You are on page 1of 15

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina Kolehiyo ng Edukasyon KAGAWARAN NG FILIPINO

Pagsusuri sa Nobelang

Ang Bulaklak sa Kabaret


Ni Ruperto Santiago Cristobal
Kahingian sa asignaturang:

Lit 117 Panunuring Pampanitikan


Ipinasa Kay:

Dr. Erico M. Habijan

Ipinasa Ni:

Jetro Luis D. Torio


CTE 3- Medyor sa Filipino

I.

Introduksyon

Ang pagsusuring ito sa nobelang Ang Bulaklak sa Kabaret ay naglalaman ng ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa nobelang nasabi, napakilala ang mga tauhan at ang kanilang ginampanang karakter, natukoy ang mahahalagang tagpo sa nobela sa pamamagitan ng pagtalakay ng buod, pagtalakay sa mga pilosopiyang nakapaloob sa nobela at ang pag-alam sa mga hamon at mahahalagang kaisipang nais ipahayag ng may akda sa mga mambabasa noon at sa kasalukuyang panahon.

Ang nobelang ito ay isinulat ni Ruperto Santiago Cristobal at nalathala noong taong 1918. Ang nasabing nobela ay naglalaman ng mahahalagang pangyayari sa kasyasayan na sinasabing isa sa mga naging sakit ng ating lipunan. Ang Bulaklak ng Kabaret ang titulo ng nobelang ito na sumisimbolo sa mga magagandang at nakahuhumaling na mga bulaklak na makikita sa kaharian ng Dyablo o ang kabaret. Kakikitaan ang nobelang ito ng mga bulaklak na napadpad ng malakas na hangin mula sa ibat ibang lugar. Iba-iba ang katangian nito ang ibay sariwa at ang iba namay tila binasa na. Para naman kay Dr. Erico Habijan sinabi niya na ang salitang bulaklak para sa lahat ng akdang pampanitikang nababasa ay sumisimbo lo sa isang babae. Na kung saan masasabing tama ang kanyang tinuran dahil sa nobelang ito ay mapatutunayang ang mga bulaklak nga ay mga babae dahil mula sa titulo at kabuuan nito ay mababasa na sina Amor at Matang -Tsina ang mga magagandang bulaklak na makikita sa loob ng kabaret. Samantala ang kabaret naman ay lugar kung saan makikita at masasaksihan ang mga taong naghahanap ng panandaliang aliw sa presyong sapat at kagiliw-giliw. Ito ang tahanan ng mga taong handang lumustay ng malaking salapi para mabili at makuha ang inaasam na aliw.

II. May-akda Si Ruperto Santiago Cristobal ayon sa paglalarawan at sa mga panunang salita na ibinigay ni Julian Cruz Balmaseda ay nagsabi ng ilang pahayag bilang bahagi ng pagpapalimbag ng aklat na ito. Ang mga sumusunod ay ilan sa kanyang mga pahayag na matatagpuan sa unang bahagi ng nobela. Hindi kabilang sa ilan sa marami nating mga manunulat na katulad ng isang musmos na sa likas na kalikutan, ay nagpupumilit na makatakbo bago mag-aral na humahakbang at lumakad. Ang ibay madalas na magsimula sa pagsulat ng isang kwentoo tula bago mag-aral sa pagsulat ng wikang tagalong. Para bagang ang Wikang Tagalog ay hindi isang karunungang dapat pagdurugan ng utak, Anakin bagay isang kasangkapang may pako ka lamang at martilyong hawak ay mapaglalapat-lapat mo na agad. Siya ay unti-unting munang nagsunog ng kilay, nag-inot na magsulat ng maikling balita sa mga pahayagan, nagbabasa ng mga sari-saring mga nasulat sa wikang tagalong, maraming hatol sa mga lalong kilalang guro sa pananagalog, bago nagtangkang sumulat ng isang maikling kasaysayang pinakaensayo niya sa pagpasok sa matinik na buhay ng pagkamanunulat. Isang taong nakakit ng isang namamangka, ang ginaway nanghiram ng sagwan, humanap ng sasakyan sa laot ay gayong hindi pa niya nalalaman ni ang pagsikil at pagkabig, ang pagsalunganay at pagayon sa agos ng tubig, saka nasa laot nay doon magugunita ang kaniyang malaking pagkakamali. IV. Banghay: Ang panimula ng kwento ay kakikitaan ng buhay ng mga bulaklak sa kaharian ng dyablo. Kung ano nga ba ang mga katangiang kanilang talaga at ang paraan kung papaano sila nakasusungkit ng mga parokyano at kung ano ang kanilang lihim upang ituring bilang diyosa ng gabi. Makikita rin sa simula ang mga lalaking mahilig sa bulaklak at kung paano sila nito napaliligaya. Ang suliranin sa kwento ay kaugnay sa
3

