You are on page 1of 113

Yunit 1: AKO AY NATATANGI

Panimula

Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 1, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. naipakikilala ang iyong sarili 2. nasasabi mo ang mga bagay na nanatili at nagbago sa iyong sarili mula nang isilang ka hanggang sa kasalukuyan 3. naihahambing mo ang iyong sariling kuwento ng buhay sa kuwento ng iyong kamag-aral; at 4. napahahalagahan at naipagmamalaki mo ang iyong sarili
1

Aralin 1: Pagkilala sa Sarili


Panimula

Aralin 1.1: Ang Aking Sarila


Pag-isipan Ano ang alam mo tungkol sa iyong sarili? Gawain 1 Maglaro muna tayo. Makinig sa panuto ng guro. Magpapangkatpangkat kayo ng iyong mga kamag-aral ayon sa sasabihin ng inyong guro. Sa larong ito, dapat ay masasabi mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan.

Ano ang mga sinabi mo sa iyong mga kamagaral habang naglalaro? Anong mga pagkakataon kailangan mong sabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? Bakit dapat na alam mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan?
3

Gawain 2 Magpangkat ng tig-aapat. Makinig nang mabuti sa babasahin ng iyong guro. Ipakita sa pamamagitan ng pagsasadula kung paano mo sasabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan. Bibigyan kayo nang sapat na oras upang maghanda at mag-ensayo. Ibahagi sa klase ang inihandang dula.

Ano ang naramdaman mo matapos ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang inyong inihandang dula? Ikaw, naranasan mo na ba ang sitwasyong inyong ipinakita sa dula?

Gawain 3 Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon tungkol sa iyo.

Bago ka ba rito? Anong pangalan mo?

Ang pangalan ko ay ______________ _________________.

Kailan ka pinanganak?

Ipinanganak ako nonong ____________.

Ilang taon ka na?

Ako ay _______ taon na.

Nawawal ka ba? Saan ka nakatira?

Nakatira po ako sa _______________ _______________ ______________.

Gawain 4 Upang lubusang makilala ang iyong sarili, alamin ang pinagmulan ng iyong pangalan. Tanungin ang iyong magulang o tagapag-alaga kung bakit ito ang ibinigay nilang pangalan sa iyo.
Dahil pareho ang araw ng kapanganakan ninyo ni Jose Rizal, isang maipagmamalakin g Pilipino.

Bakit po Jose ang pangalan ko?

Isulat sa loob ng bituin ang iyong unang pangalan. Halimbawa, Jose. Isulat naman sa loob ng bilog ang dahilan kung bakit ito ang ibinigay sa iyong pangalan. Halimbawa, pareho ang araw ng kapanganakan namin ni Jose Rizal, isang maipagmamalaking Pilipino.

JOSE

Pareho ang araw ng kapanganakan namin ni Jose Rizal, isang maipagmamalaking Pilipino.

Humingi ng tulong sa iyong magulang o kasama sa bahay sa pagsagot nito. .

_______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ 8 _______________________

Gawain 5 Ano ang mga pangalang itinatawag sa iyo ng iyong magulang o mga kaibigan bukod sa unang pangalan mo? Sa mga pangalang ito, alin ang pinakagusto mong itinatawag sa iyo? Sa isang malinis na papel, gumawa ng name tag na nakasulat ang pinakagusto mong pangalan. Kulayan ito ng iyong paboritong kulay. Magpatulong sa iyong guro sa paglalagay ng tali. Isuot ito tuwing oras ng klase.

JOSE
Tandaan Mahalagang malaman mo ang iyong iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan. Magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan, kaklase, at kalaro.

Aralin 1.2: Ako ay Katangi-tangi


Pag-isipan Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? Ano ang mga pisikal mong katangian na naiiba sa ibang tao sa iyong paligid? Gagawan 1 Kumuha ng isang malinis na papel at iguhit ang iyong sarili. Pagkatapos mong gumuhit, isulat ang iyong pangalan sa ibabang bahagi ng iginuhit na larawan. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa.

10

Kasama ang iyong mga kamag-aral, ipaskil ang inyong iginuhit sa isang bahagi ng silid-aralan. Ano ang naramdaman mo habang a) iginuguhit ang iyong sarili? b) binabahagi ang iyong iginuhit? c) nakikinig ka sa pagbabahagi ng iyong mga kamag-aral? Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit? Ilarawan ito. Bakit hindi magkakapareho ang inyong mga iginuhit? Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa mga ginawa ng iyong mga kamag-aral?

11

Gawain 2 Napagmasdan mo na ba ang iyong mga daliri sa kamay? Tingnang mabuti ang mga guhit sa iyong hinlalaki.

Lahat tayo ay may thumb print tulad ng tinitingnan ng imbestigador sa larawan. Subukan mong ikumpara ang iyong thumb print sa iyong mga kamag-aral. Bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi. Kumuha ng isang malinis na papel at maghanap ng maaring ipangkulay sa inyong hinlalaki. Matapos kulayan ang inyong hinlalaki, idiin ang mga ito sa isang malinis na papel tulad ng nasa larawan.

12

Tingnang mabuti ang mga guhit sa iyong hinlalaki. Ano ang nalaman mo? Magkapareho ba ang thumb print ninyo ng iyong mga kamagaral? Bukod sa thumb print, may iba ka pang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga kamag-aral. May naiisip ka pa ba? Tandaan: Mayroon kang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga kamagaral tulad ng thumb print, sukat o laki ng katawan, hugis ng mukha, tangos ng ilong, hugis at kulay ng mata, at ang kulay at anyo ng buhok. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang iyong mga angking katangian. Bawat isa sa iyong kamag-aral ay natatangi 13 rin. Dapat mong igalang at pahalagahan ang kanilang angking katangian.

