Professional Documents
Culture Documents
iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. III. Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan namula ang Bulkang Taal. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga Batangueo. IV. Tema o Paksa ng Akda Walang sinuman ang makakahadlang sa tunay na nagmamahalan V. Mga Tauhan o karakter sa akda Datu Balindamabuting pinuno sa balangay ng Batangan, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Prinsesa Lita o Taalitakaisa-isang anak ni Datu Balinda. Siya ay maganda, mayumi at mahinhin, mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak. Datu Mulawinnapangasawa ni Prinsesa Taal dahil sa matiyaga niyang paglusong at paghahanap ng singsing nito sa Lawa ng Bunbon. Siya ay nagmula siya sa Nasugbo. Matandang nunomay-ari ng Lawa ng Bunbon na naiinggit sa kasiyahan ng mag-asawa VI. Tagpuan o Panahon Sa balangay ng BatanganLawa ng Bunbon VII. Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pagkakalikha ng Bulkang Taal.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan.
X.
Buod: Noong unang panahon may isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan. Mayroon siyang isang anak na babae na maganda, mayumi at mahinhin. Siya si Prinsesa Lita o Taalita na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan. Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higupin ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak. Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda dahil nalaglag sa Lawa ang kanyang singsing na pamana pa ng kanyang yumaong ina. Takot niyang sinabi ito sa ama ngunit hindi naman ito nagalit, bagkus ay nagpasyang maghanap ng magaling sumisid. Inanunsyo niya na ang sino mang makasisid sa singsing ng prinsesa ay syang magiging kabiyak nito. Maraming sumisid ngunit si Mulawin lamang ang nakakita nito sa loob ng tyan ng isang butete.
Masayang nagsama ang prinsesa at ang nagging Datu Mulawin. Sa kabilang banda, may isang matandang nuno pala na may-ari ng lawa ang naiinggit sa kasayahan sa palasyo. Isang araw masayang namangka ang mag-asawa. Pilit inabot ng prinsesa ang isang lotus ngunit nahulog ito sa lawa. Agad namang tumalon si Datu Mulawin upang sagipin ang asawa subalit kapwa ito lumubog dahil sa kapangyarihan ng nuno. Hindi na nakita ang mag-asawa. Mula noon may lumitaw na isang pulo sa gitna ng Lawa ng Bunbon na tinawag na Bulkan Taal para maalala ang magasawang Prinsesa Taal at Datu Mulawin.
iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. III. Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan namula ang halamang Alagaw. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga Batangueo. IV. Tema o Paksa ng Akda Ang pagmamahal ng isang tao ay maaaring maiparating o maipabatid sa ibat-ibang paraan V. Mga Tauhan o karakter sa akda Raha Matapangbantog na mandaragat at pinuno ng balangay ng lumang Taal. Marahasbinatang kawal ni Raha Matapang na uliran sa bait at sigla. Siya ay naghabilin ng halaman sa kasintahan niyang si Mutyang Marikit bago sya magtungo sa digmaan sa baybayin ng Mindoro. Mutyang Marikitkasintahan ni Marahas at nagbigay ng ngalang alagaw sa halaman. VI. Tagpuan o Panahon Sa Lumang TaalLawa ng Bunbon Ika-labinlimang daantaon VII. Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pagkakalikha ng halamang alagaw at kung papano ito nakatulong sa mga tao noon pa man.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan at kawili-wili.
X.
Buod: Noong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangan di pa lalawigan natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Noong panahong iyon ay malimit ang mga Moro sa baybay-dagat ng Balayan at Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ang pangangasiwa ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan. Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito: "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda aydi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ating balangay. Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako- ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."
Matagal na panahon ang lumipas ngunit walang balitang galing kay Marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamang iniwan sa kanya ng kanyang nito. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan. Isang araw, ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nagsawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman. Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan. Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pagaalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak. Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, nglagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon g halaman at ng mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan, iinom ng tubig na pinangalagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng halaman. Mula noon, tinawag itong alagaw ni Marikit sa di malamang dahilan.
II.
Uri ng Panitikan Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ito ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito din ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula noong unang panahon at nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ito ay pinaniniwalaan ng maraming tao na totoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan o sa ating kultura. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat.
III.
Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan namula ang unang ahas. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga Tagalog.
IV.
Tema o Paksa ng Akda Ang mga magulang ang dapat nirerespeto at iginagalang
V.