lihim na pagtingin nina Matang-Tsina at Sunny kina Danny at Amor. Nagkaisa ang dalawang sakim na ito upang paglaruan at paikot-ikutin ang kapalaran ng magsing-irog. Gumawa sila ng paraan upang magtagumpay ang kanilang mga balak hinggil sa planong pag-angki sa kanilang mga gusto. Sa kasukdulan ay nang mabunyag na ang mga lihim na itinatago ng dalawang magkasabwat kasama na si Joe na siyang nagsilbing tagapaghatid ng balita ukol sa mga planong pagpaslang sa dalawa. Kapwa mainit ang dalawa sa isat isa ng nalaman ang mga lihim, lahat ay nagulat dahil sa di inaakalang sabwatan ng tatlo at kung paano nila nagawang paikutin ang magsing-irog para lang sa pansariling kagustuhan. Sa kakalasan ay hindi nakayanan nina Danny at Amor ang nalaman dahilan upang tuluyan silang magalit sa isat isa at kapwa tumakas sa mga panlililang na kanilang nalaman. At sa pagwawakas ay kasawian at sa dininaasahang pagkakataon ay muling pinagtagpo ang mga nagkasala at ginawan ng sala ang naging kaganapan sa huli. Dala ng labis na galit at hinagpis ni Amor sa mga taong naglaro sa kanyang buhay at sa minamahal ay iniligay niya ang hustisya sa kanyang kamay. Kapwa pinaslang sina Sunny at Joe dahil sa paniniwalang silang ang sumira ng buhay nito. At sa pagtatapos nagbayad ang mga nagkasala at naging masaya ang naging buhay nina Amor at Dany na nauwi sa kasalan. IV. Mga Mahahalagang Karakter sa Nobela: 1. Margarita Ngunit kalian darating ang kaligayahan ng isang pusong napipigta ng luha sa pagtangis? Kalian pararatingin ang awa sa isang napayupyop sa Dios upang huwa mabulid sa pagkakasala ang isang tao? Siya ang pinakapangunahing tauhan sa nobela. Siya ay mas kilala sa pangalang Amor Mio, isang dalagang ulila sa pagmamahal ng magulang at maagang namulat sa mundo ng realidad dahilan upang siya ay mapadpad sa mundo ng kabaret. Simpleng babae na walang ibang hangad kundi mabuo ang pamilya at mahanap ang tunay na pagmamahal.

