You are on page 1of 1

Ang Retorika bilang Sining Katulad ng tula, ang retorika ay isang sining.

Lumilikha ito ng istorya mula sa kawalan na gumagamit lamang ng simbolo upang buhayin ang damdaming nalilimutan natin at mga bagay-bagay na hindi pa natin nakukunsidera. Gumagamit ito ng wika, pangkaraniwan o komon na ideya, kumbensyunal na wika at ispesipikong impormasyon upang baguhin ang damdamin at kilos ng tagapakinig.Sining ito na may mga katangiang sumusunod: Isang Kooperatibong Sining Pinagbubuklod nito ang tagapagsalita at tagapakinig. Hindi maaaring gawin ito nang nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito nang kaganapan.Pinagsasama ang dalawa o higit pang tao sa posibleng atmospera ng pagbabago. Isang Pantaong Sining Isang ordinaryong sining ito. Ang istandard ng kanyang kahusayan ay istandard ng ordinaryong tao. Isa itong ordinaryong wikang ginamit na extraordinaryo. Isang temporal na Sining Karaniwan, ang retorika ay nagmumula sa panahon kung kailan ito nalikha. Ang mga taong lumilikha nito ngayon ay nangungusap sa ganitong wika, hindi ng kahapon. Ang retorika ng panahon ngayon ay gumagamit ng napapanahong istatistiks; jargon na walang pagaalintana kung paano ito bibigkasin bukas

You might also like