Mga Tauhan o karakter sa akda Aling Simaatbyudang ina ni Masung Masungmalaki ang pangangatawan ngunit tamad, lasinggero, kinakatakutan ng mga taga-nayon.
VI.
VII.
Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng unang ahas.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan.
X.
Buod: Noong unang panahon may mag-inang naninirahan sa isang nayon sa Katagalugan. Ang ina ay isang biyuda, si Aling Simaat. Ang kanyang anak ay si Masung na malaki ang katawan ngunit ubod nang tamad. Hindi man lamang nito matulungan ang ina sa pagtatrabaho sa bukid, bagkus pabigat pa ito at lagging uminom. Isang araw, nagulat si Aling Simaat sa nagawang ingay ng pinto ng kanilang bahay dahil kay Masung. Naghahanap ito ng gulok dahil may nakaaway raw ito. Sumigaw at humingi ng tulong si Aling Simaat sa mga kapitbahay. Anim na lalaki ang nagtulung-tulong para awatin si Masung. Minsan ay Umuwi si Masung na gutum na gutom. Wala syang naabutang pagkain kaya galit na sinikmat ang inang may sakit. Pilit nya itong pinabangon at sinipa. Sa kawalanghiyaang inasal ni Masung, hindi nakapagtimpi ang ina at isinumpa, Walang utang na loob! Lapastangang anak! Isinusumpa kong ikaw na ubod ng tapang ay gagapang sa lupa at kailanman ay hindi na makakatayo! Mananatili ang iyong kabagsikan at lalo kang katatakutan ng mga tao! Tinawanan lamang ni Masung ang ina at tinalikuran patungong bukid. Naglalakad sya nang biglang natumba at hindi maitayo ang mga paa. Naramdaman niyang unti-unting humahaba at pumapayat ang kanyang katawan hanggang tuluyang mawalat ang mga paat kamay. Nasaksihan ito ng isa niyang nakaaway at ng mga tao sa nayon. Nakita nila ang isang hayop na gumagapang at umakmang manunuklaw sa kanila. Nagtakbuhan ang mga tao palayo sa damuhang iyon sa takot na matuklaw ni Masung, ang unang ahas.
Ang grupo ng isla ng Mindanao ay binubuo ng mismong isla ng Mindanao, kasama ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran. Ang grupong ito ay nahahati sa anim na rehiyon, na nahahati naman sa 25 mga probinsya. II. Uri ng Panitikan Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ito ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito din ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula noong unang panahon at nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ito ay pinaniniwalaan ng maraming tao na totoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan o sa ating kultura. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. III. Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan namula ang salitang Mindanao. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga tagaMindanao. IV. Tema o Paksa ng Akda Madaling pumitas ng bunga, kung dadaan ka sa sanga. V. Mga Tauhan o karakter sa akda Sultan pangangatawan Prinsesa Mindaanak ni Sultan Gutang, maganda, maraming tagahanga saan dako ng karatig pook at marami ang nanliligaw Gutang--matapang, magandang lalaki at may matipunong
VI.
VII.
Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng Mindanao.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan.
X.
Buod: Noong unang panahon may isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usapusapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak
siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't muling nag-iisip. Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan. Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na rin siyang humahanga sa kanya. Dahil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa. Sinimulan na ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ikasampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang. Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan. Ang huling pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod nyang gagawin upang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan.
Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan. Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe. Agad na pinasiyasat ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali ang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe. Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.
III.
Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan namula ang palay na kinakain natin ngayon. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga taga-Cordillera.
IV.
Tema o Paksa ng Akda Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
V.
Mga Tauhan o karakter sa akda Grupo ng mga katutubo Mga diwata Reyna ng mga Diwatanagbigay ng butyl ng palay sa mga katutubo
VI.
VII.
Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng palay.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan.
X.
Buod: Noong unang panahon ang mga katutubo ng Bundok Cordillera ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Ngunit isang araw, nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungangkahoy. Ang mga tao ay nalungkot. Ang mga katutubo ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Habang nagpapahinga, dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang. Kinumbida sila na magpunta sa yungib. Dito nakilala nila ang Reyna. Nagsaya sila noon, nag-awitan, nagsayawan at kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng puting pagkain. Matapos ang kainan, ang mga lalaki ay naging bata. Pinainom sila ng puting alak at sila'y at naging matalino. Bago umuwi ang mga katutubo nagsalita ang Reyna, "Kayo'y bibigyan ko ng butil. Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga. Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butil ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo." Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.