Ang kanyang katauhan ay kakikitaan ng pilospiyang estosismo, dahil siya ay nagpakasakit at nagtiis sa mga hamong kanyang hinarap mula nang siyay maulila sa kanyang pamilya at sa mga taong naglaro at nagpaikot sa kanyang buhay. Larawan siya ng dalawang mukha ng Pilipinas kung saan ang una ay ang mukhang ng pagtitiis mula sa mga taong mapanlamang na pilit na inaangkin at dinudungisan ang malinis nitong mukha para lamang makuha ang kagustuhang kanilang hinahangad. Ikalawa ay mukha ng pagtitiis at pagiging matatag sa kabila ng mga hamong kanyang naranasan ay nanatiling nakatayo at umaasang mga kabayaran ding naghihintay sa mga taong lumapastangan sa kanya. 2. Danny ah, mangyari pa, talagang nais kong tayoy makasal upang sa harap ng Dios at sa harap ng taoy aking isumpa na ikaw ay aking iniibig, iibigin at paglilingkuran Babaeng walang malay! Babaeng marunog makipaglaban sa hapis at sa kamunduhan! Babaing kung pamagalan ng ibay putik, ngunit babai palang kritsal ang kabagay, malinis na batong marmol iginagalang kita, pagpalain ka nawa sa aking piling lalong maging kalinisnisan, mapagtapat, katangi-tangi Siya ay mas kilala sa tunay niyang pangalang Jose. Kilalang makapangyarihan at nakaririwasa sa buhay kung kayat lahat ng kanyang gustoy imposibleng di niya makuha. Siya ang lalaking nagpakita ng labis at tunay na pagmamahal kay Amor. Sa kabila nang kanyang karupukan bilang lalaki ay nanatili parin ang kanyang paninidigan at responsible mula sa mga kasalanang kanyang ginawa. Sa kabila ng kanyang pagiging makapangyarihan ay hindi niya ito itinuring bilang instrumento upang makuha ang kanyang mga kagustuhan bagkus ay sinikap niyang alisin at isantabi ang posisyong ito para lamang maging patas ang kanyang pakikisama at turing sa taong sa palagay niyay makapagpapasiya sa kanya. Siya ang simbolo ng mga kalalakihang nadadala lamang ng tukso sa kabila ng pagiging marupok nito. Ang tunay na lalaki na handang magsakripisyo para sa kanyang

minamahal at kakayahang panindigan ang mga bagay na alam niyang bunga ng kanyang pagkakasala. Sa kasalukuyan ay marahil iilan na lamang ang tulad niya na tumatayo para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama. Dahil may mga tao lalo na ang mga politiko na naghahanap rin ng kasiyahan ngunit ang pinagkakaiba nga lang ay masyadong ginagamit ang kapangyarihan upang malamang at makuha lamang ang kagustuhan. Kung pakasusuriin siya ang kanyang karakter sa nobela siya ay maihahanay sa pilosopiyang 3. Matang-Tsina Malinis ang suot na at pangalan, ngunit kung tatarukin ay kasing dungis din naming ang iyong kaluluwang iniingatan. Isa sa mga magagandang bulaklak na makikita sa loob ng kabaret. Mas kilala sa bansag na Matang-Tsina ngunit ang kanyang tunay na pangalan ay Amalia Regino. Dating maybahay ngunit dahil sa si matustusang luho niya ay nagawa niyang hiwalayan kanyang asawa at lumisan sa buhay na kinagisnan. Kilala siya sa pagiging tuso at mapaglaro dahilan upang siyay magbilang ng kanyang kinaksam a mula kay Yapco, Mr. Sydney at Ernani. Halos lahat ay nagsilbing panandalian lamang at maging dahilan upang kagustuhan at angkinin si Danny. Bunga ng pagiging mayaman at katyuan nito ay agad itong kinagiliwan at pinagplanuhan ng tusong si Amalia. Siya ang babaeng lahat ay hahamakin at gagawin para lamang makuha ang kanyang kagustuhan sa buhay. Dala marahil na kanyang sinapit noon ay pilit niya itong inaalis para mabuhay ng masagana at sunod sa luho. Nagawa niyang paikutin ang lahat ng mga tao sa kanyang paligid at gawing sunod-sunuran ang taong nagmamahal sa kanya na si Ernani. Sinubukan niya rin sirain ang isang maayos na buhay para lanag sa pansariling kagustuhan. Sa kasalukuyan ay may mangilan-ngilang babae ang katulad niya lalo na ang mga tinatawag na kerida, kabit o mistress na hindi iniisip kung anong pamilya ang kanilang
6