Gawain 3 Masdan ang nasa larawan.

Masaya

Malungkot

Gulat

Galit

Ipinakikita sa larawan ang ibat ibang damdamin ng tao tulad ng masaya, malungkot, gulat at galit. Kailan mo nararamdaman ang mga damdaming ito?

14

Maglaro tayo. Bumuo kayo ng dalawang pangkat na may magkasing-dami ng kasapi. Bawat pangkat ay bubuo ng isang bilog. Gayahin ninyo ang nasa larawan.

Babasahin ng inyong guro ang ibat ibang pangyayari. Pagkatapos niyang mabasa ang isang pangyayari, bibilang siya ng isa hanggang sampu habang ang dalawang pangkat ay umiikot ng magkasalungat. Pagkabilang ng sampu, ipakita sa iyong katapat na kamag-aral ang iyong damdamin sa binanggit na pangyayari ng inyong guro. Ulitin ang gawaing ito sa susunod pang pangyayaring babasahin ng guro. Ano ang naramdaman mo habang ikaw ay naglalaro? Magkatulad ba ang damdamin mo at ng iyong katapat na kamag-aral sa ibat ibang pangyayaring nabanggit? Oo o hindi, bakit?
15

Gawain 4 May mga mukha sa loob ng kahon na nagpapakita ng ibat ibang damdamin. Tingnan ang mga mukha sa loob ng bawat kahon. Kulayan ang bawat mukha ng kulay na iyong naiuugnay sa ibat ibang damdamin. Iguhit din ang mga bagay kung bakit ka masaya, malungkot, nagugulat, at nagagalit sa paligid ng mukha na nasa loob ng kahon. Ang aking damdamin

Masaya

Malungkot

Gulat Tandaan

Galit

Mayroon kang sariling damdamin. Mayroon ka ring sariling dahilan kung bakit ka masaya, malungkot, nagugulat at nagagalit. Katulad mo, ang ibang bata ay may sariling damdamin na kailangan mong igalang at kilalanin. .
16

Aralin 1.3: Ang Aking Pangangailangan


Pag-isipan Ano ang iyong mga pangangailangan sa araw-araw? Gawain 1 Tingnan ang mga pangyayari sa larawan. Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa pangyayari. Isulat sa loob ng bituin ang bilang 14, 1 para sa pinakaunang pangyayari at 4 naman para sa pinakahuli.

Bakit ito ang naisip mong pagkakasunod-sunod ng larawan? Ang tawag sa iyong nabuo ay timeline. Ipinapakita sa atin ng isang timeline kung kailan naganap ang mga pangyayari at ano-ano ang mga bagay na nagbago. Upang makagawa ng timeline, isipin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

17

Gawain 2 Narito ang isang timeline ng iyong ginagawa sa araw-araw. Iguhit ang ibat ibang bagay na kailangan mo sa mga gawaing nakasulat
Mga Pang-arawaraw na Gawain Mga Bagay na Kailangan

Paggising sa umaga

Paliligo

Pagbibihis

Pagpunta paaralan

18

Mga Pang-araw-araw na Gawain

Mga Bagay na Kailangan

Pagpunta sa paaralan Agew-agew a Gagawaen Pag-uwi mula sa paaralan Pagkain ng hapunan Paghahanda bago matulog sa gabi Tingnan muli ang timeline at ang mga bagay na iyong iginuhit. Sa iyong mga iginuhit, alin sa mga bagay na ito ang iyong kailangan upang mabuhay? Alin naman sa mga iginuhit mo ang maaari kang mabuhay kahit hindi mo ito makuha o magamit? Pumili ng isang kamag-aral at ibahagi sa kaniya ang iyong sagot. Pagkumparahin ang inyong sagot. Ibahagi sa buong klase ang napag-usapan ninyo ng iyong kamag-aral.
19

Gawain 3 Tingnan ang larawan na nagpapakita ng mga bagay na ginagamit sa araw-araw. Bilugan ang mga bagay na iyong kailangan upang lagi kang malakas at malusog.

Tandaan May ibat ibang pangunahing pangangailangan ang bawat bata tulad ng pagkain, damit, tirahan, at mga gamit sa paaralan. Iba-iba ang pangangailangan ng bawat bata ayon sa lugar na kinabibilangan at sitwasyong nararanasan.
20

Aralin 1.4: Ang Aking mga Paboritong Bagay


Pag-isipan Ano ang paborito mong pagkain, damit, laruan, lugar na pinupuntahan, at gawain sa araw-araw? Gawain 1 Mula sa mga lumang diyaryo o magazine, gumupit ng larawan ng mga pagkain, damit, laruan, lugar, at gawain na gustong-gusto mo at nagpapakilala sa iyo. Dalhin ito sa klase. Humingi ng isang malinis na papel sa iyong guro. Gamit ang ginupit na larawan, idikit ang mga ito sa malinis na papel. Huwag kalimutang ilagay ang iyong pangalan at ang pamagat na Ito ang Gusto Ko.

21

Alam mo ba kung ano ang tawag dito?

Collage (ko-lds) ang tawag sa gawaing ito. Ang collage ay pinagsama-samang larawan na nagpapakita ng isang malaking ideya. Ibahagi ang iyong ginawang collage sa klase.

