You are on page 1of 1

PAPER BAG Ni Luisito Domeng Lagayan ng pandisal O panapal sa bibig ng nanay mong madaldal?

Yung parating bitbit ng mga taong sosyal O ang sagot sa dumaraming plastic at buhay na nakasugal? Paper bag o plastic bag Pambalot sa isang kilong libag at maiitim na eyebag Ng mga taong walang magawa kundi manira ng kapwa At ng mga handang magpuyat, pumapel lang sa harap ng madla Paper bag Yari sa papel, mula sa mga puong kahoy sa kagubatan Nababasa, napupunit subalit muling napakikinabangan Katulong natin sa pagsagip kay Inang Kalikasan Takot na ba tayong muling maondoy o mahabagat? O nangangamba na muling maranasang masalat? Hindi paper bagang sagot sa pag-iwas Tao mismo ang kailangang kumilos at lumutas

You might also like