You are on page 1of 2

ABA GINOONG MARIA Ni Luisito Domeng Aba Ginoong Maria Talamak na pala nuon ang tomboy at bakla Napupuno

ka ng grasya Umaapaw na biyaya pangkaligayahan o di kaya pera Ang panginoong Diyos ay sumasaiyo Ginamit pa ang Diyos at ang simbahan sa sariling pakinabangan nyo Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat Sapagkat tipo ka at naiibigan ng mga prayleng huwad Pinagpala naman ng iyong anak na si Hesus Pasalamat tayo may taong ipinako sa krus Santa Maria ina ng Diyos Magkapatid pala si Hesu Kristo at ang ating Diyos Patawarin nyo po kaming mga makasalanan Walang kapatawaran sa inyong matinding paglapastangan Ngayon na po kami mamamatay Mabuti naman, matagal na namin yang inaantay Amen! Yeh Men! Simbahan na naging sentrong pangkabuhayan Templo ng Diyos na may lihim na kabalastugan Niyurak, winalang hiya Nang mga prayleng botod at mga nananamantala. Niligaw sa kawalan ang ating mga paniniwala Nilason ang ating isipan, isinubong pilit ang kanilang kultura Mga Prayle daw na kinatawan ng Diyos Mapagpanggap at may mga lihim na tagos. Nakakalungkot isipin mga kapatid Hanggang sa ngayon ay bulag pa din ang ating mga paningin Hindi pagtangkilik sa relihiyon ang magliligtas sa atin Kundi ang ating mga sarili kaakibat ang tamang pag-uugali

You might also like