22

Gawain 2 Gupitin ang mga larawan ng pagkain. Idikit ang mga ito sa plato. Iguhit sa plato ang iyong mga paboritong pagkain.

23

Ang Aking mga Paboritong Pagkain

Kulayan ang iyong ginawa. Ibahagi ito sa klase at sabihin kung bakit ito ang iginuhit mong mga paboritong pagkain?
24

Gawain 3 Magdala ng mga paborito mong bagay tulad ng aklat, damit, at laruan. Ipakita at ibahagi sa klase ang iyong dalang mga paboritong bagay.

25

Gawain 4 Pahulaan sa iyong mga kamag-aral ang paborito mong gawain o bagay sa pamamagitan ng larong charades. Alam mo ba ang larong ito? Ang charades ay pagpapahula ng isang gawain o bagay sa pamamagitan lamang ng kilos nang hindi nagsasalita. Ang gagawing pagpapahula ng bawat isa ay oorasan ng iyong guro.

Matapos ang larong charades, sumama sa iyong mga kamag-aral na may paboritong gawain katulad nang sa iyo. Maghanda ng isang malikhaing presentasyon na magpapakita ng inyong paboritong gawain. Tandaan Ang bawat bata ay may kaniyakaniyang paboritong bagay, gawain at pagkain. Ang mga ito ang nagpapakilala sa iyo bilang natatanging bata.
26

Gawain 5

Sina Ana at Mara ay matalik na magkaibigan. Lagi silang magkasama. Palagi rin silang nagtutulungan. Pareho nilang gusto ang paglalaro ng piko at bahay-bahayan.

Sina Jun, Anton at Paco ay matalik na magkakaibigan. Madalas silang makikitang masayang naghahabulan, naglalaro ng sipa, at nagtataguan. Palagi rin nilang ipinahihiram ang kanilang mga laruan sa isat isa.
27

Ikaw sino ang iyong mga matalik na kaibigan? Bakit mo sila naging kaibigan? Ano ang mga katangian nila na nagustuhan mo? Magsulat ng isang katangian nila sa nakalaang hugis sa ibaba. Pagkatapos, guputin ito at idikit sa nakapaskil na larawan sa silid-aralan na inihanda ng inyong guro.

Matapos ang gawain, awitin ang kantang Akoy Natatangisa saliw ng awiting Are You Sleeping? Akoy natatangi Akoy natatangi Ikaw rin Ikaw rin Maglaro na tayo Gumawa na tayo Araw-araw Araw-araw

28

Gawain 6 Tingnan at suriin ang larawan ni Jose.

Makikita sa larawan na may nakasulat sa sombrero ni Jose. Mapapansin na ang mga nakasulat ay paraan naglalarawan kay Jose. Ang tawag dito ay graphic organizer. Isa itong paraan nang pagbabahagi at pagsasaayos ng mga ideya sa isang malikhaing paraan.
29

Upang lubos na maipakilala ang iyong sarili, isiping muli ang mga paborito mong bagay. Ipakita ito sa pamamagitan ng graphic organizer na kamay. Iguhit ang mga ito sa larawan ng isang kamay tulad ng iyong paboritong gawain, pagkain, at matalik na kaibigan. Isulat mo rin dito ang iyong pangalan at edad. Ang Aking mga Paboritong Bagay at Matalik na Kaibigan

30

Pag-aralan ang graphic organizer. Pagkatapos gawin ang graphic organizer, bumuo ng pangkat na may sampung kasapi. Alamin kung mayroon sa iyong mga kasama sa pangkat ang may katulad ng nilalaman ng iyong graphic organizer. Bakit walang katulad ng iyong mga isinagot? Tandaan Ikaw ay natatangi. May mga katangian ka na naiiba sa iyong mga kamag-aral. Ang mga katangiang ito ang nagpapakilala sa iyo. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang iyong mga angking katangian

31

Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng Buhay


Panimula

32

Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki


Pag-isipan Anong mga bagay ang nagbabago? Gawain 1 Tingnan mo ang timeline na nagpapakita ng paglaki at pagbabago ng isang agila. Ang Paglaki at Pagbabago ng Isang Agila

Ano ang napansin mo sa agila? Ano ang napansin mong pagbabago? May alam ka pa bang ibang hayop o insekto na ganito rin ang pagbabago? Paano mo maihahalintulad sa tao ang mga pagbabagong pinagdadaanan ng mga insekto o hayop na natalakay sa klase? Ano-ano ang pagkakatulad ng pagbabagong nangyayari sa tao at hayop o insekto natalakay sa klase? Ano-ano naman ang pagkakaiba?
33

Gawain 2 Masdan at ilarawan ang dalawang timeline na nagpapakita ng pagbabago sa buhay ni Buboy at Mimi. Ang mga Pagbabago sa Buhay ni Buboy

Ang mga Pagbabago sa Buhay ni Mimi

Ano ang napansin mong pagbabago sa mga larawan sa dalawang timeline?


34

Ano ang napansin mong pagbabago sa anyo nina Mimi at Buboy? Bakit kaya nagbago ang kanilang anyo? Nakararanas ba lahat ng tao ng ganitong mga pagbabago? Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Gupitin at idikit sa tamang kahon ang bawat larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pagbabagong nagaganap sa isang tao. Ilagay sa kahon na may bilang 1 ang dapat na maunang larawan at ilagay naman sa kahon na may bilang 5 ang dapat na mahuli.