sinisira. Isa ito sa mga isyung nakikita hanggang sa ngayon dahil sa halip na mapigilan ito ay patuloy paring marami ang gumagawa. Batay sa kaniyang katauhan siya ay halimbawa ng pilosopiyang materyalismo dahil tanging pera at iba pang materyal na bagay ang kanyang hinhangad sa mundong ito. walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang mga bagay na nakapagpapasiya sa kanya kaysa sa tunay na pagmamahal na di niya nararamdaman. 4. Sunny Malinins sa tingin lamang, ngunit ang budhiy sadyang mahalay Kay ganda mo! (Amor) sariwang-sariwa pa ang iyong balat, namumurok pa ang iyong mga pisngi, ang mga mata moy walang malay pa sa kamunduhan, at ang iyong pusoy nangangailangn pa ng tapat at wagas na kalinga Nakapaghignati rin ako! Inaasahan kong akoy magtagumpay! Magdiwang ka sa ating tagumpay Kilalang abogado at isa sa mga parokyanong madalas mapadpad sa kabaret upang mapunan ang tawag ng laman. Siya ang lalaking lihim at hibang sa pagmamahal ni Amor. Dala ng labis na pagnanasa at pag-ibig na di makuha ay nagawa niyang gumawa ng mga bagay na makasisira sa buhay ng taong pinakamamahal niya. Unang-una ay nagawa niya paulit-ulit na itagao at halayin si Amor at ikalawa ay ang pagtatangka sa buhay ni Danny na sadyang nakasasama kung iisipin. At ang isa sa pinaka-nakagigimbal sa lahat ay ang ginawang panghahalay sa nawawalang kapatid ni Amor na si Gloria nang itoy nasa edad sampu. Siya ay naayon sa pilosopiyang maytismo at hedonismo, dahil sa pilosopiyang maytismo ay ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang makuha niya ang kanyang hangad at kagustuhan sa kabila ng kahinaan nito. Sinamantala niya ang kanyang posisyon upang gawan ng masama ang mga taong mahihina. Bagamat masasabi nating dalai to ng kagustuhan niya ay may pagkakasala pa rin siyang nagawa sa mata ng Diyos at sa batas ng tao. Kung
7

pilosopiyang hedonismo naman ay tugmang-tugma ito sa katauhan niya dahil ayon nga sa pilosopiyang ito anumang bagay na nakapagpapasiya at makapagdudulot ng kasiyahan at kakuntentuhan sa kanyang buhay. 5. Ernani Akoy hindi na si Ernani ang lalaking hinahangaan sa kanyang pagkamatimpiin. Ngayoy isa na akong sawing nagumon sa kamunduhan, walang ngalan, walang puri, walang karangalan; isa ako ngayong binatang walang kinikilalang Diyos kung hindi ang aliw, walang kinikilalang buhay kundi ang pag-ibig, walang kinikilalang liwanag kung hindi ang mga mata ng babae. Siya ang binatang taga-Sampaloc at ang lalaking-kuro kung ituring ni Amalia. Sa kabila nang kanyang lihim na pagnanasa at pagkagusto dito ay sunod-sunuran siya sa lahat ng kagustuhan nito. Dulot ng labis na paghanga at pagnanasa ay nabulag na siya sa mga ito dahilan upang siyay maging masama at magbago ng katauhan. Kakikitaan siya ng pilosopiyang humanismo dahil ayon sa pilosopiyang ito tanging tao lamang ang sentro ng mundo nakasalalay sa kanya kung ano ang magiging kapalaran niya dahil siya ang gumagawa nito. Sa kabuuan ng nobelang itoy makikita sapagkat sa kinahinatnan nang kanyang buhay ay masasabing nagkamali siya ng desisyon dahil sa mga naging epekto nito sa kanyang buhay na nasira dala ng labis na pagmamahal. Sa kasalukuyan ay may mga tao parin ang katulad ni Ernani lahat ay hahamakin at gagawin para lamang maasam ang hinahanap na pag-ibig. Hindi masama ang maghangad ng labis na pag-ibig ngunit kung buhay mo naman ang magiging kabayaran nito ay sadyang di katanggap-tanggap. Dulot ng labis na pag-ibig ay may mga taong nakagagawa ng isang bagay na alam naman nilang mali ay ipagpapatuloy at gagawin pa rin nila. Isang suliraning makikita sa nobela na mapapansin hanggang sa ngayon.