II.
Uri ng Panitikan Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ito ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito din ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula noong unang panahon at nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ito ay pinaniniwalaan ng maraming tao na totoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan o sa ating kultura. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat.
III.
Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan nagmula ang Bundok ng Banahaw. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga Tagalog.
IV.
V.
Mga Tauhan o karakter sa akda Lukban at Bayabasmag-asawa Limbasnag-iisang anak na lalaki nina Lukban at Bayabas, namumukod sa lakas, tapang at bilis.
VI.
VII.
Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng Bundok ng Banahaw.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan.
X.
Buod: Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw, gayon din ang tahanang natatayo sa paanan at liblib, ay marami nang pook ang pinaninirahan ng mga tao. Lubha pa yaong mga lunsod na malapit sa ilog. Sa maraming mag-aanak na doo'y ay kabilang ang mag-asawa ng Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagluwat, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang pangalang Limbis. Siya ang nagging hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang kabayanihan ni Limbas. Isang araw ay nawala si Limbas kaya nag-alala ang mag-asawa. Hindi sila makakain at makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak. Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala niya ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain. Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang 'encantado'. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatok ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon, ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, di lamang ang mga manok pati ang mga usa. Ang kakawan ay napakalawak at humihitik sa mga bunga. May sasakyang hinihila ang dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. Ang balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga magulang ay unang dulot ng maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga magulang. Kaya ng hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi miminsanang nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkainang dala ang nakasisiya sa kanyang mga magulang.
Minsang pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga bolang ginto!" Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kundi mga bunga ng Anahaw. Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!" Mula noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.
II.
Uri ng Panitikan Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ito ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito din ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula
noong unang panahon at nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ito ay pinaniniwalaan ng maraming tao na totoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan o sa ating kultura. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. III. Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan nagmula ang Bulkang Mayon. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga Bikolano. IV. Tema o Paksa ng Akda Kapag hindi ukol, ay hindi bubukol. V. Mga Tauhan o karakter sa akda Daragang Magayonmaganda Kauenanak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian, mayabang Gat Malayaprinsipeng Tagalog, magalang VI. Tagpuan o Panahon Sa kaharian ng Albay VII. Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng Bulkang Mayon.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan.
X.
Buod: Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga." Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw. Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapit sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian. Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito'y nagsalita, "Magandang Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at makita ang tangi mong kariktan!" "Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!" "Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at ako'y masisiyahan na!"
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib. Nagkikita sila lagi sa batis. Isang araw inalok na ng kasal ni Gat Malaya si Daragang Magayon. Natakot ang dalaga na baka hindi ito magustuhan ng ama ngunit pumayag kaagad ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan. Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan. Kakaunin niya ang ama't ina at silang tatlo ay babalik sa Albay. Sa kabilang banda, nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya at pinuntahan niya si Daragang Magayon. Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: "Kung hindi kita makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!" Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!" Nagtumulin ang mga araw at mga linggo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa at hindi pa nagbabalik si Malaya. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay. Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan - kainan at sayawan. Sa gitna ng kasayahan, dumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang. "Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya. Ngunit hindi pumayag si Kauen. Kaya nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay subok sa espada subalit si Kauen naman ay malansi at mapaglalang. Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalawa. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
II.
Uri ng Panitikan Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ito ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito din ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula noong unang panahon at nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ito ay pinaniniwalaan ng maraming tao na totoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan o sa ating kultura. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat.
III.
Layunin ng May Akda Ang layunin ng Akda ay upang maibahagi kung bakit, papano, kung sino at saan nagmula ang rosas at kung bakit may mga tinik ang tangkay nito. Ito ay sumasalamin sa kultura ng mga Bulakenyo.
IV.
V.
Cristobalmanliligaw ni Rosa VI. Tagpuan o Panahon Sa isang baryo sa Bulacan VII. Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari Ang pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda base sa kultura at kapaligiran nito.
VIII.
Mga Kaisipan at Ideyang Taglay ng Akda Ang akda ay nagtataglay ng mabuting asal at paglinang sa kultura ng mga nasasakupan nito. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng rosas.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagsulat ng may akda ay base sa mga 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran na angkop sa mga mambabasa dahil madali itong maunawaan.
X.
Buod: Noong araw sa isang baryo sa Bulacan, ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan. Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman. Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.