35

Ang mga Pagbabagong Nagaganap sa Buhay ng Isang Tao

36

Gawain 2 Makinig nang mabuti sa ibabahagi ng inyong guro tungkol sa mga pagbabagong naganap at naranasan niya sa kaniyang buhay. Tingnan ang timeline ng buhay ng iyong guro.

Ano ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng iyong guro TANDAAN Ang bawat tao ay nakararanas ng pagbabago sa kanyang pisikal na anyo. Kasabay ng mga pagbabago sa kanilang katawan ang pagdami ng mga kaya nilang gawin.

37

Aralin 2.2: Ang Pagbabago sa Aking Sarili


Pag-isipan Anong mga pagbabago ang napansin mo sa iyong sarili simula nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyang edad? Gawain 1 Ipakuwento sa iyong mga magulang o tagapagalaga kung ano ang mga pagbabago sa iyong sarili ang kanilang napansin mula nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyang edad. Ano-ano po ang nagbago sa akin? Naku, anak! Napakarami ng nagbago sa iyo simula nang maipangan ak ka hanggang ngayon.

Mula sa impormasyong nalaman mo tungkol sa mga pagbabago sa iyong sarili, gumawa ng isang
38

timeline ng mahahalagang pangyayari sa iyong buhay mula noong ikaw ay isang taong gulang pa lamang hanggang sa kasalukuyan mong edad. Iguhit ito sa film strip na makikita sa susunod na pahina. Ang Mahahalagang Pangyayari sa Aking Buhay

Isalaysay sa klase ang mga pagbabagong naganap sa iyong sarili ayon sa binuong timeline.
39

Gawain 2 Ipakita sa iyong mga kaklase ang dinala mong personal na gamit o iparinig ang kuwentong ibinahagi sa iyo ng iyong magulang o tagapagalaga tungkol sa sarili mong buhay. Iugnay din ito sa timeline na iyong ginawa sa Gawain 1.

40

Gawain 3 Ano ang mga bagay na nagbago sa iyong sarili mula noong ikaw ay sanggol hanggang sa kasalukuyan? Mayroon bang mga bagay tungkol sa iyo na nananatili at hindi nagbago kahit lumipas ang mga taon? Sa tulong ng iyong guro o magulang, isulat ang iyong sagot sa nakalaang kahon. Ang mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking Buhay
Mga bagay na nanatili Mga bagay na nagbabago

Tandaan Ang bawat bata ay dumaraan at nakararanas ng pagbabago sa katangiang pisikal at kanyang gawain. Sa kabila ng pagbabagong ito, mayroon pa ring mga bagay na nananatili tulad ng pangalan at petsa ng kapanganakan.
41

Aralin 3: Pagpapahalaga sa Sarili


Panimula

42

Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahalaga sa Sariling Katawan


Pag-isipan Paano mo pinahahalagahan ang iyong katawan? Gawain 1 Tingnan ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Lagyan ng tsek () ang larawang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa katawan at lagyan naman ng (X) ekis ang nagpapakita ng hindi wastong gawi.

43

TANDAAN

Mahalagang pangalagaan ang iyong katawan. May ibat ibang gawain na maaari mong gawin upang mapanatiling malusog ang iyong katawan.

44

Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking Kakayahan


Pag-isipan Ano ang kaya mong gawin? Paano mo pinauunlad ang iyong kakayahan?

Gawain 1 Kilala mo ba ang batang nasa larawan? Makinig sa kuwento ng kanyang buhay. Bakit nabulag si Roselle? Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong malaman ang kuwento ng buhay ni Roselle? Ano ang mga nakamit niyang tagumpay? Paano siya nagtagumpay bilang mag-aaral? Ano-anong katangian ni Roselle ang maaari mong tularan?

45

Gawain 2 Sagutin ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o magulang.

Ako si ___________________________________. Kaya kong _________________________________. Upang maging mas magaling, ako ay__________________________________ __.

TANDAAN Mahalagang paunlarin ang iyong mga kakayahan. May ibat ibang gawain na maaari mong gawin upang mapaunlad ang iyong mga kakayahan

46

Aralin 3.3: Ang Aking mga Pangarap


Pag-isipan Ano-ano ang mga nais mong magawa, makamit o matupad sa iyong buhay? Gawain 1 Pagmasdan ang mga taong nasa larawan sa ibaba.

Haja Amina Appi

Lea Salonga

Soccoro Ramos

Josette Biyo

Kenneth Cobonpue

Manny Pacquiao

Tony Tan Caktiong

Jose Rizal

Minsan din silang naging isang batang katulad mo. Sa kanilang pagsisikap, natupad nila ang kanilang mga pangarap. Ang pangarap ay mga bagay na nais mong magawa, makamit o matupad sa iyong buhay. Ano ang iyong mga pangarap?
47

Gawain 2 Ipikit ang iyong mata. Isipin mo na ikaw ay dalawampung (20)taon na. Ano ang iyong nakikita na ginagawa mo? Iguhit sa loob ng bubble ang iyong sarili dalawampung (20) taon mula ngayon.

48

Gawain 3 Tingnan ang larawan ng isang malaki at dalawang maliliit na bituin. Isulat sa gitna ng malaking bituin ang iyong pangalan. Sa paligid nito, iguhit ang bagay o mga bagay na nagpapakita ng iyong pangarap. Sa dalawang maliliit na bituin, iguhit ang mga dapat mong gawin upang matupad ang iyong mga pangarap. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. .