6. Joe Ang kabutihang asal palay nakamamatay! Mas kilala sa kanyang tunay na pangalang Jose Capistrano. Ang lalaking tuso at masunurin na kasabwat nina Matang-Tsina at Sunny sa paglalaro ng mundo ng magsing-irog na sina Danny at Amor. Nakilala siya bilang ama ng kanyang dalawang anak na sina Engracio at Roberto at asawang si Flora. Kilala bilang iresponsableng ama dahil mas inuuna pa ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kapakanan ng kanyang pamilya. Siya ay kakikitaan ng pilosopiyang humanismo dahil bilang sentro ng mundo ay siya ang gumagawa ng kanyang kapalaran.ipinapakita niya ang mga katangiang naitataglay ng pilosopiyang ito. Sa modernong panahon ay maihahalintulad siya sa mga batugang asawa na walang ibang ginawa kundi ang unahin ang sarili bago ang pamilya. Isa itong suliranin na ipinakita sa nobela tulad ng asawa ni Sisa na si 7. Gloria Nang mag-iisang buwan na ako sa nasabing bahay ay nahiling sa akin niyan na magdala ng tubig sa kanyang silid, sumunod ako ; malikot na yaoy isinara ang pinto at akoy ginahasa Ang nakababatang kapatid ni Amor na nawalay sa kanya sa loob ng walong (8) taon. Tulad ng kanyang ate ay maaga ring naulila sa pagmamahal ng magulang. Dahil siya ay ulila na at walang pamilyang aaruga ay maagang namasukan bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Maynila upang may masilungan. Dala ng kanyang kamusmusan at kahinaan siya ay paulit-ulit na pinagsamantalahan ng kanyang amo na si Sunny. Nang lumaon siyay pinalayas sa tahanang iyon dahil sa kahalayang ginagawa niya umano. Siyay

inaruga ng ampunan sa loob ng walong taon hanggat siya matagpuan ng kanyang kapatid. Siya ay kakikitaan ng katangiang nagtataglay ng doktrinang pang-asal dahil puro pagpapakasakit, pagtitiis at pagtyatyaga ang kanyang ipinakita sa kabila ng mga suliraning kinaharap niya sa buhay. Simbolo siya ng mga kaabbaihang inabuso at pinagsamantalahan ang kahinaan. Tulad ng ating bansa, inalisan ng kasuotan at pilit na hinubad ang yamang pinakatatago nito. Sa ngayon ay napakarami paring mga kababaihan ang naaabuso partikular na ang mga menor de edad, dahil sa kawalang proteksyong ibinibigay ng mga magulang at ng awtoridad na siya dapat nangangalaga rito. 8. Flora Kung nais po ninyo itay, ang pilitin akong makasal sa lalaking hindi ko iniibig ay pumapayag ang inyong anak Siya ang babaeng nagpakasakit at nagtiis sa pagmamalupit ng kanyang asawang si Joe. Isang simpleng dalaga na pilit ipinakasal sa lalaking di naman niya mahal kapalit lamang ang salaping kagustuhan ng kanyang ama. Isang simpleng maybahay na handang magtiis sa ngalan ng kanyang dalawang anak. Ang kanyang katauhan ay simbolo ng babaeng handang lumaban para sa kaniyang karapatan. Hindi sumusuko sa anumang suliranin sa buhay at walang ibang prayoridad kundi ang kanyang mga anak at pamilya. Katulad rin ni Gloria siya ay nagtataguyod ng dokrtinang pang-asal dahil nagpakasakit at tiniis ang lahat para lamang sa kapakanan ng kanyang pinakamamahal na mga anak. V. Pagsusuri sa mga Pilosopiyang nakapaloob sa Nobela

