You are on page 1of 9

Alay ni JADAWN sa kanyang mga kaparokya

Hithit-buga, walang palya. Stick na kulay puti at pula Hinahanap-hanap sa tuwituwina Habang unti-unting nauupos Ating mga baga.

Ako sayoy naiinggit Pagkat sa kanyang dibdib Ikawy nakakapit, Tibok ng kanyang pusoy Iyong naririnig

Sa kanyang mga labiy Malaya kang nakadadampi tila nang-iinggit Sa binatang tulo-laway Sa panggigigil.

Ikaw ay proteksyon Sa lagusang inaasam Nagsisilbing harang Sa daang magubat Ng di basta mapasok Kweba ng kaligayahan.

Tae, tubol, bugris, ebak Iba-iba man ang pagturing Pakatandaang mapanganib Sinumang mangahas na tumapak Mapipilay, mapapahamak.

May tatlong kulay kung iyong pakikinggan Blue, tahimik walang imik, makamandag ang hirit Pink, sarap sa pandinig, dalagang matimtiman ang may-ihip. Brown, maragsa, nakakagulat, salarin sa isang tabi, pwet ay sinasalat pagkat may sumambulat.

Ingles ng tiwala ay trust Kayat ibinigay ang sarili sa kabiyak. Buong pusong ipinagkaloob Pagmamahal na tapat. Walang pag-aalinlangan pagkat Tiwala siya sa TRUST.

Kung akoy lukob ng lungkot, Kung ang pag-asa ay lagot Kung buhay ay puno ng himutok At kung akoy di mapagkatulog Iniisip kitang kayakap na Kapwa walang saplot.

You might also like