LINA

na ateng ko.

Butasan ang mga bituin katulad ng nasa larawan at lagyan ito ng tali. Itali sa malaking butas ang maliit na bituin. Isabit ito sa bintana o kisame ng inyong silid-aralan, sa tulong ng iyong guro.

49

Ang Aking Pangarap

Mahalaga ba ang iyong pangarap? Bakit mahalagang magkaroon ng pangarap ang isang tao? Tandaan Bawat bata ay may sariling pangarap. May mga kailangan kang gawin upang makamit ang iyong pangarap.
50

Ang Aking mga Nagawa Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek ang angkop na kahon ng iyong sagot.
Mag-aarall
Guro

1. Nasunod ko ang mga panuto. 2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining. 3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa mga kamag-aral. 4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro. 5. Nakining ako sa kuwento ng aking kamag-aral. 6. Nakapaghambing ako ng ibat ibang mga bagay. 7. Natukoy ko ang mga bagay na gusto ko. 8. Naipaliwanag ko ang mga bagay na may kinalaman sa aking sarili. 9. Napahalagan ko ang aking sarili.

51

Nagawa ko ang mga bagay na ito:


Mag-aaral Guro

1. Nasabi ko ang mga impormasyon tungkol sa aking sarili . 2. Natukoy ko ang mga bagay na gusto ko. 3. Naikumpara ko ang aking pisikal na katangian at mga karanasan sa aking mga kamag-aral. 4. Naipagmalaki ko ang mga taglay na katangian. 5. Nakagawa ako ng collage. 6. Nakabuo ako ng timeline. 7. Nakagawa ako ng graphic organizer. 8. Naisaayos ko ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.

52

Naipapahayag ko ang mga ito tungkol sa Mag-aaral aking sarili:

Guro

1. Nasasabi ko na ako ay natatangi. 2. . Nasasabi ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking sarili. 3. Naipagmamalaki at napahahalagahan ko ang aking sarili. 4. Iginagalang ko ang mga pisikal na katangian at karanasan ng aking mga kamag-aral. Komento ng iyong guro: ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ____________________.
53

Yunit 2: ANG AKING PAMILYA


Panimula

54

Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. nabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilya 2. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya 3. nasasabi ang papel na ginagampanan ng bawat miyembro ng pamilya 4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng pamilya 5. nasasabi na ang bawat pamilya ay may katangi-tanging katangian 6. nakasusunod sa mga alituntunin ng pamilya 7. naipagmamalaki ang pamilya 8. napahahalagahan ang mabuting pakikipagugnayan sa ibang pamilya; at 9. napahahalagahan ang ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya

55

Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya


Panimula

Lakim

Bain

Nanay

Tatay

Atsi Ate

Kuya

Bunso

56

Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya


Pag-isipan Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya?

Gawain 1 Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng bahay na makikita sa ibaba.

57

Gawain 2 Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o tagapag-alaga.

Ako si ______________________________________.
(Ano ang iyong pangalan?)

___________________ang kasapi ng aking


(Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?)

pamilya. Si _____________________ ang aking ama.


(Ano ang pangalan ng iyong ama?)

Si _____________________ang aking ama.


(Ano ang pangalan ng iyong ina?)

Si/ Sina _______________________________________


(Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano ang kanilang mga pangalan?)

ang aking kapatid/ mga kapatid.

58

Gawain 3 Tanungin ang mga kasapi ng iyong pamilya upang masagutan ang mga patlang. Ang ama ko ay si _________________________________. Siya ay _____________________________ taong gulang. Gusto niyang mag_______________________________. Ang ina ko ay si___________________________________. Siya ay _____________________________ taong gulang. Gusto niyang mag ________________________________. Si ___________________________________ay kapatid ko. Siya ay ______________________________taong gulang. Gusto niyang mag_________________________________.

59

Gawain 4 Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita ito ng mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ito ay isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nito ang bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni Bing sa bawat lugar na kanilang pinasyalan. Ang bar graph ay isang uri ng graph na gumagamit ng mga bar upang ipakita ang bilang o dami ng isang bagay

Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa Lugar na Kanilang Pinasyalan

Oras

Simbahan Parke

Pamilihan

Bahay ng lola

Mga Lugar na Pinapasyalan

60

Sa paggamit ng bar graph, mahalagang tingnan muna ang pamagat nito upang malaman kung ano ang ipinakikita ng graph. Ang pamagat ng bar graph na makikita sa itaas ay Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang Pinasyalan. Sa pinakaibabang bahagi ng graph, makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oras o tagal na inilagi nila sa ibat ibang lugar. Ang bawat bar sa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilagi ng pamilya sa bawat lugar. Ituro ang iyong daliri sa bar para sa simbahan. Umabot lamang ito sa bilang dalawa (2). Nangangahulugan ito na dalawang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan. Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa parke? Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili?

61

Gawain 5 Kasama ang iyong mga kaklase, subukan ninyong gumawa ng graph na nagpapakita ng bilang ng mga kasapi ng inyong pamilya. Humingi ng papel na hugis parisukat sa inyong guro. Ito ang gagamitin ninyong bar sa gagawing bargraph upang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong pamilya. Ang mga Kasapi ng Pamilya
10

9
Bilang ng Kasapi ng Pamilya

8 7 6 5 4 3 2 1
Ben Ned Rina Lito Nena Aris Miko Susan Mong Bea Ron Mila Pat Lina
Malaya

Maki Mark Rosa Nato


Maki

Dan Abbi Edna Bert ert Tina

aki Paolo

Pangalan ng Mag-aaral

62

Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.