10

Sa kabuuan ng nobela itoy kakikitaan ng ibat ibang pilosopiya tulad ng Estoisismo, Teyismo, Maytismo, Humanismo, Hedonismo at Materyalismo bilang mga pilosopiyang nakita at nangibabaw sa katauhan ng bawat karakter at mga kaganapang nabuo sa kabuuan ng akda. Bunga marahil ito ng matalinong obserbasyon ng manunulat ay nagawa niya mapagsama-sama ang mga gawi ng mamamayan noon na makikita hanggang sa kasalukuyang panahon. Isa ang Pilosopiya Estosismo bilang isa sa mga pilosopiyang makikita sa nobela, nagtataglay ito ng doktrinang pang-asal na makikita sa katauhan nina Gloria, Flora at Amor ang mga babaeng maituturing na martir dahil sa pagtitiis, pagtyatyaga at pagpapakaskit ang kanilang ipinakita. Mga babaeng sa halip na kaawaan ay kabibiliban dahil sa katapangan. Si Amor bilang bulaklak ng kabaret ay sadyng maipagmamalaki dahil sa kabila ng kanyang hanap-buhay ay sinikap niyang huwag masira ang kaniyang buhay ng kanyang ginagawa. Alam niya kung paano ilulugar ang mga gawing makikita lamang sa tahanan ng Dyablo. Sa kabila ng kanyang sinapit pinaglaruan ang kanyang buhay ng mga taong galit sa kanya ay pinanatili parin niya ang pagtitimpi sa una. Ayon nga sa banal na kasulatan na matatagpuan sa Mga taga Galasia 5:2-3 sinabing Kahinahunan at Pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. kung saan sa unay sadyang pagtitimpi ang ipinakita niya dahil naniniwala siya na mapapalad an g inaapi at alam niya na sasapitin rin ng mga taong yaon ang kanilang pinagagawa. Ngunit sa huli ay inilagay niya ang hustisyang kanyang hinahangad sa kanyang kamay nang paslangin niya ang mga taong gumawa ng kasalanan sa kanyang mahal sa buhay na sina Sunny at Joe. Kung sa mata ng Diyos ang pagbabatayan ay sadyang mali ang kanyang ginawa ayon nga sa Bibliya sinabi ng mga Ebreo 10:29 Sapagkat kilala natin

ang nagsabi, Akin ang paghihiganti; Ako ang magpaparusa. Ibig sabihin ay hindi dapat
natin ilagay sa ating kamay ang hustisyang ating hangad dahil sa batas ng Diyos ay malaking kasalanan ito. dahil makikita sa ilang bahagi ng nobela na tanging kamatayan lamang ang magiging kabayaran sa lahat ng kanyang sinapit, na makikita sa banal na

11

kasulatan na sinabi ng mga Taga Roma 6:20 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng

kasalanan na siyang pinanghahawakang prinsipyo ni Margarita.


Makikita rin sa nobelang ito ang pilosopiyang Maytismo na nagsasabing lakas at kapangyarihan ay siyang wasto at nakasalalay dito ang anumang pagpapasya at buong buhay ng tao. Sa katauhan ni Sunny ay higit na makikita ang pilosopiyang ito dahil gamit ang labis na kapangyarihan ay nagawa niyang samantalahin ang kahinaan ng mga taong walang lakas na lumaban sa katauhan ni Gloria at Danny. Sa kanyang posisiyong pinanghahawakan ay pinaramdam niya sa mga taong ito na kaya nyang hawakan ang batas at lahat ay manipulahin. Naipakita rin ng tuwiran sa nobelang ito na mas nananaig ang makapangyarihan kaysa sa mahihina at tanging pansariling interes lamang ang hinahangad tulad ng sinabi ni Thrasymachus na anumang tama at

makatwiran ay walang iba kundi ang interes ng mas malakas.


