi isang mukha na may nakalapat na ngiti at maaliwas na pagmumukha. Nakangiti sa kanya ang kanyang amo. Nilapitan siya nito at tinanong, Ikaw ba yung nagsasalita kanina? Kinakabahan man ay pinilit niyang sumagot habang nakayuko ang ulo. Nag-aabang talaga siya ng mainit na sermon pero lumalagutok na tawa ang kanyang narinig. Ang kanyang amo, tumatawa? Himala! Kay galing-galing mo naman, hijo. Halos maiyak na ang mga suki natin sa mga sinasabi mo. Rinig na rinig ka sa labas, pagpapatuloy na kanyang amo. Siya namay gulat na gulat at medyo Masaya sa sinabi ng kanyang amo. Kung dinig siya, ibig sabihin, ang mikropono ay hindi patay. Hindi lang basta imahinasyon ang mga tawang kanyang narinig kanina. Napangiti rin siya. Sayang ka! Dapat hindi ka na diyan sa hugasan. Halika! Dito ka na lang sa itaas at ating gamitin ang iyong kakayahan para makapagpasaya ng tao. Nang mga sumunod na araw ay wala na siya sa maruming kusina na may maruming mga plato na nagbibigay sa kanya ng maruming amoy. Heto na siya sa may entablado, binibigyan ng ngiti ang mga tao. Hanggang isang araw ay may lumapit sa kanya at inalok siya ng isang magandang oportunidad na sa talambuhay niya ay di niya inaasahang darating. *** Narito siya ngayon at nakikita niya ang kanyang mga pinaghirapan sa harap ng telebisyon. Kay ganda ng estado sa buhay. Mariwasa, hindi nagugutom at malayo sa mga

pagbaha. Pagbaha. Naalala niya bigla ang kanyang kabataan. Walang silbi. Walang kwenta. Walang maitutulong sa lipunan. Parang biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Parang ayaw siyang lubayan. Laging may bumubulong sa kanya at ang sabiy Patunayan mo! Ipakita mo na may silbi ka at makatutulong ka! Paggising niya kinabukasan, napagkalakas ng ulan. Tila kakaiba yata ang umagang ito. Nang bago siya matulog ay narinig niya sa balita na wala naming bagyo. Tiningnan niya muli ang balita kung anong meron. At ang sabiy dulot ito ng habagat Habagat? Itong napagkalakas na dilubyong ito ay habagat lang? Subalit nang siya ay mapadungaw sa bintana ng kanyang tirahan. Totoo ba ang kanyang mga nakikita? Ang Maynila, lumulubog sa baha. Baha. Wala kang silbi. Walang kwenta. Walang maitutulong sa lipunan. Hindi. Hindi totoo yan! Kailangan ng matapos ng bangungot na ito. Tinawagan niya ang kanyang mga kasamahan na kapwa mga silahis din. Sino pa nga ba ang makakaramay niya kundi ang mga katulaad niya rin na nakaiintindi sa kanyang kalagayan. Sa kanilang kalagayan. Ganto. Ganyan. Kailangan ng ganitong pagkain, ganiyang damit, ganoong gamot. Gusto niyang may mapatunayan pati na rin makatulong sa kanyang kapwa. Nagdasal siya sa Panginoon at humingi ng paggabay. *** Naroon sila ngayon sa isang evacuation center sa Marikina. Napakaraming tao ang nagsisiksikan. Dinig niya ang panaghoy ng mga batang nagugutom at inaatake ng sakit. Mga taong tinitiis na matulog sa matigas at malamig na sahig, makapagpahinga lang at manatiling ligtas lamang. Tama na ang pahirap. Ayaw niyang danasin ng mga batang ito ang ganitong kahirapan sa tuwing uulan ng malakas. Sa tuwing babagyo.

Kalakip ng lakas ng katawan ng isang lalaki, pagmamahal ng isang pusong babae at matatamis na ngiti, Masaya niya inabutan ng mga relief goods ang mga tao lalung-lalo na ang mga bata. Nakagagaan ng pakiramdam ang ganitong bagay. Natatanggalan siya ng tinik sa kanyang pusot isipan. Naglaho ang mga munting bulong na lagging bumabagabag sa kanyang sarili. Ito na siya ngayon. Isang sirena na lumalangoy sa iniwan ng dilubyo para makapaghatid ng tulong. Kahit mga pusong babae na ikinulong sa katawang lalaki ay silbi naman din sa lipunan. Noon ngang nagdaang habagat ay ilan pa nga sa mga miyembro ng grupong LGBT ang sumaklolo sa mga naging biktima ng pagbaha. Minsan, sila pa nga ang may pinakamalaking naitutulong sa mga nasalanta. Minamata man ng iba sa kanilang mga paniniwala ay hindi ito nagsilbing isang balakid upang tulungan ang kanyang kapwa na nangangailangan. Inaalipusta man ng iba sapagkat naiiba sa karaniwang ginawa ng Diyos ay nagsisilbi naman itong aral at pinaghuhugutan ng lakas para magpatuloy sa buhay. Ibinababa pero heto pa rin at pinaninindigan ang kilalakhan at pinapatunayan ang sarili sa munting paraan. Ang mga sirena sa nagdaang habagat ay nagpatunay na ang mga bakla, tomboy, dobleng at nagpalit ng kasarian ay narito pa rin sa lipunan. Hinahawakan pa rin ang kamay ng tao para mag-abot ng tulong at inaabot ang kamay ng mga taong naiiba ang pagtingin sa kanilang. Mga siren ng habagat ay patuloy na lumalangoy para makapgbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Highlighted Part: Walang silbi. Walang kwenta. Walang maitutulong sa lipunan. Napakasakit. Mas masakit pa sa mga bugbog na kanyang nakuha ang mga salitang binitawan ng kanyang ama.

Kevin C. Barrera ~Pallas Athena~

You might also like