TANDAAN Ikaw ay bahagi ng isang pamilya. May ibat ibang kasaping bumubuo sa iyong pamilya. May pamilyang marami ang kasapi. May pamilya ring kaunti ang kasapi.

63

Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kasapi ng Aking Pamilya


Pag-isipan Ano-ano ang ginagawa ng mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng inyong bahay? Gawain 1 Tingnan mo ang larawan ng dalawang kamay. Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina o tagapag-alaga sa patlang na makikita mo itaas ng larawan.

64

Gawain 2 Basahin ang tula na pinamagatang Ang Aming Mag-anak na nakuha mula sa http://www.takdang aralin.com/Filipino/mgatulang-pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/. Ang Aming Mag-anak Ang aming maganak ay laging masaya, Maligaya kami nina ate at kuya. Mahal kaming lahat ni amat ina, Mayroon ba kayong ganitong pamilya? Kahit sa paggaway pagod ang katawan, Tulong ni ama ay laging nakaabang Suliranin ni ate ay nalulunasan, Sa tulong ni inang laging nakalaan . Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi, bakit?
65

Sa ating tula, ilan ang kasapi ng pamilya? Sino-sino ang mga ito? Ano ang naramdaman ng pamilya? Panon mo ito nasabi? Ano-ano ang ginagawa nila sa isat isa?

Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhit ang ibat ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng stick sa guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick.

Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng puppet. Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyo ang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng pamilya. Ipakita rin kung paano nagtutulungan ang bawat kasapi.

66

Gawain 4 Sabay-sabay kantahin ang awit na Masaya kung Sama-sama.

Masaya kung sama-sama, Sama-sama, sama-sama Masaya kung sama-sama, At nagtutulungan. Kay inam ng buhay Kung nagmamahalan Masaya kung sama-sama Ang buong pamilya

Tandaan Ang bawat kasapi ng iyong pamilya ay mahalaga. Bawat isa sa kanila ay may bahaging ginagampanan sa inyong pamilya

67

Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya


Pag-isipan Ano ang mga tungkulin mo sa iyong pamilya? Gawain 1 Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng isang araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alamin kung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan.

68

Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga kapatid? Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa nila? Bakit? Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang ni Ben sa ginagawa nilang magkakaptid? Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa sa inyong tahanan? Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ang tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan at masayang pagsasama ng inyong pamilya. Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong tahanan?

69

Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alamin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng natupad ang tungkulin. Iguhit ang masayang mukha sa larawang nagpapakita na natupad ang tungkulin at malungkot na mukha naman kung nagpapakita ng hindi natupad na tungkulin. Gawain o

70

Gawain 3 Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong pamilya. Lagyan ng tsek ang iyong nagawang tungkulin sa bawat araw. Mga Tungkulin sa Pamilya
Lunes Martes Miyerkules Huwe -bes Biyer nes

71

Mga Tungkulin sa Pamilya

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwe- Biyerbes nes

Tandaan Mayroon kang ibat ibang tungkulin sa iyong pamilya. Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan at masayang pagsasama ng inyong pamilya.
72

Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya


Panimula

73

Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya


Pag-isipan Ano ang mga pangyayari sa inyong pamilya na nagpasaya sa iyo? Gawain 1 Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon. Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin Kahapon

74

Gawain 2 Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang pamilya.

Mahahalagan g Pangyayari sa Buhay ng Pamilya ng Guro

75

Gawain 3 Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba.

Ano ang nakikita sa larawan? Sino-sino ang nakikita sa larawan? Anong pangyayari ang nakikita sa larawan? Ano ang nararamdaman ng mga tao sa larawan? Bakit? Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi? Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya ang maituturing na mahalaga?
76

Gawain 4 Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawat pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob ng larawan ng bahay.

77

Gawain 5 Ibahagi sa klase ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya batay sa ginawang timeline. Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi ang kuwento ng buhay ng iyong pamilya?

Tandaan May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong sarili.

78

Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking Pamilya


Pag-isipan Ano ang mga bagay o pangyayaring nagbabago o nagpapatuloy sa iyong pamilya? Gawain 1 Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at noong anim na taon na siya. Alin ang nagbago sa dalawang larawan? Kulayan ito ng berde. Larawan 1: Noong isilang si Laya

79

Larawan 2: Noong anim na taong gulang na si Laya

Marami ka bang nakulayan sa Larawan 1 at Larawan 2?

80

Gawain 2 Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 at Larawan 2 ng pamilya ni Laya. Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng pamilya ni Laya sa titik A at titik B ng Larawan 1? Ikumpara ang itsura ni Laya at ng mga kasapi ng pamilya na nasa titik A at titik B ng Larawan 1. Ano ang napansin mong pagbabago sa kanila? Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang titik C at titik D ng Larawan 2?

81

Gawain 3 Mag-isip ka ng tatlong mahahalagang pangyayari sa iyong pamilya matapos kang isilang at kanilang makasama. Gumawa ng timeline na nagpapakita ng mga pangyayaring ito. Iguhit ito sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya Simula Nang Isilang ako

82

Gawain 4 Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon. Ang Buhay ng Aking Pamilya Kasapi Tirahan Ginagawa sa loob ng bahay Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mga pangyayari na nagbabago at nananatili? May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sa buhay ng inyong pamilya na nagbago at mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago? Tandaan Ano ang nagbago? Ano ang hindi nagbago?

