You are on page 1of 3

Department of Education Region VII Division of Cebu Province

TAYUD NATIONAL HIGH SCHOOL


Tayud, Consolacion, Cebu

Panimulang Pagtataya sa Filipino 8 Modyul 1


Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa araling ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel. 1. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na pamumuhay. b. Kuwentong-bayan na maaring kathang isip na pumapaksa tungkol sa mga pinagmulan. c. Itoy pasalin dilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang. d. Itoy kwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha ng daigdig at iba pa. 2. Pansinin ang alamat na nasa loob ng kahon. Huwag kang makialam matandang hukluban! Bubunutin Ano ang kapuna-puna sa pangyayari? naming lahat ng aming magustuhan upang mailipat sa aming a. makatotohanan tahanan. Sabay-sabay na nagtwanan ang mag kabataan. b. kapani-paniwala Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo c. posibleng maganap ang aking halaman. Mula ngayon kayo ay aking paparusahan. Hindi pinapansin ng mag kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa d. di kapani-paniwala 3. Ano ang pinapakahulugan ng salawikaing Anuman ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa? a. pakikisama b. pagtitiis c. pagkakaisa

silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mag bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz
d. pakikipagkapwa

4. Matatapos na ang inyong breakime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin? a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase. b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag-aaral. c. Tutulungan ang mag-aaral at ihatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas. d. Magpapatala muna ng attendane sa guro at ipaalam ang kanyang nasaksihan. 5. Usong-uso sa mga kabataan ang fliptop. Nais mong maging in sa bagong henerayon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin? a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa karunungang-bayan ng ating panitikan. b. Gayahin ang istilo ng isang sikat na rapper. c. Mapagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito. d. Mangopya ng mga fliptop sa napanood na video. 6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kanyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asa 7. Nag-umpisa ang palatun-tunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa

Hango sa Modyul 1, Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon, Gabay sa Pagtuturo ng FIlipino

8. Alam mo bang labis akong nalungkot sapagkat di-gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Ano ang gamit ng salitang may salugguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon 9. Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ano ang tinutukoy sa salitang nakahilig? a. lugar b. panahon c. paraan d.pagsang-ayon 10. Ganoon pa man, tulad mo ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mahal sa buhay. Alin sa mga pangungusap ang pang-abay na panlunan? a. Pasko b. mahal sa buhay c. sa bahay d. tawagan 11. Uri ng tulang dula na paligsahan tungkol sa isang singsing na nahulog sa dagat ng isang dalaga? a. duplo b. karagatan c. pamanhikan d. Huego de Prenda 12. Alin sa mga dulang patula ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan? a. Huego de Prenda b. pamanhikan c. karagatan d. duplo 13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag? a. sumakabilang buhay para sa namatay c. butot balat para sa payat b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa d. papatay-patay para sa hipong tulog 14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito na tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon, saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. a. tula b. sanaysay c. dula d. maikling kwento 15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya? a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa b. madalas na itinatanong sa pagsusulit c. nagbibigay daan upang matandaan ang mga detalye d. susi para sa lubusang pagkilala sa pag-unawa at pangunahing ideya 16. Paano mo malalaman na haiku ang tula? a. isang uri ng tula na may lima-pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod b. tula na may 14 na taludtod c. tula na may 12 sukat d. tula na may sukat na 12 bawat taludtod 17. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may 4 na taludtod , binubuo ng pitong pantig at naglalaman ng isang diwa ng makata b. tula na may tig-5 taludtod sa bawat saknong c. tula na may sukat at tugma d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong 18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay isang huwaran? a. may ina, ama at mga anak c. nakatira sa maayos na bahay b. may masaganang pamumuhay d. may pagmamahalan at respeto sa isat isa 19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya? a. magiging mapanagutang mamamayan c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan b. magiging sikat na mamamayan d. maayos ang pagpapalaki sa kanila 20. Iilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi Ano ang nais ipahiwatig sa sitwasyon? a. may problemang hinaharap ang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. naramdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari

Ang lalagyang walang laman ay maingay.


Hango sa Modyul 1, Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon, Gabay sa Pagtuturo ng FIlipino

Hango sa Modyul 1, Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon, Gabay sa Pagtuturo ng FIlipino

You might also like