Bunga ng makasalanang gawi ng ilan sa mga tauhan sa nobelang ito ay kakikitaan pa rin ito ng pananampalataya at paghingi ng tulong sa Maykapal. Makikita sa akdang ito ang pilosopiyang Teyismo sa katauhan ng bawat isang karakter lalo na sina Danny, Flora at Gloria. Ayon nga sa pilosopiya ng teyismo kung walang Diyos, walang daigdig, walang tao, wala lahat. Dahil sa kabuuhan ng nobela ay hindi nawala sa pusot isip ng mga tauhan ang pagtawag sa Panginoong Diyos. Gaano man kabigat ang pagdurusa na kinahaharap ng bawat isa ay wala silang ibang pinagdudulugan nito kundi siya lamang. Tunay nga na kahit anuman ang katayuan at katauhan mo ay hindi maaring malimot sa ating puso ang Diyos na may lalang sa atin. Kahit na alam nilang silay nakagawa ng kasalanan ay hindi sila nag-imbot at nag-atubili na lumapit sa Diyos na marunong maawa. Dala ng labis na inggit at galit kay Margarita ay nakagawa siya ng mga bagay na pagsisihan niya habambuhay walang ibakundi si Amalia o mas kilala sa bansag na Matang Tsina. Siya ay pumapaloob sa pilosopiyang Hinduismo ng India sa pamamagitan

12

ng Doktrinang Karma. Ito ay batas ng gawa na tumutukoy sa mga bunga ng sariling mga gawa, asal, kilos, batas ng sanhi at bunga. Tulad ng sinapit ni Matang-Tsina ay pinagabyaran niya sa huli ang mga kasalanang ginawa niya sa magsing-irog na si Danny at Amor. Siya ay nadala ng kanyang galit at inggit dahilan upang siyay sumapit sa sukdulan ng kasamaan at matutong magbalak ng masama, kung kayat ang ganitong gawi ay sadyang nakasasam tulad ng nasasaad sa banal na kasulatan matatagpuan sa

Micah 2:1 Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumangon upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon. Sa ganitong gawain ay hindi tama para sa isang
normal na tao dahil itoy patungo na sa buhay na kawalan. Sang-ayon din sa doktrinang ito ang paniniwalang kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin; galit, poot, pagkamuhi, karangalan, kabaitan, kataksilan at iba pa. na siya namang sinapit ng ilang piling tauhan sa nobela. Ayon nga sa Golden Rule ni Confucius, Ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gagawin sa iyong kapwa. Ang tao ang siyang gumagawa ng kanyang kapalaran batay sa kanyang mga desisyon at hangarin sa buhay. Katulad sa naging buhay ni ernani matapos niyang umasa at mabigo sa pag-ibig ni Amalia. Siya ay naayon sa pilosopiyang Humanismo kung saan, itoy nagsasaad na Naniniwala ang pilospiyang ito na ang tao ang sentro ng mundo kung kayat binigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino at talento. Sa katauhan din ni Dany ay naipakita niya ang kanyang kalakasan at hindi ang kahinaan, sa kabila ng mga suliranin ay naroroon ang kanyang paninidigan na suungin at kayanin ang delubyo ng kasamaang gawa nina Sunny, Joe at Amalia. Ayon pa sa pag-aaral ni Habijan, Ang tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin, kalayaan sa pagpapasya maging sa pagkilos. Ang kalayaan ng isang tao ang