May mga bagay o pangyayari na nagbabago at nananatili sa buhay ng isang pamilya. Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago o pananatili ng isang bagay o pangyayari.
83

Aralin 2.3: Paghahambing ng Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral
Pag-isipan Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aral? Gawain 1 Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon. Kulayan ito.

Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay, punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.

84

Ang Aking Pamilya Ako ay nabibilang sa pamilya _________________.


(apelyido)

Binubuo ang aking pamilya ng _____________


(bilang ng kasapi)

kasapi. Nakatira ang aming pamilya sa ______________________________________________.


(lugar ng tirahan)

Ang tatay ko ay isang _________________________.


(gawain o hanapbuhay)

Ang nanay ko ay isang ________________________.


(gawain o hanapbuhay)

Ang mga paborito naming ginagawa nang sama-sama ay ________________________________.


(paboritong gawain ng pamilya)

Ang aming pamilya ay ________________________. (pinakagustong katangian ng pamilya)

85

Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulong ng inyong guro, isulat ang inyong ibinahagi sa tsart na makikita sa ibaba.
Pangalan ng mga kasapi ng pangkat Apelyid o Bilang ng Kasapi ng Pamilya Tirahan Gawain o hanapbuhay ng tatay Gawain o hanapbuhay ng nanay Paboritong gawain ng pamilya

May napansin ka bang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong mga kamag-aral? May nais ka pa bang ibahaging impormasyon tungkol sa iyong pamilya?
86

Gawain 3 Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste at makukulay na papel o lumang diyaryo o magazine o tuyong dahon. Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o magazine o tuyong dahon, gumawa ng isang puno at idikit ito sa isang malinis na papel Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat kasapi ng iyong pamilya. Guputin ang mga kahon at idikit ito sa ginawang puno.

87

Family tree ang tawag sa iyong ginawa. Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng pamilya at ugnayan ng bawat isa.

88

Gawain 4 Ibahagi sa klase ang ginawang family tree. Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan ang natapos ninyong family tree ng iyong mga kamag-aral. Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Ano ang masasabi mo sa inyong nabuong mga family tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong family tree?

TANDAAN May pagkakaiba at pagkakatulad ang katangian ng bawat pamilya. Sa pagkakaibang ito makikita ang namumukod na katangian ng isang pamilya. Nararapat lamang na igalang ang katangian ng bawat pamilya.

89

Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamliya


Panimula:

90

Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking Pamilya


Pag-isipan Ano ang mga dapat at di dapat gawin sa loob ng inyong bahay? Gawain 1 Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin sa mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong ginagawa sa bahay.

Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong kinulayan?Ang mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o nakatatandang kasapi ng pamilya ay tinatawag na alituntunin. May naisip ka pa bang alituntunin na ipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga ito?
91

Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon. Lagyan ng tsek kung alin sa mga ito ang ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay. A. D.

Kumain ng masustansiyang pagkain

Iligpit ang pinagtulugan

B.

E.

Ubusin ang pagkaing inihanda

Umuwi sa bahay sa . itinakdang orasin

C.

F.

Iwasang manood ng telebisyon habang kumakain

lligpit ang pinagkainan

92

G.

Maaari po ba akong sumama?

Magsabi ng po at opo sa nakatatanda

Gawin muna ang takdang aralin bago maglaro

H.

I.
Iligpit ang mga laruan matapos laruin

93

Gawain 3 Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang ang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang titik sa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo sa ibaba. Mga Uri ng Alituntunin

Pag-aarap

Pagpapahinga ng katawan at isipan para sa kalusugan

Pagpapanatili ng kaayusan sa tahanan

Paggalang sa nakatatanda

94

Gawain 4 Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi sa isat isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga alituntuntuning ito.

Tandaan May ibat ibang alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya. Nararapat lamang igalang ang mga alituntunin ng iyong pamilya at maging ng ibang pamilya.

95

Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking Pamilya


Pag-isipan Bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng iyong pamilya? Gawain 1 Makinig sa kwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang Ang Ilawan at ang Gamugamo.

Anong sinabi ng matandang gamugamo sa batang gamugamo? Anong ginawa ng batang gamugamo? Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang sinabi ng matandang gamugamo?

96

Ano kaya ang naramdaman ng matandang gamugamo sa kaniyang ginawang hindi pagsunod? Anong nangyari sa batang gamugamo? Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utos sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo nga ang iyong karanasan. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng inyong pamilya?

97

Gawain 2 Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.

98

Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Bawat kasapi ng pangkat ay maglalaro ng binagong Snakes and Ladders. Makinig sa panutong sasabihin ng inyong guro para sa larong ito.

99

Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang binagong Snakes and Ladders? Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin? Ano naman ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng hindi pagsunod sa alituntunin?

100

Gawain 4 Magpatulong sa guro upang mapunan ang patlang sa liham na naglalaman ng pangako mo sa iyong magulang o tagapag-alaga Mahal na _____________________, Ipinangangako ko na simula sa araw na ito, ________________________________________________
Isulat ang petsa ngayon

susundin ko ang sumusunod na alituntunin sa ating pamilya: 1. _________________________________________ 2. 3. _________________________________________ _________________________________________ ______________________________________
Isulat ang buong pangalan

______________________________________
Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga

Tandaan Mahalaga ang mga alituntunin. Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod ng mga kasapi ang mga ito.

101

Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya


Panimula

102

Aralin 4.1. Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya


Pag-isipan Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong pamilya? Gawain 1 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadula ang mga katangian ng isang mabuting pamilya na nakatakda sa inyong grupo. Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan

103

Gawain 2 Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng isang pamilya ang katangian din ng iyong sariling pamilya? Lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita nito.

May iba ka pa bang naiisip na mabubuting katangian ng iyong pamilya?

104

Gawain 3 Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay na ito sa loob ng kahon sa ibaba. Maari ring magdala ng larawan ng masasayang gawain ng inyong pamilya. Halimbawa, namamasyal nang sama-sama, nagsisimba, gumagawa ng gawaing-bahay, at iba pa.

Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong pamilya.

105

Gawain 4 Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa iyong pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan ang mga patlang sa liham na nasa loob ng kahon. Sa aking mga mahal na ____________________, (pangalan ng mga kasapi ng pamilya) Maraming salamat sa ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ____________________________________________.
(Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong pamilya na dapat mong pasalamatan)

Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya! Nagmamahal, ___________________________


(Isulat ang iyong pangalan)

Tandaan Ang bawat pamilya ay may taglay na mabubuting katangian. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang pamilyang iyong kinabibilangan.

106

Aralin 4.2. Ang Mabuting Pakikipagugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya


Pag-isipan Bakit mahalagang panatilihin ang mabuting pagsasamahan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya? Gawain 1 Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit ang larawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin ang mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag-aral. Bumuo ng titik P, ang unang titik ng salitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo at ng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang bahagi ng inyong silid-aralan. Alam mo ba ang tawag dito? Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na tinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikitdikit na larawan upang makabuo ng isang hugis o pattern.

107

Gawain 2 Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang Ang Pamilyang Ismid na isinulat nina Ramoncito Serrano at Rene O. Villanueva at iginuhit ni Sammy Esquillon.

Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid? Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid? Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng pamilyang Ismid? Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang pamilya sa kanilang lugar? Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang gabi habang sila ay natutulog? Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid? Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid, ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?
108

Gawain 2 Maglaro tayo ng Paint Me a Picture. Alam mo ba ang larong ito? Sa Paint Me a Picture, ang mga kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isang pangyayari gamit ang kanilang katawan. Bumuo ng pangkat na may walong kasapi. Magpakita ng ng isang pangyayari na naglalarawan nang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan ng isang pamilya sa iba pang pamilya. Kapag sinabi ng inyong guro na 1, 2, 3, Paint Me a Picture, ipakita ang napili ninyong pangyayari. Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyong guro na maaari na kayong muling kumilos. Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang ipinakitang larawan ng inyong pangkat.

109

Gawain 3 Pagmasdan mo ang larawan na nasa ibaba.

Ano ang ipinapakita ng larawan? Bakit masaya ang mga taong nasa larawan? Bakit mahalagang nagkakasundo at nagtutulungan ang bawat pamilya? Tandaan Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa ibatan pang pamilya. Saray Agawak Naaral Ko Sa pamamagitan nito, so napananatiling masaya Tuntunen: Itdan na tsek kahon na dugan ebat. at tahimik ang inyong lugar. Ang ibat ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
110

Ang Aking mga Nagawa at Natutunan: Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyong sagot. Mag-aaral Guro Nagamit ko ang mga kasanayang ito: 1. Nasunod ko ang mga panuto. 2. Nagamit ko ang aking kasanayan sa sining. 3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking mga kamagaral. 4. Nakinig ako sa kwento ng aking guro. 5. Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase. 6. Nasuri ko ang ibat ibang mga larawan. 7. Nakapaghambing ako ng ibat ibang mga pangyayari. 8. Natukoy ko ang mga bagay na nagbago at nanatili sa aking pamilya. 9. Napahalagahan ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat pamilya. 10. Naipaliwanag ko ang ibat ibang bagay tungkol sa aking pamilya.
111

Nagawa ko ang mga bagay na ito: 1. Nasabi ko ang mga impormasyon tungkol sa aking pamilya. 2. Nakaguhit ako ng ibat ibang larawan. 3. Nakagawa ako ng stick puppet. 4. Naisadula ko ang mabuting katangian ng pamilya. 5. Naikumpara ko ang kuwento ng aking pamilya sa kuwento ng pamilya ng aking mga kamagaral. 6. Naipagmalaki ko ang aking pamilya. 7. Nakagawa ako ng bar graph. 8. Nakabuo ako ng timeline. 9. Nakagawa ako ng graphic organizer. 10. Nakagawa ako ng mosaic. 11. Nakasulat ako ng liham pasasalamat sa aking magulang. 12. Nakagawa ako ng family tree. 13 Nakabigkas ako ng isang tula. 14. Nakaawit ako ng isang kanta.

Mag-aaral Guro

112

Naipapahayag ko ang mga ito: Nasasabi ko na binubuo ng ibat ibang kasapi ang isang pamilya. Nasasabi ko na may ibat ibang tungkuling ginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya. Nasasabi ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa isang pamilya. Nasasabi ko na may ibat ibang alituntunin na ipinatutupad sa bawat pamilya. Nasasabi ko na mahalaga ang mabuting ugnayan ng bawat pamilya sa isang pamayanan. Naipagmamalaki ko at napahahalagahan ang aking pamilya. Iginagalang ko ang mga katangian at paniniwala ng ibang pamilya. Komento ng iyong guro: ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ _________________________________.

113

You might also like