13

makapagdudulot sa kanya ng kakayahang makipag-ugnayan at makapaglabas ng saloobin batay sa mga nadarama at nararanasan nito. Isa ang pagiging materyalistiko ng tao ang nakapagdudulot sa kanya ng kalungkutan at kasiyahan, depende sa kanyang hangad na labis na makapagpapasiya sa kanyang buhay. Ang usaping ito ang isa sa mga pilosopiyang nakikita sa nobela ang pilosopiyang materyalismo. Si Matang-Tsina ang higit na nagpakita ng mga katangiang taglay ng pilosopiyang ito dahil dulot ng buhay na kanyang pinagmulan ay natuto siyang mamasukan sa kabaret at magsimulang maghangad ng mga materyal ba bagay. Mga bagay na sa tingin niya ay lubusan siyang sasaya tulad ng pera, alahas at mga kayamanan. Kaya nagawa niya rin akitin at bilugin ang ulo ni Dany dahil sa hangad lamang nitoy kayaman at ang mabuhay bilang isang reyna. Ang pilosopiyang Hedonismo naman ang isa sa pinakanangibabaw na pilosopiya sa kabuuan ng nobela dahil naglalaman ito ng ibat ibang kaganapan kaugnay sa tunay na pagahhanap ng isang bagay na ikasisiya ng bawat isa. Sa katauhan nina Dany, Sunny at Ernani ay mababakas ang pilosopiyang ito na siyang nasuri sa nilalaman ng akda. Ayon nga sa pilosopiyang ito ang kasiyahan at plesyur ang tanging layunin ng tao sa mundo: kasiyahan, satispaksyon ng pagnanasa, kung kayat haban g masarap ang plesyur mas okay. Ang mga ito ay nakapaloob sa pilosopiya ng Hedonismo mula sa salitang griyego na hedone (pleasure) at hedys (tamis). Dahil ang naging sentro ng pagnanasang ito ay ang mga bulaklak sa kabaret, ito ang lugar kung saan masasalamin ang ibat ibang pagnanasa sa laman. Tanging sagot sa nauuhaw na laman ang hinahanap ng mga kalalakihang hindi makuntento sa isang kinakasama. Ayon nga kay Aristippus ang plesyur ang tanging okay. Ngunit ang plesyur na ito ang nagiging sanhi ng labis na pagnanasa at pagahhangad sa mundo. Nakapagdudulot ito ng labis na kaisipang kamunduhan lalo na sa mga taong hayuk sa laman kung ituring.

14

Sa kasalukuyang panahon ay hindi na bago ang ganitong usapin dahil kahit saang sulok ka man tumingin ay hindi mawawala ang mga ganitong uri ng tagpuan na siyang nagsisilbing lugar upang magawa at mairaos ang pangagailangang sekswal. Hindi narin lalaket babae ang gumagawa nito bagkus kapwa parehas kasarian ay gumagawa na rin nito. Gayundin ang talamak na prostistusyon na isinusulong na maging legal sa ating bansa bunga ng lumalaking bilang ng mga kaso nito na halos lahat ng biktima ay mga kabataang menor de edad. Ang huling pilosopiyang makikita sa nobelang ito ay ang materyalismo. Sa nobelang ito tanging si Matang-Tsina lamang ay higit na nagpapakita.ng mga katangian at gawi na taglay ng pagiging materyalistiko. Ayon sa pilosopiyang ito ang bawat bagay sa mundo ay maaring materya, ang simula at wakas ng isang bagay. Ang kamatayan ang magpapalaya sa tao sa lahat ng mga uri ng kasamaan at paghihirap. Sa kinahinatnan ng buhay ni Matang-Tsina ay tanging kamatayan lamang ang naging kabayaran sa kanyang mga kasalanan sa magsing-irog na sina Dany at Amor. Dahil sa pagkamatay na iyon ay naging maayos na at tahimik na ang buhay ng lahat ng tao kasama rina sina Joe at Sunny na lumagay na ang buhay sa kapayapaan.

15

You might also like